Preparations for?

64 2 4
                                        

Chapter 15

"Oh ano, pagod?" tanong ng ate 'ko. Tumango na lang ako. Too tired to talk eh. Paano ba naman, we shopped for 9 whole hours. Sa kabutihang palad, may gown na 'ko! Weeeee! It took us 4 1/2 hours bago ako makapili. Para kasing pang-Santacruzan 'yung mga nakita namin. Buti we returned to a mall at dun ko nakita 'yung gown. Love at first sight! Unique kasi 'yung dating eh. Kahit sequined 'yung top, hindi mukhang pang- Sto. Niño. Hahaha.

After finding the right gown, we searched for shoes. Since balloon style 'yung gown ko, hindi na importante kung kita 'yung shoes. XD So we settled on something with a wedge heels.

Habang namimili ako for grad ball, si Ate, namimili rin. Ayun, halos pareho lang ang nagastos namin. XD

"Itaas mo 'yang paa mo para mabawasan ang sakit," sabi ulit ni Ate. Sinunod ko naman. :))

Kahit pagod, I really enjoyed this day with my sister. Tapos, konti na lang, I'm all set for Grad Ball. Ü May konti pa nga lang na dapat ayusin.

.

.

Pero bago 'yun, matutulog muna 'ko..

***

"Baka sa Sleepover nila ginawa," sabi ni Joy. Utas tuloy kami katatawa nina Enrique at ng iba pang friends dito sa Staff room. Kinuwento namin sa kanila kung san nagmumula 'yung mga birong tweets about sa sleepover, pero indirectly 'yung pagkakasabi.

Andito kami ngayon sa Club room ng staffers ng school newspaper namin. We're finishing the last issue before we graduate. Btw, staffer din ng newspaper si Lyn but she has to go to Manila for college matters.

"San nga nagsimula 'yung hinanakit na 'yan?" tanong nung isa naming friend. Siya 'yung nakasabay ko sa bus nung magkasabay kami ni Emanuelle.

"Basta ang amin lang naman, nasabihan man lang kami. Hindi 'yung sa hindi sinasadyang pagkakarinig pa ni Lyn namin nalaman," Enrique answered.

"Ayyy. Ang drama," sagot nung nagtanong. Whatever.

"Magpa-counseling kaya tayo?" biro ni Joy.

"Puwedeeee," sagot ko with matching tawa.

"Pero 'te, si Carlo nga 'yung date mo sa grad ball?" tanong ni Joy.

"Wow, connect na connect ah," sagot 'ko.

"Pero siya nga?"

"Hindi naman nagtatanong eh. At imposibleng magtatanong 'yun," sagot ko. Totoo naman kasi. As much as having someone as a date on grad ball excites me, andun pa rin 'yung fact na hindi ako aayain ni Karl.. or ni Carlo.

"Malay mo naman girl."

"Bawal mag-assume. Anyway, tara na kay Kuya Kiko?" si Kuya Kiko 'yung guidance counsilor ng batch namin.

"Okay, game. Let's do this," sabi ni Enrique.

"Pakisabi na lang kay Miss," sabi ni Joy dun sa iba pa naming kasama sa club room.

Few steps led us to the guidance office. Whew. Leggo.

***

"Wala naman talagang kasalanan si Lynlyn. Kaming mga boys 'yung may pakana na parang 'honeymoon' 'yung sleepover para sa mga nag-marriage booth," explanation ni Steven.

Just MagicalWhere stories live. Discover now