Kirby-242

1.7K 51 25
                                    

Hinabol ako nang ibang fans at reporters kaya tumakbo na ako papuntang parking lot. The next thing I knew, may kotse na sa tapat ko at si Hanz ang driver.

"Wazup, bro!" bati ko sa kanya pagkasakay na pagkasakay ko.

May makukulit na fans ang kumakatok sa labas ng kotse niya kaya pinaandar niya agad ito ng mabilis.

"Sorry, pare. Wrong timing ata ako."

"No, it's okay.  Ako nga ang nahihiya sa'yo dahil sinadya mo pa ako dito."

"It just happend na kasama ako ni Kysler sa business trip niya dito sa London, kaya naisipan ko na ring daanan ka para personal na mag-report."

"Okay. So what you've got, pare?"

"Her full name was Aliyah Samantha S. Suarez. But the media always recognize her as Aliyah Suarez, for her safety and privacy. She's 24, same age as yours. She's currently finishing her bachelor degree in AB Photography. It's actually her 6th course---"

"W--wait! Seriously? Woah! She's that smart? Accelerated ba siya?" putol na tanong ko sa sinasabi niya dahil sa sobrang pagkamangha.

"Ummm...  Actually, she's really smart.  She's a consistent top 1 and valedictorian student during her elementary and high school days. Maraming international academic contest na rin siyang naipanalo. Pero bigla siyang nagloko sa pag-aaral noong mamatay sa car accident ang mommy niya during her first year in college.  Simula noon, lagi na siyang nagshi-shift kada semester at hanggang ngayon hindi pa siya nakakagraduate sa kahit na anong kurso."

"Nag-rerebelde? Ganoon?"

"Parang ganoon na nga.  Kasi 3rd year na sana siya sa kursong AB Psychology bago manalo sa pagka-presidente ang daddy niya. Pero noong manalo si President Suarez, bigla na naman siyang nag-shift."

"Pasaway..." naiiling na komento ko.

"But I think, she has a good heart," he said while handing me an envelope.

Binuksan ko ang laman nitong envelop at puro stolen pictures ito ni Aliyah kasama ang mga batang pulubi. Merong kuha na mga katutubo ang kasama niya at nagtuturo siya. Meron ding mga matatanda sa home for the aged. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na siya ang anak ng Presidente dahil napakasimple lang ng suot niya, hindi kasing arte noong Aliyah na nakilala ko sa bar.

"Ano ito? For politics purposes?" diskumpyadong tanong ko dahil sa kaartehan ng babaeng iyon,  imposibleng gawin niya ang lahat ng ito ng bukal sa puso.

Nakakainis lang dahil pati mga inosenteng tao, nagagamit sa pamumulitika nila.

"It's a top secret. Wala pang alam ang media tungkol sa side na iyan ng anak ni President Suarez.  Kilala na kasi si Aliyah bilang spoiled brat and rebellious daughter. Little did they know, Aliyah was doing a volunteer and charity work from time to time. She's doing that since high school. Influence ng mommy niya."

Bigla akong napahiya sa sinabi ni Hanz kaya natahimik na lang ako.

"By the way Kirby, may suspect na ako sa ambush case ni Grandy. Pero hindi pa ganoon katibay ang mga ebidensyang hawak ko."

"Ano na ang alam mo?" seryosong tanong ko.

"Mali ang hinala ng mga Sebastian Investigators. Pakiramdam ko, hindi talaga sina Grandy at Shazsnay ang target nila."

"Kung ganoon, sino?"

"Si Abby Claire."

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon