Claire-221 (SPG)

3.5K 71 33
                                    

Maingat niyang idinampi ang mga palad niya sa magkabilang pisnge ko para punasan ang aking mga luha.

Dahan-dahan siyang tumango habang unti-unting tumutungo.

Nanginginig ang mga labi niyang idinampi sa aking noo, pababa sa ilong hanggang sa magtagpo ang mga labi namin.

Banayad na ngayon ang paghalik niya. Maingat. May repespeto.

Palalim na ng palalim ang halik niya kaya ipinulupot ko na ang aking mga kamay sa leeg niya at mas itinulak pa ang sarili ko.

Pereho kaming kinakapos ng hininga noong maghiwalay ang aming mga labi.

"A--Abbypot, can we make love tonight?" halos paos at may pagsusumamong tanong niya.

Muli kong hinatak ang leeg niya at hinalikan ang pisnge niya papunta sa tungki ng ilong, pabalik sa mga labi niya.

"Yes, bebeh ko..." halos pabulong na sagot ko bago kami muling naghalikan.

Muli na namang lumalim ang halikan namin at naramdaman ko ang pagtayo niya para kargahin ako. Napayakap ang mga binti ko sa bewang niya para hindi na siya mahirapan. Naglakad siyang buhat-buhat ako.

Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin noong maingat niya akong ilapag sa malambot na kama.

"Tonight, let's forget all our issues. Ang iisipin lang natin ay ang pagiging mag-asawa natin. Mrs. Mendez... Misis ko, handa ka na bang bumuo ng isang basketball team kasama ko?" nakakaakit na bulong niya sa may bandang leeg ko.

"Kahit with muse pa, bebeh ko!" pabirong sagot ko habang hinahawakan ang magkabilang pisnge niya.

Tinulak ko siya at ako naman ang dumagan.

Tumatama na ang mga alak na ininom ko kaya hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong maging wild.

Besides, palalagpasin ko pa ba ang opportunity na ito?

Minsan ko lang makausap ng ganito si Xavier. Alam kong lasing na rin siya kaya pumayag siyang maging carefree ngayong gabi. Siguradong bukas, back to normal na naman siya.

Sa ngayon, e-enjoy-in ko na lang muna ang gabing ito kasama siya.

Isa-isa kong inalis ang butones ng suot niyang tuxedo at una kong pinahubad ang coat niya.

Hinalikan ko ang tenga niya...

Pababa sa leeg...

Pababa sa dibdib...

Nakakapa ko na ang mga pandesal niya sa tiyan. Parang dati lang, baby fats ang mga ito.

Mas lalo akong nakaramdam ng init noong maalala ko ang nangyari sa amin six years ago.

This is not the first time na may mangyayari sa amin. He already took my virginity six years ago, at wala akong pinagsisihan doon.

I gave my virginity to the man I love. And now, he is my husband. I'm his one and only, Mrs. Mendez.

Akmang huhubarin ko na ang polo niya nang bigla niya akong itulak pahiga sa may paanan.

Siya na ngayon ang nakapatong sa akin at siya na rin ang kusang naghubad ng suot niyang polo.

"I miss you, Abbypot... I miss you so much..." bulong niya sa pagitan ng paghalik sa leeg ko, pagkatapos ay yinakap niya ako ng sobrang higpit.

"I miss you so much too..." pabulong din na sagot ko habang gumaganti ng mahigpit na yakap.

Dahan-dahan niyang pinagapang ang mga daliri niya sa balat ko. Nakakapaso pero masarap sa pakiramdam.

"You're driving me crazy my beautiful wife. Tonight, I'll make you moan my name, over and over again..." mapang-akit na bulong niya sa tapat ng tenga ko habang unti-unting ibinababa ang zipper nitong suot kong gown.

(A/n: Wews! Okay, bashers labaaaaaasssss!!! Hahahahah! Ito na ata ang pinaka-intense part ng story nila so far. Alam kong medyo SPG siya pero pinilit kong wag sumobra dahil may mga minor readers. I assure that this is still a readers friendly. Kailangan ko lang talagang medyo mag-exceed ng scene kais iyon na ang kinakailangan ng kwento. Mag-asawa na sila guys. Let's give them their honeymoon. 😊❤ Hanggang sa susunod. Ciao!)

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon