Claire-194

3.7K 102 18
                                    

Pagkabukas na pagkabukas niya ng gate ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap at napahagulhol ako sa balikat niya.

"What's the matter Abbypot? Sino ang nagpaiyak sa'yo?" nag-aalalang tanong niya pero mahihimigan ang galit sa boses.

Hindi ko siya kayang sagutin kaya mas pinili ko na lang ibaon ang ulo ko sa balikat niya.

"Malakas ang ulan, ayokong magkasakit ka. Sa loob na tayo mag-usap," may awtoridad na sabi niya habang bahagya akong nilalayo sa katawan niya.

"Let me hug you for a moment. Ang romantic kaya ng scene natin, lovers under the rain ang peg," pagbibiro ko bago tumawa ng pilit.

Kahit sandali lang, gusto kong pagaanin ang sitwasyon. Pagod na rin kasi ako sa kakaiyak. Hindi naman kasi ako na-inform na pang-heavy drama pala ang role ng buhay ko.

Hinigpitan ko ang pagyakap sa leeg niya, pero sinigurado ko naman na makakahinga pa siya.

"Kung romantic set up lang pala ang gusto mo, dapat sinabi mo ng mas maaga para nakapaghanda ako hindi iyong susugod ka sa malakas na ulan. Anong akala mo sa sarili mo waterproof?" panenermon niya pero naramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso niya sa bewang ko.

Now, I feel safe.

Sabi ko na nga ba, siya lang ang magkakapagpakalma sa akin.

Sana talaga ganito na lang kami lagi. Iyong puro kilig moments lang, hindi kumplikado.

"Last three seconds."

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

Hinintay kong sumagot siya pero nagulat ako noong bigla niya akong buhatin at ipinasok sa loob ng bahay nila.

"Ate Stella, pakisara na lang noong gate," utos niya sa katulong na nakasalubong namin habang nagmamadali siya sa pag-ayat ng hagdan.

"Uy, bebeh ko ibaba mo ako!" utos ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinakinggan.

Dumiretso kami sa kwarto niya at nataranta ako noong i-lock niya ang pinto.

"Oy! Oy! Oy! Bakit mo ni-lock iyong pinto?!" sita ko sa kanya noong ibaba niya ako sa kama.

"Dahil kwarto ko ito. Ako ang masusunod," walang emosyong sagot niya habang nagkakalkal ng damit sa cabinet.

"Buksan mo iyong pinto. Baka mamaya kung ano ang isipin ng katulong ninyo!"

"Don't worry, hindi malisyosa si ate Stella."

Bigla na lang niyang hinubad ang t-shirt niya kaya agad akong napairit.

"O, anong problema mo?" nakataas ang kilay na tanong niya habang nakabitin sa magkabilang braso iyong t-shirt na hinuhubad niya.

"Ang inosente kong mga mata! Utang na loob Xavier, 'wag mo akong tuksuhin!" tumitiling sabi ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa mga mata ko.

Bigla na lang siyang tumawa kaya ibinaba ko ang mga kamay ko para tignan siya.

"O, bakit tawang-tawa ka diyan?" mataray na tanong ko habang pinapanuod ko siya sa pagpapalit ng damit.

In all fairness naman sa bebeh ko, may abs!

Malakas ang ulan sa labas at nakabukas pa ang aircon dito sa loob, pero bakit pakiramdam ko pinagpapawisan ako?

"Masaya lang ako kasi natutukso ka sa akin," sagot niya sa pagitan ng pagtawa bago kumuha ng towel at ipinatong sa magkabilang balikat ko.

"Sa akin ka lang pwedeng matukso ha," seryosong bilin niya habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko.

"Dahil ako, sa'yong-sa'yo lang..." dagdag pa niya bago unti-unting inangat ang ulo para halikan ako sa noo.



(A/n: Sorry kung ngayon lang ako nakapag-ud. Medyo busy lang po kasi talaga ako. Anyway, enjoy reading!)

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon