Chapter 7
Ang sakit ng ulo ko -.- kanina pa pumipintig eh. Dahil siguro araw-araw na akong puyat these days.. Lalo rin akong nagiging iritable at mainit ang ulo. :(
Naalala ko lang, nung last day (day 3) ng fair, someone and her friends tried to piss me off. It goes like this..
Habang inaantay kong maayos yung sapatos ko na kinailangan ng might bond, habang nakatambay kami nina Bea at Reena, at habang katext ko si Karl :">, napadaan sina Stella at 'yung mga kaibigan niya. Nag-iba agad 'yung mood ko. Minsan na kasi akong binackfight ng mga yun eh. Panira ng mood.
When Stella (siya lang kasi nakaaway ko eh, damay lang yung mga kaibigan niya) and her friends noticed me, nagtinginan sila then..
"Uy, asan nga si Karl?" simula ni Stella.
"Ah, si Karl?" sabi nung isa.
"Umalis ata si Karl eh." sabi ng isa pa.. at umulan ng marami pang 'Karl'.
Nagkatinginan na lang kami nina Bea at Reena and talked with our eyes..
Wag mo na lang pansinin, they both said.
I know. They're so immature, I replied with my eyes. Iba talaga pag nagkakaintindihan :)))
Napangiti na lang silang dalawa sa’kin as we watched Stella and her friends walk away. They looked satisfied. Akala siguro eh napikon ako. As if.
Little did they know na katext ko si Karl that time..
Asan ka?xd text niya
Andito pa rin sa may bookstore :P napadaan nga pala dito mga kaklase mo :| i replied. Napadaan na kasi si Karl at 'yung barkada niya sa bookstore, so alam kong alam niya exactly where I am. Nagpapacute na rin, baka sakaling pumunta siya. Haha.
Ah.sino?
Sina Stella.. 'Di ba may chenes ako sa'yo before? Akala siguro ng mga 'yun, meron pa hanggang ngayon. XD Ayun, pagkadaan nila, they kept saying and emphasizing on your name.
Ah. Bakit daw?
Aba malay ko. Hahaha. Ewan ko ba sa mga 'yun.
Gnun ba. Hayaan mo na lang.
Oo nga. XD enjoy the fair! Ü
Then, he didn't reply after that. Medyo na-disappoint ako. Akala ko pa man din kakamustahin niya 'ko. Saklap. Haha.
Back to present time.
"Hindi daw tayo makakapag-Mcdo mamaya," balita ni Joy sa'kin. "Busy kasi eh, daming inaasikaso."
"Ah. Sayang naman, stress reliever pa man din sana natin 'yun," sagot ko sa kanya.
"Kahit naman ma-relieve ang stress, babalik ulit. So halos ganun rin," we laughed lightly.
"Sabagay–"
"Cinds," tinawag ako ni Christian.
"Wait lang, teh. May problema pa rin ata references namin," i waited until Joy nodded saka ako pumunta sa groupmates ko.
Bungad ni Christian, "May mali na lang tayong indention at spaces–"
"Ha? Bakit may mali pa rin?" I cut him off. Hold your temper, Cindy. Chill lang.
"Pasensya na, Cinds. Pero buti may dalang printer si Jonas. We'll just have to finish editing it today–"
"But Clarissa's laptop is not working as of the moment." I cut him off again. Alam ko na kung saan ang diretso nito. -.-
"Wala na rin tayong magagawa, Cinds–"
"Yeah, I think so too. Mamayang gabi na lang tayo mag-usap and hopefully, maayos natin," I didn't let them respond. Iinit lang kasi ulo ko pag hindi ko nagustuhan response nila. Ang ikli talaga ng pasensya ko. Sobra, at makakasama 'to for me pag hindi ko naayos ang sarili ko..
So help me, God.
***
TGIF! Oh yeah! \m/ ito ang pinakahihintay naming Seniors... weekend! Sino ba namang HINDI matutuwa sa 2 araw na slight rest after 5 days of sleepless nights? Wala. Haha.
Bukod sa pinakaiintay naming pahinga, maaga rin ang dismissal time ng seniors every Friday, 3pm instead of 4pm. We deserve that one hour less. Kasi, it adds to the time na kakailanganin namin to finish school stuff. Pero kadalasan, sa pahinga at page-enjoy na lang namin inilaaan. XD
Sa section namin, there's another thing to be excited about on Fridays.. hug days! Ever since our class retreat, when we hugged each of us for the first time, naging habit na namin ang i-hug ang isa't isa every last day of the school week. Corny na kung corny, pero ang sarap talaga sa pakiramdam pag may hina-hug ka. Isa pa, pag may nakakasamaan ako ng loob sa mga kaklase ko, parang bigla na lang nawawala every hug day. Parang ngayon lang, kahit na naasar ako sa mga kagrupo ko sa Thesis, eto't katatapos ko lang silang i-hug. Walang plastikan. Ü
After ng hug day, dumating 'yung pinsan kong si Candice sa room namin.
"Ate, may kailangan ako kay Em mo. Haha," sabi niya. She's referring to Carlo, na tinatawag kong Emanuelle, na Em ang tawag ko dati. XD anyway, after Candice said Em's name, natigilan ako. Ö
"Ha?"
"Nasabi ko na sa'yo 'yun. 'Yung Physics Material na nasa kanya para mai-demo namin for our IP."
"Kailan mo kailangan?"
"Sana next wednesday.. Pero puwede mo namang ngayon itanong sa kanya para makausap mo," she finished as she narrowed her eyes.
"Luka!" hinampas ko siya lightly sa braso. "But fine, i'll go with you."
"Papayag ka rin naman pala eh!" We laughed as we went downstairs. For some reason, I'm nervous. FTW.
***
Nilabanan ko na 'yung kaba ko, kaya eto, pinatawag ko na si Emanuelle sa kakilala ko sa room nila.
"Bakit?" he asked paglabas niya. Nanlamig ako bigla. :O
"Kailangan ng pinsan ko 'yung Physics Material whatever na na sa'yo daw. Padala sa Tuesday?"
"Ah, okay sige," he said. I waved at him before turning around, but he stopped me.
"Uuwi ka na?" he suddenly said. I could feel my palms starting to sweat sa tanong niya.
"Uhh.. Oo–"
"Sabay tayo."
Well that’s... UNEXPECTED.

YOU ARE READING
Just Magical
Fiksi Remaja'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥