Claire-270

1.8K 49 0
                                    

Bigla niyang inihinto ang sasakyan at nabalot kami ng matinding katahimikan.

Kitang-kita ko ang matinding gulat sa buong mukha niya kasabay ng unti-unti niyang panginginig.

Kahit ako ay nagulat din sa mga sinabi ko. I've kept that secret to him for 6 years. At hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa ako madudulas.

Plano ko namang sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon namin ng anak, pero humahanap pa ako ng magandang tyempo. It's now ruin.

"N--namatayan tayo ng anak dahil sa pagiging selfish ko? Tama ba ang narinig ko?" nanginginig na tanong niya habang hinaharap ako.

Halo-halong emosyon ang nababasa ko ngayon sa mukha niya, gulat, takot, pagsisisi at sakit--matinding sakit...

Hindi ko siya magawang tignan, ni sagutin kaya napahagulhol na lang ako sa pag-iyak.

Bumalik ang kotseng sinasakyan nila Elle at tumigil sa tabi namin. Bumaba silang tatlo at kinatok kami.

Walang kumikibo sa amin ni Xavier, pareho kaming walang balak harapin ang tatlong nasa labas. Kaso sobrang kulit nila, hindi tumitigil sa pagkatok.

"Anong nangyari? Bakit bigla kayong tumigil? May problema ba?" sunod-sunod at halatang nag-aalalang tanong nila Fritz noong ibaba ni Xavier ang bintana sa tabi ko.

"Xavier, bakit umiiyak si beshie? Anong ginawa mo?" may halong paninising tanong ni Elle noong makita niya ako.

Sapilitang niyang binuksan ang pintuan sa tabi ko kaya napilitan akong alisin ang lock.

"Doon ka na sumakay sa kotse ko," may awtoridad na sabi ni Elle.

Susunod na sana ako kaso biglang kinapitan ng mahigpit ni Xavier ang kaliwang kamay ko.

"Pwede ba, nasasaktan siya!" sermon sa kanya ni beshie pero hindi man lang siya natinag.

"Hindi ka aalis hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko," ubod ng seryosong pigil ni Xavier habang mas humihigpit ang kapit sa akin.

Bahagya akong lumayo kay Elle at matapang na hinarap ang nakamamatay na tingin ni Xavier.

"Answer my freaking questions, Abby! Totoo ba?! Totoo bang nagkaanak tayo?!"

"Oo! Totoong nagkaanak tayo!"

"Kung ganoon, anong nangyari?! Nasaan ang anak natin?! Bakit itinago mo siya sa akin?!" namumulang sigaw niya habang unti-unting pinangingilidan ng mga luha.

"Dahil nakunan ako, Xavier!" sagot ko sa pagitan ng paghagulhol bago sapilitang hinatak ang kamay kong kapit niya.

Kinakapos na ako ng hininga sa sobrang pag-iyak. Bawat segundo, mas lumalakas ang hagulhol ko lalo na noong bigla kong maalala si Angela--my poor little angel.

Halos mabaliw ako noong malaman kong buntis ako kaso naagasan. Ni hindi ko man lang naiparamdam sa anak kong mahal ko siya habang nasa sinapupunan ko siya.

Mahigit isang taon akong tulala, hindi makausap at laging nakakulong sa kwarto. I even attempt to commit suicide. I am surely dead now, if Kirby didn't save me for overdosing myself with sleeping pills.

"Six years ago, pagkatapos nang nangyari sa atin, plano ko na sanang aminin sa'yo na si daddy ang mismong pumatay kay tito George. Pero narinig kitang may kausap sa cellphone. Alam mo na pala ang kasalanan ni daddy at gusto mong pagbayaran niya iyon."

"Dinamdam ko iyon ng sobra. Pumayag akong mag-migrate kami sa Australia. Pero mahal na mahal kita, Xavier! Hindi kita magawang kalimutan! Araw-araw kitang iniiyakan. Hanggang isang araw, bigla na lang akong dinugo at isinugod sa ospital.."

"Isang buwan na pala akong buntis, pero bumitiw sa pagkapit ang anak natin," nakapikit na dagdag ko.

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon