Chapter 9
"Hi Daddy," i greeted my dad pagdating ko sa bahay. Nag-bless ako sa kanya, kumuha ng pagkain at binuksan ko 'yung computer. Hindi maalis 'yung ngiti sa mukha ko :""""">
Nakita kong papalapit si daddy. Poker face mode. XD Binuksan ko 'yung biscuit na kinuha ko sa storage and tried my best para itago ang kilig ko. I hope it's convincing! Haha.
After I logged in to my facebook account, nagsend na agad ako ng message sa closest girl friends ko: Reena, Bea, Jane. Ikinuwento ko ng bonggang bongga ang mga pangyayari with Carlo. Kaloka ang kilig ko! :">
Sis, ang new year's resolution, asan na? Sabi ni Bea. Natawa naman ako. Ang NYR ko kasi ay ang bawasan ang kalandian (dami ko masyadong crush). Haha.
Hay nako. Tapos aasa ka na naman. Sabi naman ni Reena. Natigilan ako dun.. at na-touch. Sa kanila kasing tatlo, si Reena talaga 'yung pinkakaclose ko.
Oo na nga lang. Haha. Sabi ni Jane, na bihira lang mag-OL pero online siya ngayon. Haha.
Girls, pagbigyan niyo na 'ko. Katatapos lang naman n V-day eh :D sagot ko sa kanila. They replied ‘sige na nga’ and i told them I love them. Sa totoo lang, natuwa talaga ako sa reactions nila, kahit na hindi pabor sa ‘kin. Obvious na obvious kasi na ayaw nilang fini-flirt ko si Carlo, ayaw nila dun eh. Unfortunately, medyo gusto ko kaya eto, nakikipagtalo ako sa sarili ko na itigil na ang kahibangang ito. Haha.
***
Grabe lang. Panira ng mood dito sa bahay. Napagsabihan na naman ako ng aking ina for ‘overusing’ the computer. Wala pa nga akong isang oras nagamit eh. Nagkataon lang na naaabutan niya akong gumagamit ng pc pero hindi naman ibig sabihin nun, I’ve been using it for a long time. Buti na lang talaga hindi ako tinitigilang itext nitong si Carlo, at least may pang-neutralize ng feelings...
Ang bilis mo naman atang magFB? Nang-chix ka lang ata eh. I replied to him. Sinabi niya kasi kanina na mag-OL ako tapos biglang wag na lang daw dahil tapos na siya.
Nangchix nga.haha. *gulp. I wasn’t expecting that </3
Sinasabi ko na nga ba, kainaman ka. Hahaha. Idaan na lang natin sa tawa, di naman niya malalaman na nalungkot ako sa sagot niya eh... the advantage og talking through phone.
May itsura pala ung Bea. *gulp Bakit naman sa lahat ng chinichix nito, si Bea pa? Saklap ha. Naalala ko tuloy ‘yung naging conversation namin ni Bea days after she told me na tinetext siya ni Carlo.
“Lagi ngang nagtetext ‘yung Carlo mo eh.”
“Nako, sis. Ingat lang... at malandi ‘yan,”I told her without being guilty. I am frank, kaya hindi talaga ako nagpapatumpik-tumpik sa mga ganitong bagay. It’s a disadvantage sometimes, though.
“Malandi nga,” Bea replied as we laughed.
Back to present time.
Siyempre, kaibigan ko eh. Haha. Napag-usapan ka nga namin minsan :P sabi ko.
Ano namang pinag-usapan niyo? He asked. I told him about my conversation wth Bea, including the part when I told her (Bea) that he’s malandi.
Bastos ka.
Emanuelle, sorry! We were joking that time! Okay, Lying mode. |:
Goodnight After that, he didn’t reply to me. Wow, dahil lang dun? Fine, masakit masabihan ng malandi, but seriously. Magagalit siya ng dahil dun? Ang babaw ha.
After a while of being uneasy because Em stopped texting me, I turned on the tv and send a GM. Guess what? He replied:
Go bother someone else
Wow, Carlo Emanuelle Aquino, I can’t believe you.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Sorry for the short chapter. enjoy reading, though! :)

YOU ARE READING
Just Magical
Novela Juvenil'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥