Xavier-250

1.8K 43 5
                                    

10:10 pm

Fritz: Ano pa bang dapat mong pag-isipan? Oo na agad!

Fritz: Isa pa, alam naman namin ni pareng Zac na hindi totoong nag-quit ka sa pagtugtog ng piano noong mag-break kayo ni Yngrid. Piano was your real first love. Sabi nga nila, first love never die. ❤

Xavier: Expert na expert ka talaga sa pambobola, ano? Tsk. -_-

Fritz is typing...

Xavier: Paano ako papayag? Ni hindi ko nga alam ang title noong piece na binigay mo sa akin.

Xavier: Pasalamat ka maganda ang melody noong piece.

Xavier: Kaso parang ang lungkot. Ang bigat niya sa pakiramdam habang tinutugtog ko.

Fritz: It's a Korean song titled, My First Love. OST sa isang K-Drama.

Fritz: Have you heard Goblin? Sikat na sikat na k-drama iyon sa mga kababaihan lalo kay Anne Curtis.

Xavier: Amp!

Fritz is typing...

Xavier: Pinatugtog mo ako ng Korean song?!

Xavier: Anong akala mo sa akin, jeje?!

Fritz: Ay, o. Napaka-judgemental.

Fritz: Jeje agad?

Fritz: Hindi mo ba alam na mga Korean culture ang in demand ngayon sa girls?

Fritz: Kaya kayo nag-aaway ni Claire e. Wala kang romance sa katawan!

Fritz: I-try mong manuod ng K-drama baka sakaling mahawaan ka ng sweetness ng mga leading guy doon!

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon