Claire-185

4K 100 0
                                    

"Kirby naman, bakit mo pa kasi sinabi sa kanya iyon?!" naiinis na tanong ko.

"Mag-asawa naman na kayo 'di ba? I just thought, it's the right time for him to know that," painosenteng sagot niya habang nagkikibot balikat.

Napabuga na lang ako sa hangin bago ko sinundan iyong nagdra-drama kong asawa.

"Xavier, wait!" tawag ko sa kanya habang lumalakad-takbo ako.

Ang laki kasi ng mga paa niya kaya ang bilis maglakad.

"Xavier, I said wait!" may halo ng inis na tawag ko.

Alam naman niya na ang taas-taas nitong heels na suot ko tapos pinapahabol pa ako.

Sinalubong siya noong boss ko kaya napahinto siya sa paglalakad, mabuti naman.

"Congratulation, Mr. Mendez," bati ni Sir Kysler habang nakikipagkamay sa masungit kong asawa.

Teka, napapadalas ata ang pagtawag kong asawa kay Xavier. Hahahaha... Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nagsi-sink in ng maayos sa utak ko na mag-asawa na talaga kami kaya mabuti na iyong lagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko.

"Thank you, Mr. Abata," pormal na pasasalamat niya.

"Thanks for comming, Sir Kysler!" masiglang pasasalamat ko bago ikinukuwit ang kamay ko sa braso ni Xavier.

Siya si Sir Kysler Abata, ang may-ari ng Abata Construction Company na pinagtra-trabahuhan ko sa Australia. Siya ang top 5 sa most eligable bachelor of the country. Pero gaya ni Xavier, mawawala na rin ang pangalan niya sa listahan dahil malapit na siyang ikasal sa finacee/high school sweet heart niya na walang iba kung hindi ang dating teenage actress pero ngayon ay sikat nang fashion designer na si Blaire Yamzon.

"Ikaw talaga Claire, how many times do I need to remind you na Kysler na lang ang itawag mo sa akin kapag nasa labas tayo ng opisina? Masyado mo kasi akong pinatatanda sa tawag mo, kung tutuuisin magkasing edad lang tayo," pabirong paalala niya.

"I'm sorry Kysler, mas madalas kasi tayong magkasama sa office kaya nasanay na ako," natatawang paliwanag ko.

"Sabagay, ikaw nga pala 'yung babaeng halos gawing bahay na ang office. Pero ngayong may asawa ka na, siguro naman babawasan mo na ang pag-o-vertime mo. Enjoy your marriage life with your husband."

"I will, Kysler," nakangiting sagot ko bago isinandal ang ulo ko sa balikat ni Xavier.

Lulubosin-lubusin ko na ang pag-arteng sweet na asawa sa kanya habang may mga audience pa kami.

Hindi ko inaasahan noong akbayan niya ako at bigla na lang siyang ngumiti ng malaki. Dahil doon, pakiramdam ko tumalon ang puso ko at tuluyang nahulog sa kanya.

"I owe you big time Mr. Abata, kung hindi mo ako inimbitahan sa convention mo sa Australia, siguradong hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin itong Misis ko."

Did he just call me, Misis? Waaaahhh... Ang sarap sa tengang matawag na Misis ni Xavier.

"You don't have to thank me. Nakatadhana talagang pagtagpuin muli kayo at naging tulay lang ang convention ko. By the way, just call me Kysler. Let's not be too formal when we're out of business matter."

"Alright Kysler, call me Xavier then."

May lalakeng lumapit kay Xavier at bumulong.

Medyo na-curious ako kaya inilapit ko ng konti ang tenga ko kaso napansin ata ni Xavier kasi bigla niya ako sinamaan ng tingin.

"Excuse us, we have to go to our honeymoon," maya-maya ay paalam niya kay Kysler.

Waaaahhh... Magha-honeymoon na kami!

Wait...

What?!

Honeymoon?!

Teka, wala ito sa script namin!

Hindi ito kasali sa napagkasunduan!

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon