CHAPTER 15 ♡__♡
Mataas na ang araw nang magising si Czarina. Her whole body left langorous. Pumikit uli siya nang masilaw sa liwanag na lumulusot sa manipis na kurtina. Ibiniling niya ang katawan, sabay yakap sa body pillow sa palaging katabi sa kama.
Ngunit hindi malambot ang nakapa ng mga daliri niya. Kundi matigas at mainit.....
Nang mahipo ni Czarina ang makinis na balat ni Dane, biglang humugos pabalik ang mga alaala ng nagdaang gabi. Her tactile senses suddenly remembered everything that happened last night. Pinilit niyang idilat ang mga mata kahit parang magkakadikit ang mga pilikmata.
Napasinghap siya nang maaninag ang mukha ng lalaki. Kinusut-kusot ni Czarina ang mga mata bago muling dumilat.
"Dane?" bulalas pa niya. Hindi pa rin makapaniwala.
"Hi..." His slow but happy smile was breathtaking.
"Bakit.... nandito ka?" Nakakablangko ng utak ang masayang ngiti ni Dane.
"Hindi mo na natatandaan?"
"Nag---nagsiping uli tayo kagabi?" ang pautal na tanong ni Czarina.
Ang akala niya ay isang magandang panaginip lang ang naganap.
"Yes. We made love last night, Czarina" tugon ng lalaki.
"It was the most wonderful lovemaking"
Parang groge pa rin si Czarina kaya hindi makapag-isip kung ano ang dapat gawin. Isang pagkakamali nang magpaubaya siyang makipagniig sa lalaking ito. Ngunit wala siyang nakakapang pagsisisi. At sa kanyang palagay, hindi rin tama ang ganito.
She needed a shower!
"Excuse me" she mumbled as she suddenly bolted out of the bed.
Nasorpresa sa biglang pagbalikwas niya kaya nakatayo na siya bago nakahuma ang binata.
"Saan ka pupunta, Czarina?"
"Magsa-shower"
Sumagot siya nang nakapasok na sa loob ng banyo. Abut-abot ang pagkaba ng dibdib habang nakasandal ang nanginginig na katawan sa nakasaradong pintuan. Luma na ang lock kaya madaling masisira kung pupuwersahin buksan ni Dane.
Ngunit nanatiling payapa ang mga sumunod na sandali. Saka lang kumilos si Czarina para mag-shower.
Nagsasabon na siya ng katawan nang kumatok si Dane.
"Czarina, sweetheart, bumaba ka na agad kapag natapos ka na, ha? Maghahanda na ako ng almusal"
Namilog ang mga mata ni Czarina. Hindi makapaniwalang tama ang narinig. Maghahanda nga ba ng almusal para sa kanya ang isang Dane Niel Villafuerte?!
Gusto niyang magdumali sa paliligo but her movement were lethargic. Parang nahirati sa matagal sa pagka-relaxed ang kanyang mga biyas kaya mabigat pa ring ikilos kahit ginigising na niya sa pamamagitan ng paghihilod nang mariin.
Pinilit niyang magdumali sa pagbibihis. Ngunit palagi pa ring nabibitawan ang bawat mahawakan. Wala rin siyang maisip kung ano ang dapat na isuot. Czarina almost sobbed with sheer frustration. She wanted to recreate her cool and collected image. Ngunit hindi na yata niya maibabalik ang nawalang equilibrium.
"Czarina, hurry up! Breakfast is ready!"
Nataranta si Czarina nang maulinigan ang pagtawag ni Dane mula sa ibaba ng hagdanan. Kaya isinuot na lang niya ang unang nadampot na mga damit sa loob ng aparador. Isang kupas na maong shorts at isang kamisetang umurong na dahil sa kalumaan.
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...