Meet Cindy Llanes

187 0 0
                                    

Chapter 1

Damn stress! Bakit ba lagi na lang kita kasama? |:  4th quarter na ng school year, hindi mo pa ako tinatantanan! Buhay nga naman, oo.

Oops… Sorry sa pagrereklamo. Nadala lang. By the way, I’m Cindy Llanes, 15 y/o, 4th year high school student ng St Joseph Integrated School. Simple daw ako, pero may kaartehan ding taglay. Minsan bigla na lang tatahimik, kadalasan madaldal. In short, RANDOM. That’s me :)))

“Cinds, nakikinig ka pa ba?” tanogn ni Sereena Carandang. She’s one of my closest friends, 16 y/o, taken.

“Ha? Ano na bang pinag-uusapan natin?”

“Spacing out na naman ang drama mo. Ano ba kasing iniisip mo?” tanong naman ni Bea Erika Lee, 16 y/o din and one of my closest friends whom I treat as a sister.

“Puro stress na kasi. Grabe lang oh,” sagot ko sa kanya bago ko isinubo yung last spoonful ng kinakain ko.

“Ay nako ‘teh, lahat naman stressed out na. Isang buwan na lang naman tayo dito sa school, yaan na,” sabi ni Sereena.

“Reena’s right. Besides, fair na soon! I can’t wait ‘till all of these are over!” Bea said. Ngumiti na lang ako. As much as I hated the stress, I don’t want the school year to end. Ayoko pa grumaduate ng high school, pero ayoko ring maging repeater. XD My point is, I hate to leave this school, yung place na nagbigay sa ‘kin ng napakaraaaaaaming memories!

“Kamusta yung thesis niyo?” I asked them both.

“As usual, ako pa rin yung gumagawa ng halos lahat. Alam mo naming yung isa kong kagrupo ay iresponsable, so he’s always out of the picture. ‘Yung isa naman, parang walang pakialam,” Bea answered, rolling her eyes a little bit.

“Baka naman busy lang sila,” I tried to defend her groupmates. Friends ko rin kasi yung groupmates niya, not that close, but still friends.

“Naku, wala talaga. Buti na lang at marami-rami akong nakukuhanang sources.”

“Edi yun, kahit papano. Yung inyo, Reena?”

“Okay na, nakahanap na kami ng bagong topic, kaso wala pa kami sa Body. Alam mo namang umulit kami. Ikaw, okay ka na sa groupmates mo?”

“Hmmm… So far, medyo okay na. Uminit lang ulit yung ulo ko kagabi dahil late na nila sinned yung part nila so late ko na ring na-print; at late na ‘ko nakatulog. Kaloka lang talaga.”

“Looks like we three have our problems with thesis, Idagdag mo pa ang Science Investigatory Project (IP), Economics reporting, Math quizzes. Grabe,” Bea sighed.

“Sinabi mo pa, Pero kaya natin ‘to, woooh!” sabi ni Reena. Natawa kami ni Bea. Luka rin kasi ‘tong si Reena, tapos medyo nakakatawa pag nagchi-cheer. Para kasing fake, kahit totoo naman. Something like that. XD

“Wow, ang saya-saya niya oh. Mukhang kayo pa ng bf mo, ah?” tanong ko kay Reena. Lagi kasi naming siyang niloloko ni Bea na magbbreak na sila before their every monthsary.

Tumango lang si Reena, tas natawa kami ulit ni Bea. Basta kasi silang mag-boyfriend ang pinag-uusapan, natatameme si Reena. Kung ako hindi nagkakamali, five months na sila together. Sila na nga! Haha.

“Iba na talaga ang mga inspirado, oh! Kayo na!” sabi ko kay Reena before standing.

“I know, right!” dagdag ni Bea. We then started walking towards our classrooms. Yep, hindi ko sila kaklase this year. Last year lang kami naging magkakaklase, but then we became close that easily. Unbelievable, right?

Lately ko na nga lang napag-isip-isip: ang bilis naming nag-click apat nina Reena, Bea, and Jane (hindi namin siya nakakasabay lately dahil nasa varsity section na siya ngayon) kahit na may pagkakaiba ang mga personalities namin. Except for Reena, na halos kakambal ko na dahil sa sobrang pagkakaparehas namin.

Anyway, ang daldal ko na so tatahimik na muna ako sa pagnanarrate–

Oh. My. Gosh. Mukhang hindi ako makakatahimik ng lagay na ‘to.

Just MagicalWhere stories live. Discover now