Chapter 8
"Uuwi ka na?" he suddenly said. I could feel my palms sweating sa tanong niya.
"Uhh.. Oo–"
"Sabay tayo."
"Okay, sige. Text mo na lang ako," i smiled at him before finally turning around. Nagawa kong mag-play-it-cool, akalain mong kaya ko 'yun? Hahaha.
Kinilig ako bigla ng bongga. Kamusta naman 'yun? Nagmadali akong tumaas sa room namin para kunin ang gamit ko. Di ko mapigilang ngumiti.
"Oy teh, bat ka nagmamadali?" tanong ni Lindsay with an anong-kalokohan-ang-nangyayari-sayo look.
"Wait, teh. EEEEEEEEEEE–"
"Oh, bakit ka kinikilig?"
"Sabay kami ni Emmanuelle uuwi ngayon!"
"Kaya naman pala. Go na!" sabi ni Lindsay.
I grabbed my bag at slightly -- okay erase that. Haha -- Nagmadali ako pagbaba, sabay tingin sa cp ko. He has 4 messages.
Bilisan mo, sa main entrance.
Wag na lang pala. Haha.
Uwi n lng pala tayo. Bilis.
Tagal
Nako, impatient talaga nitong si Emanuelle. Kainaman. I just replied: Eto na nga ho, papunta na.
Pagdating kosa may main entrance, lumingon siya.
"Tara," he said as he quickly walked pabalik sa loob ng school.
"Akala ko uuwi na?" reklamo ko sa kanya.
Ngumiti muna siya bago mabilis na sumagot, "Sa East Gate na lang tayo dumaan. May bibilhin pa ko."
"You mean, pupunta pa tayo sa mall?" i asked him as i speed up.
"May bibilhin lang ako, pakain sa aso ko," then lalo pa niyang binilisan. Kung hindi lang para sa aso, iiwanan ko 'to.
"What the fudge, Em? Hindi mo ba puwedeng bagalan paglalakad mo?" i slightly screamed at him. Ang loko, tumawa lang. Lokohan pala, ah? Binagalan ko yung paglalakad ko. Hinihingal na rin kasi ako. He glanced at me then stopped.
I smiled. Nakaramdam din. Kaso mali pala ako. Nung mga 2 rulers na lang ang distance namin, he started walking again... fast. :|
Ewan ko ba sa lalaking 'to, ang bilis maglakad. Palibhasa matangkad. Did i mention na 5 feet tall lang ako? Kaya siguro di ko ma-reach ang speed ng taong 'to.
Bakit mo pa kasi sinasamahan? A voice in myhead asked me.
Umiling na lang ako as I wondered where we're going. Papunta na kasi kami sa may arcade ng mall.
"Teka Emanuelle, maglalaro ka?"
"Oo."
"Paano naman ako?"
"Edi hihintayin mo," he smiled at me.
Tiningnan ko siya ng masama pero deep inside, kinilig ako. Yung smile kasi na binigay niya, it looks real. Yung hindi lang siya ngingiti dahil lang kailangan sa picture or whatsoever.. just a real smile.
Maya-maya, dun pala sa tabi ng arcade 'yung punta namin. He smiled at me again.
Tss. Sa hardware pala siya bibili ng dog food -.- bakit ba hindi ko naisip 'yun? Aasarin na naman ako nito.

YOU ARE READING
Just Magical
Fiksi Remaja'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥