Chapter 9 '__'
Parang sinasampal ang pakiramdam ni Dane habang pinakikinggan ang paulit-ulit na pagtanggi ni Czarina sa kanya. O sa pagkatao niya.
"I don't want a rich husband"
Ang ibig bang sabihin, kailangan muna niyang maging mahirap para pakasalan ni Czarina?
But that was impossible!
Maraming tao ang nabigyan niya ng trabaho at hanapbuhay.
Hindi maaaring basta na lang niyang talikuran ang libu-libong mga empleyado sa kumpanya.
Dahil walang choice, mabilis na nag-isip si Dane. Simbilis ng kidlat, bumuo siya ng isang desisyon. Ngunit kasabay ring sumibol ang isang hibang na ideya.....
He had to settle for second best. Kundi niya magiging asawa si Czarina, papaya na siyang maging mistress na lamang ito---kahit na habambuhay!
"Ok, I surrender" he declared with false humility.
Kunwa'y nagpakumbaba si Dane at itinaas ang dalawang kamay.
"I'm sorry. Hindi ko dapat sinira ang kasunduan natin"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Nagtanong uli si Czarina. Tila nalilito na naman.
"Gusto kong patawarin mo ako, Czarina. Ayokong mawala ka sa akin"
May bumadhang pagkabigla sa magandang mukha ng babae. Tila hindi inaasahang magbabago ng tono si Dane.
"Um, wa-wala kang dapat ihingi ng tawad, Dane" ang pautal na tugon nito.
Czarina still looked bewildered.
"I think... naging matapat ka lang sa hangarin mo"
"Tama ka, matapat nga ang hangarin ko"
Sinunggaban ni Dane ang pagkakataong maipagdiinan ang isang katangian niya.
"Pero mas makakabuting sa ibang babae mo na lang ibaling ang matapat na hangaring 'yan" dugtong ni Czarina.
Dane suppressed the rising impatience inside him. Hindi dapat maubos ang pasensiya niya. Masyadong malaki ang mawawala.
"Ayoko ng ibang babae" he said frankly
"Ikaw lang ang gusto ko, Czarina"
Tumabing ang mahahaba at malalantik na pilikmata nang yumuko si Czarina. Bahagyang namula ang mga pisnging makikinis. Her soft lips quivered with stifled excitement.
Sexual excitement started coursing throughout his whole body. Nakakapukaw pagmasdan ang mga labing bahagyang nangangatal.
"With that fact already established, let us talk about your mother" patuloy ni Dane.
Iniba na niya ang paksa upang hindi maligaw ang usapan. Sinadyang lagyan ng awtoritismo ang baritonong tinig.
"What about my mother?"
Nalilito na naman si Czarina.
"May isang alternative solution sa problema mo sa iyong Mama, Czarina"
"Alternative solution?"
Kumunot ang noo ni Czarina.
"Hindi lang sa America merong mental health farm"
"Talaga? Saan pa?"
Napatigagal si Czarina.
"Dito mismo sa probinsiya natin. To be exact, sa Rancho Santillan"
"Mayroong mental health farm doon?"
"Oo. Si Senyora Emilia Santillan mismo ang nakaisip sa ideyang magpatayo ng isang private mental health farm sa loob ng kanilang rancho" pahayag ni Dane.
"Paano mo nalaman ang tungkol d'yan?" Czarina questioned.
"Isa ako sa mga stockholders ng Hacienda Santillan's Group of Companies" tugon ni Dane.
"Nung isang taon pa inumpisahan ipatayo ang Secret Garden. Iyon ang pangalan ng mental health farm. Presently, malapit nang makumpleto ang clinic"
"Hindi pa pala tapos.......baka hindi pa puwedeng ipasok doon si Mama!"
Halatang bumubuway na ang desisyon ni Czarina.
"Unfortunately, payag si Senyora Emilia na agahan ang pagbubukas para sa iyong Mama. I already asked her personally"
Natahimik si Czarina. Tila matamang nag-iisip.
Hindi huminto si Dane sa pangungumbinsi.
"Ini-request ko kay Dr. Garcia na imbitahan dito ang kaibigan niyang doctor na nasa American mental health farm upang ito mismo ang mangalaga sa iyong Mama"
"Kailan mo nakausap si Dr. Garcia?"
Napamaang si Czarina.
"Pagkatapos ninyong mag-usap"
Bumuntong-hininga si Czarina.
"Puwede kaya ang sinasabi mong 'yan?" she asked tentatively.
"Oo"
Muling natahimik si Czarina. Tinitigan ang putting usok na umaalsa mula sa coffee mug.
Marami pang gustong sabihin si Dane ngunit nagkontrol muna. Ininom niya ang kape para makapagpigil sa pagsasalita. Si Czarina Alquizar ay maihahambing niya sa isang multi-million peso business deal. Kailangang maging maingat sa mga sasabihin para magtagumpay....
Nang maubos ang kapeng iniinom, tumindig si Dane para lumapit sa bintana. Tumanaw siya sa labas upang mahanap ng distraksiyon. Hindi dapat ma-pressure si Czarina dahil baka maging negatibo ang desisyon nito.
Maluwang ngunit masukal ang bakurang nakapalibot sa lumang bahay. Nilalambitinan ng mga ligaw na baging ang ilang punongkahoy. Nalalatagan ng makapal at buhul-buhol na damo ang lupa.
Napansin rin niyang halos wala nang kasangkapan sa buong kabahayan. Bakante ang sala at kumedor. Ang mga pader ay mayroong ang mga kuwadradong bakas na halatang dating ispasyo ng mga nakasabit na malaking paintings. Malamang na mga oil paintings at marahil ay mayroong presyo dahil mabilis na naipagbili.
"Dane?"
Lumingon siya nang tawagin ni Czarina.
"Marming salamat sa mga suhestiyon mo, Dane"
Bumalik si Dane at muling umupo sa breakfast stool.
"Walang anuman, Czarina"
Pigil-hininga siya sa paghihintay ng iba pang sasabihin ng babae
"Bukas, kakausapin ko uli si Dr. Garcia tungkol kay Mama"
"Good"
Huminga nang malalim si Dane bago nagpatuloy.
"Ngayon, pag-usapan naman natin ang tungkol sa ating dalawa"
"Gusto mong magbalikan tayo?" Czarina asked bluntly
Bahagyang napangiti si Dane. Si Czarina ang pinakaprangka babaeng nakilala niya. Pero gusto niya ang usapang walang ligoy.
"Oo"
"Buweno, papaya akong makipagbalikan sa'yo sa isang kondisyon"
"Anong kondisyon?"
"Katulad pa rin ng dati ang relasyon natin. No strings attached. No commitment. Payag ka ba?"
ABANGAN......
VOTE & COMMENT...
BINABASA MO ANG
The Mistress
RomanceShe was beautiful and sexy..... and a rich man's bedmate. Palibhasa mayaman at macho, palaging nakukuha ni Dane Niel Villafuerte ang lahat ng gustuhin---pati na ang mailap na dalagang si Czarina Alquizar. At kahit na naangkin na ni Dane ang katawan...