Claire-181

5.4K 122 11
                                    

"Open your eyes my wife, the climax of our show is just about to come," malambing na bulong niya sa may tenga ko na siyang nagpatindig ng mga balahibo ko.

I almost forgot, this is a show. Xavier and I are only pretending sweet and in love.

Everything that happened earlier was part of our show, it's just an acting. Hindi totoong nagpakasal kami dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Well, at least on my side, I still love him like forever.

But him? I don't think so. Alam ko naman na sukdulan hanggang langit ang galit niya sa akin noong bigla na lang akong umalis ng walang paalam, 6 years ago.

Tinawag kami noong photographer para sa picture taking kasama ang mga abay at bisita. Pagkatapos noon ay nanatili kaming nakatayo sa gitna para i-entertain ang mga bumabati.

"Beshie!" tumitiling tawag ni Elle habang nilalapitan kami.

Sandaling nagtama ang mga paningin namin ni Xavier at matalim ang uri ng tingin na ibinigay niya sa akin. Pero agad rin iyong nawala at napalitan ng mga pekeng ngiti noong tuluyang makalapit si Elle.

"I miss you so much beshie!" maluha-luhang sabi ko habang sinalubong ko siya ng sobrang higpit na yakap.

Anim na taon akong nawala at hindi nagparamdam kaya talagang miss na miss ko na itong bestfriend ko.

"Nakakainis ka beshie! Anim na taon kaming nabaliw sa paghahanap sa'yo, tapos dito lang pala sa kasal ninyo ni Xavier ka namin makikita? Galawang hokage ka rin talaga 'no beshie? Tinali mo agad sa'yo si bebeh mo!" may tampo pero pabirong sabi niya habang kumakalas sa pagkakayakap para harapin ako.

"Grabe ka naman beshie! Asa ka naman na ako ang nagyaya ng kasal sa kanya. Siya kaya itong---" hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko dahil biglang kinabig ni Xavier ang bewang ko at binigyan ako ng smack sa labi.

"Waaaaaahhhh! Nakakakilig talaga kayong dalawa!" tili ni beshie na may kasabay pang paghampas sa braso ko.

Pinaghalong kilig at gulat ang naramdaman ko sa ginawa ni Xavier kaya medyo natulala ako.

Sandali siyang nakipagtitigan sa mga mata ko, nakakapaso ang mga iyon. Pakiramdam ko nga, anong mang oras matutunaw na ako.

Dahan-dahan siyang tumungo, ipinikit ko ang mga mata ko dahil baka halikan niya ulit ako.

Hindi na rin pala masama ang pagpapanggap naming ito, ang swerte ko kasi nakakarami na ako ng halik sa kanya. Isa pa, matagal ko na kayang pangarap na maging Mrs. Xavier Mendez.

"Watch your words. I wouldn't forgive you, if you ruin our show," may diin ang mga salitang banta niya habang nakangiti ng peke.

Siya na! Siya na talaga ang magaling sa pakikipag-plastic-an!

Argh! Napaka-plastic ng asawa ako! Bwiset!

Akala ko pa naman, hahalikan niya ulit ako. Hmmp! Pasalamat siya mahal ko siya!

"Ehem pare! Konting konsiderasyon naman sa mga kasama mo. Single kami ni Elle kaya nakakainggit kayo!" sita ng kadarating pa lang na si Fritz bago niya inakbayan si Elle.

"Panget, ibaba mo 'yang braso mong kasing-bigat ng bakal," reklamo naman ni Elle habang inaalis ang braso ni Fritz kaso imbes na alisin ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkaka-akbay.

"Alam mo Elle, ikaw lang ang panget dito kaya 'wag mong ipangalandakan ang sarili mo. Mahiya ka naman sa mga bisita nila Claire at Xavier," pang-aasar ni Fritz.

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon