Chapter 10
What a weekend. I can't help but think about the fight I had with Carlo :| Sa halip na pinoproblema ko 'yung JavaScript project ko na next Monday na kailangang i-submit, si Carlo napasok sa isip ko. -.-
Kasabay ng pagpasok sa isip ko ng away namin, natitigilan ako pag naaalala ko na itinuturing niyang 'chix' si Bea. Oo, alam kong kaibigan si Bea at hindi niya papatulan si Carlo. Kaso, hindi ko talaga maiwasang maging paranoid. Paano kung biglang maging sila? Masakit 'yun. Fine, flirt lang naman 'yung akin with Carlo eh. Kaso.. Basta, saklap pa rin. Hayyy...
Habang nakatambay at nag-iisip ako sa room kanina, 'di na 'ko nakapagpigil. Kailangan ko ng masasabihan, ng makakaintindi.. si Reena.
I went to their room, called her outside and told her everyhting that happened during the little argument with Carlo. Hindi ko napansin na nagc-crack na pala 'yung boses ko.
Hinawakan ni Reena 'yung dalawang braso ko. "Hoy Ci, wag kang iiyak. Lagot ka sa'kin."
I inhaled and chuckled. "Eh kasi naman Reena eh. Alam mo 'yung hindi mo maiwasang isipin siya tapos ganito. Hayyyy." i paused. "By the way Reena, don't tell this to Bea, okay?" She nodded. "Alam mo namang medyo iba ang point of view dito ni Bea, baka masabihan na naman akong malandi."
Si Reena naman 'yung natawa. "Okay na Cinds, gets na natin 'yan. Basta wag kang iiyak. Sasampalin talaga kita."
We both laughed. "Okay, hindi na. Ayaw ko maramdaman 'yang sampal mo." She hugged me. "Ge balik na 'ko sa room namin. Love you, teh."
"I know right! Love you too."
I smiled. Kahit papaano, nabawasan 'yung dinadala kong confusion, etc. Hindi ko rin naman kasi ma-define eh. Haha. Pagdating ko sa room, I sat in my chair and continued to think.
"Hoy Cinds, problema?" tanong ni Lindsay. Napangiti ako. Ganun ba talaga kahalata?
"Si Carlo eh.."
"Oh, ano na namang balita sa lalaking 'yon?" sabat ni Hannah, kaclose at kamag-anak ko na kaklase rin namin. Nakakakuwentuhan ko siya, lalo na sa mga issueng ganito. At dahil andito na din 'tong dalawang babaeng 'to, kasama na si Joy at Enrique na nakasubaybay sa kung anong meron kami ni Emanuelle, ikinuwento ko na kung ano 'yung kinuwento ko kay Reena. Habang nagkukuwento ako, naglapitan na 'yung Mcdo Friends para damayan ang kalokohang ito.
"Nako, hayaan mo na 'yang lalaking 'yan," sabi ni Lindsay.
"Wow ha, ang haba ng hair ni girl (Bea)," sabi ni Joy with matching teasing eyes. Sabay tawa naman ni Enrique.
"Ang solution diyan, move on, teh. MOVE ON," sabi naman ni Hannah.
"Alam na ni Bea?" tanong ni Lindsay.
"Hindi eh, hindi ko sinabi at wala akong balak sabihin. Sa mga ganitong pagkakataon kasi, iba 'yung isip niya."
"Paano kaya pag naging sila?" biro ni Joy.
Bago pa man ako makasagot, nakasingit na si Hannah.
"Basta sa madaling sabi, MOVE ON."
And that was it. Siguro nga 'yun na 'yung kailangan kong gawin.
***
Ano ba namang kalokohan 'to? Hindi ako makapag-concentrate ng tino kung paano ko aayusin 'tong Comp. project na 'to. Kasi naman, basta mapagod ako kakaisip at magpahinga, may biglang papasok sa isip ko. Ano pa nga ba? Edi 'yung bitterness ko kay Emanuelle -.-
At hindi ko namalayang ang haba na pala ng na-type ko about dun. Adik lang. Here's a part of what's typed on MS Word:
What the heck, Emanuelle? How can you afffect me this much? I am a nobody to you, so why am I so affected? Right, maybe it was because I was too attached to you.
How can a person not be attached if someone is being so sweet and is spending cuddle moments with you? Of all people, why you?
...
I showed it to Hannah, and she answered my concluding question (Should I keep holding on to you or should I move on and forget about you?) with 'MOVE ON :))))'
Ito na talaga, I'll do that sa abot ng makakaya ko. Ü
Wait–He didn't even wave! Oops, sorry. Nakasalubong ko lang naman si Carlo at ang barkada niya habang pabalik ako sa room from Computer Lab. Guess I should get used to it.
Leggo moving on! Let's do this!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
hey readers! thank you for letting this story reach 100 reads! kee reading! enjoy! -J :)
YOU ARE READING
Just Magical
Fiksi Remaja'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥