Claire-224

2.2K 60 23
                                    

Nagising ako na masakit ang buong katawan kaya medyo nahirapan akong bumangon.

Kahit nakainom ako kagabi, malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari sa amin ni Xavier. Patunay doon ang mga damit kong hinubad na ngayon ay nakapatong ng maayos sa couch malapit sa kama.

Speaking of Xavier! Asan na ang gwapo kong asawa?

Dahan-dahan akong tumayo at inabot ang lace nightgown na nakapatong sa couch, nilibot ko ang buong kwarto pero hindi ko siya nakita. 

"Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam? Tsk!" naiinis na reklamo ko bago ako napasalampak nang upo sa kama.

Kagabi lang sobrang sweet niya sa akin.  May patawag-tawag pang,  "my beautiful wife," tapos ngayon ni anino niya hindi ko makita. Ni sulat wala man lang siyang iniwan!

Badtrip na badtrip talaga ako kaya hindi na ako nag-abalang magsuot ng underwear maliban sa nightgown na suot ko.

Dumiretso ako sa kusina at tumingin ng pwede kong maluto sa ref.

Actually,  pwede namang tumawag na lang ako sa reception nitong hotel para um-order at magpa-deliver.  Pero dahil nga badtrip ako sa asawa ko,  idadaan ko na lang sa pagluluto. Tamang-tama, may nakita akong mga baking powder.  Magbe-bake na lang ako ng cake!

Kahit malakas ang aircon dito sa kwarto,  pinagpawisan pa rin ako habang nagbe-bake. Pakiramdam ko tuloy ang asim-asim at ang lagkit-lagkit ko na. Naghilamos at toothbrush lang ako pero hindi na ako  nagsuklay.

So what kung mukha akong losyang?  Mag-isa lang naman ako dito.

Nilalagyan ko na ng icing ang cake nang may biglang sumulpot sa harapan ko.

"Oh shit, Abby! Are you insane?! Bakit ganyan ang itsura mo?!" halos sigaw na tanong ni Xavier habang titig na titig sa mga mata ko.

Tahimik lang akong nakipagtitigan sa kanya pero siya ang unang umiwas na para bang diring-diri siya sa akin dahil bigla siyang tumalikod.

Alam kong panget ako ngayon,  pero kailangan pa ba talagang iparamdam? 

"Hindi pa ako kumakain.  Kakain muna ako bago maligo. It's up to you kung gusto mo ring kumain nitong ginawa kong cake," medyo sarcastic na sabi ko habang naghahain sa lamesa.

"Hindi pa rin ako kumakain at naliligo.  Lumabas lang ako sandali para mag-jogging without expecting that when I came back, my wife was wearing a thin piece of cloth alone! Seriously speaking Abby, do you want an another round at this early moment?"

Bigla akong nanigas at parang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Ramdam na ramdam ko rin ang pamumula ng mga pisnge ko. 

Only now, I realized what I'm only wearing!

Damn, me!

Dali-dali akong tumakbo sa banyo para magkulong dahil sa sobrang kahihiyan.

Kung bakit ba naman kasi bumalik pa siya? Akala ko iniwan na niya ako kaya hindi na ako nag-abalang magdamit ng maayos.

Sunod-sunod siyang kumatok sa pintuan at sinusubukan din niyang buksan ang doorknob kaya iniharang ko ang katawan ko sa pinto.

"Please Xavier,  don't start teasing me!  Kumain ka na, maliligo muna ako!" nahihiyang sigaw ko sa kanya.

"I rather choose to starve myself in hunger while joining you in shower. Let me in, Abby!" halatang nang-aasar na sigaw niya habang patuloy na kumakatok.

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon