Claire-229

2.1K 53 25
                                    

"Hindi ka pa rin tapos magbasa diyan?" nakakunot noo na tanong ni Xavier habang nakikisilip siya sa binabasa kong article sa cellphone ko.

This is about the rumored girlfriend of Kirby,  that certain Aliyah Suarez.

Kanina lang magkausap kami pero wala naman siyang nabanggit na may girlfriend na siya at anak pa talaga nang Presidente!

According to this article, they were spotted exactly the same day of my wedding with Xavier.

Ibig sabihin lang, sa bar siya dumiretso pagkagaling niya sa simbahan. Nagkataon lang na nagkasunod-sunod ang problema namin after the wedding kaya hindi ko agad nabalitaan na naeskandalo pala siya.

"Xavier, 'wag kang magulo!" reklamo ko kasi tinatakpan ng palad niya yung screen.

"You've been reading the same article over and over.  Wala ka ng magagawa kung may girlfriend na si Kirby.  And besides, that's none of your business anymore!"

Kasabay ng panenermon ni Xavier ay ang biglang pag-preno ni Nicolo kaya nabitawan ko ang cellphone ko at tumilapon sa may front seat.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Xavier sa akin habang inaayos ang suot naming seatbelt.

Tahimik lang akong napatango at sabay kaming napatingin kay Nicolo para alamin kung bakit bigla siyang nagpreno.

"Sorry po Ma'am at Sir, may bigla po kasing tumawid," hinging paumanhin niya habang nakatingin sa salamin.

Hindi na umimik si Xavier pero tinignan niya ng masama si Nicolo.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa family van namin at si Nicolo ang driver.

Pagbaba namin sa lobby kanina,  naabutan naming nag-aabang si Nicolo. Pero bago siya pinayagan ni Xavier na makalapit sa akin, mabusising interview muna ang pinagdaanan niya.

Sa totoo lang, ayaw talaga ni Xavier sa idea na meron akong personal body guard at lalake pa.  Mas may tiwala daw kasi siya kung babae ang personal body guard ko para in case of emergency daw at bigla akong traydurin, kaya kong lumaban kasi pareho kaming babae kumapara sa lalake na 'di hamak na mas malakas sa akin.

Pero napag-isip isip din niya kanina na hindi ako basta-basta tratraydurin nitong si Nicolo kasi mataas ang posisyon niya sa pagiging sundalo at may pamilya siyang binubuhay. Kinabukasan ng pamilya niya ang masisira kapag pinagbalakan niya ako ng masama. Isa pa, kailangan ko talaga ng taong malakas at kaya akong ipagtanggol sa mga magtatangka sa buhay ko.

Hmmp!  If I know,  dahilan lang iyon ng bebeh ko kasi natatakot siyang maagaw ako nitong si Nicolo sa kanya.  Super hot pa naman ng bodyguard ko.  Chos!

  Chos!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ummm...  Nicolo pamilyar ka ba kay Aliyah Suarez?  Iyong anak ng Presidente natin?" tanong ko habang inaabot ko ang cellphone kong tumalsik.

Sarhento siya kaya siguradong kahit papaano may alam siya Presidente at sa anak nito.

"Opo ma'am. Sa katunayan po niyan, dati rin po niya akong bodyguard."

"Talaga?!  Anong klaseng babae ba siya?  Mabait ba siya? Bakit may connotation na spoiled brat at rebellious daw siya?  Totoo ba iyon o rumored lang?" sunod-sunod at tanong ko dahil sa sobrang excitement.

Kirby was my friend. I deserve to know kung anong klase bang babae ang dine-date niya ngayon.

"Bakit ba masyadong big deal sa'yo ang bagong girlfriend ni Kirby? Kung gusto mo, siya mismo ang ang tanungin mo! Sundan mo sa London! Magsama kayo ng Ex mo!" nakakagulat na sigaw ni Xavier bago biglang bumaba ng sasakyan.

Ngayon ko lang napansin.  Andito na pala kami sa tapat ng bahay nila Xavier. Ibig sabihin ba, dito na rin ako titira simula ngayon?

Abby Claire The Bride and Xavier The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon