Claire-191

3.9K 98 14
                                    

Ipinatong niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko, katulad nang ginawa niya kanina.

"You seem so scared, like as if it's the first time that we're going to do this," halos paos na bulong niya sa tapat ng tenga ko.

Dahil doon, unti-unti na namang nagtaasa ang mga balahibo ko.

Ipaalala ba naman niya ang pagpapadala namin sa tukso, 6 years ago.

"Tsk... Tsk... Tsk... Abby, my dear Abby... Stop acting like an inocent when we both know that you're not anymore," may halong pang-uuyam na dagdag niya bago siya lumayo at naglakad papunta sa mga bag namin na nakalagay malapit sa pinto.

Ngayon ko lang napansin ang mga bag na iyon, siguro pinauna niyang ipadala ang mga iyon dito sa resort.

Inayos ko ang suot kong dress at umayos sa pagkakatindig. Simula pa lang ito ng pagiging asawa ko sa kanya, kailangan kong magpakatatag.

May kinuha siyang envelope mula doon sa bag niya at inihagis niya iyon sa akin. Mabuti na lang at agad ko itong nasambot.

"Anong laman nito?" nalilitong tanong ko habang iwinawagayway sa ere itong envelope.

"See it by yourself," malamig na sagot niya bago ako inabutan ng ballpen.

Kahit nalilito ay pinagpasyahan ko na lang buksan ang laman nitong envelope.

"Rules and regulation as your wife?!" gulat na tanong ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa hawak kong papel.

"Hindi ka naman siguro bulag 'no?" sarkastikong sagot niya.

"Bakit may ganito pa? May usapan naman na tayo 'di ba? Pakakasalan kita kapalit ng pagpayag mong kausapin at patawarin si daddy. Kasal na tayo Xavier, siguro naman tama na iyon. Pwede mo ng puntahan si daddy at ibigay ang napagkasunduan natin," may diin na sabi ko habang hawak ko ng mahigpit itong mga papel.

May stage 4 lung cancer si daddy at ang kapatawaran lang ni Xavier ang tanging hiling niya bago siya mawala sa mundo.

Wala ng ibang natitirang kamag-anak si tito George maliban kay tita Vivian at kay Xavier.

Tita Aileen was dead already. She died with lukemia, 4 years ago. Pero bago siya mamamatay, ibinigay niya kay Xavier ang last will and testament ni tito George, kung saan nakasaad doon na ipinapapamana niya ang kompanyang naiwan niya kay Xavier. Andoon rin ang DNA test nila na nagpapatunay na mag-ama talaga sila.

Dahil doon, walang nagawa si tita Vivian kung hindi ibigay ang yaman na nararapat para kay Xavier.

Sa madaling salita, si Xavier na lang talaga ang hindi pa maka-move on sa pagkamatay ni tito George. Kaya naman noong nagkita kami last month, imbes na pagbigyan ang huling kahilingan ni daddy, mas pinili niyang makipagkasundo sa akin.

"Hindi ganoon kadali ang hinihingi mo sa akin Abby. Mahirap patawarin ang taong siyang pumatay sa daddy ko. Nang dahil sa kanya, hindi ko man lang naranasan ang pakiramdam ng may ama."

Napapadyak ako ng paa dahil sa mga sinabi niya.

"Seriously Xavier, hindi pa rin ba talaga tapos ang issue na iyan? For Pete's sake, move on! Lahat ng tao sa paligid mo naka-move on na, ikaw na lang ang hindi!" naiinis na sigaw ko.

Tinignan ko siya ng masama at mas lalong nag-init ang ulo ko nang bigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.

"Sige lang, ipagtanggol mo pa ang mamamatay tao mong daddy. Teka, 'di ba lahat ng lalake sa pamilya ninyo ay assassin? Hindi na kataka-taka kung bakit ganyan ka kasi nasa lahi ninyo ang mamamatay ta---" hindi ko na siya pinatapos sa mga pang-iinsulto niya dahil binigyan ko siya ng malakas na sampal.

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon