Aliyah-228

1.9K 41 2
                                    

"Aliyah Suarez,  open the door now!" nang-eeskandalong sigaw ni daddy habang sunod-sunod na kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

Actually,  hindi na katok ang ginagawa niya.  Hampas na! Kulang na lang sirain niya ang pintuan.

Oh well, I don't even care kung sirain niya ang pinto.  He's the President of this country,  he can do whatever he wants to do in this palace.

"I said open the door or I will cut all your cards and allowance!"

By this time,  alam kong galit na galit na talaga ang daddy ko kaya napilitan na akong bumangon at alisin ang isa pang lock na iniligay ko sa loob para kahit gamitan niya ng susi,  hindi pa rin siya basta-bastang makakapasok.

Ano na naman kayang nagawa kong mali sa paningin niya para sugurin ako?

Madaling araw na akong nakauwi kanina galing sa bar kaya masakit ang ulo ko ngayon sa hangover.

"What is it daddy?" may kataasan ang boses na tanong ko para iparating na hindi ko ikinatutuwa ang pagsigaw niya sa akin.

"Really, ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa akin niyan?  I am the one who have the right to ask you that question! What the heck are these again, Aliyah?!" nanggigigil sa galit na tanong niya habang hinahagis sa mukha ko ang sandamakmak na dyaryo.

Napairap at napakuyom ako ng mariin sa ginawa ni daddy.  Nakakabastos na talaga siya!

How dare him to treat me like this?! Kung andito lang si mommy, I'm sure hindi siya papayag na trinatrato ako ng ganito ni daddy.

Kahit labag sa kalooban ko ay napilitan akong pulutin isa-isa ang mga dyaryo.

"The First Daughter of the Philippines, Dating a K-pop Idol!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The First Daughter of the Philippines, Dating a K-pop Idol!"

"The Girl Behind the Bar scandal of Kirby Park is the Daughter of the Philippine's President."

"Aliyah Suarez,  the Only Child of the Philippine's President, Spotted dating in a bar with the Korean Celebrity, Kirby Park!"

"Confirmed;  Kirby Park and the First Daughter of the Philippines are Dating!"

"The Most Eligible Korean-Filipino Celebrity,  Kirby Park is No Longer Available. He is Now Dating the Spoiled Brat and Rebellious Daughter of the Philippine's President!"

Para akong binuhusan nang isang bucket ng yelo dahil sa mga nabasa ko, lalong-lalo na doon sa huli.  Hindi ko na tinignan ang iba pang dyaryo dahil siguradong ako rin ang laman ng headline.

Just, who the heck is that Kirby Park?!

I don't even know him.  I'm not fan of Koreans.

But I remembered the guy who is with me last week.

Hindi ko masyadong naaninaw ang mukha niya noon kasi bukod sa naka-shades at cap siya, nakasuot din siya ng hoodie.

Basta ang naaalala ko lang,  lasing na lasing ako noon kaya napagkamalan ko siya na ex-boyfriend ko. Tapos pinagkaguluhan kami ng mga tao sa bar noon at bigla na lang niya akong hinatak palabas.

Pero paglabas namin, hinarang siya nang mga body guards ko. Kinuha ako nang mga body guards ko sa kanya tapos nawalan na ako ng malay.

That's it!

Obviously,  we both don't know each other.  Masyadong chismosa lang itong mga journalist na pinagpipilitang may relasyon kaming dalawa noong Kirby na iyon.

"Hindi ka na ba talaga titigil sa pagbibigay sa akin ng kahihiyan,  Aliyah?! Una, hindi mo matapos-tapos ang college mo dahil sa dami mong kalokohan sa school. Pangalawa, nakipag-relasyon ka sa lalakeng alam mo namang ikakasal na sa iba. Ngayon naman sa lalakeng iyan!" galit na sigaw ni daddy habang nakaturo sa picture namin noong si Kirby sa dyaryo.

"Alam mo ba na purong Japanese ang lolo niya sa mother side, at siyang nagmamay-ari nang pinakamalaking Yakuza group sa Japan! Siya lang ang nag-iisang apo at tagapag-mana noon. Isang malaking eskandalo ito kapag kumalat sa media na ang nag-iisang anak ko ay nakikipagrelasyon sa lahi ng mamamatay tao!"

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon