Chapter 6
"Cinds, okay na 'yung conclu niyo?" tanong ni Lindsay sa 'kin.
"Kakapasa lang namin ng 2nd draft kanina. Grabe, hassle oh!"
Bukod kasi sa Thesis na pinag-uusapan namin ni Lindsay, may IP pa na kailangang i-defend. Kampante pa ako nung una para sa defense ng IP kaso nung napanood ng buong klase 'yung sa first group, NAKAKAKABA. Pamatay magtanong si Ms, Sarah, 'yung Physics Teacher namin!
"I know, right? Pero konting hinga na lang, matatapos rin natin 'to."
"Yup, at hopefully, grumaduate ang buong klase natin despite sa threat ni Ms. Sarah na ibabagsak tayo," sabi ko kay Lindsay, na kinailangang umalis dahil kinausap siya ni Angelo, Thesis groupmate niya.
After a while, lumapit sa 'kin si Christian, groupmate ko sa Thesis at IP.
"We have a problem," he started with a sad face. "Since ang tagal ng duration ng bawat group sa IP, posibleng magkasabay ang Thesis at IP defense natin next week."
"What the heck?!!!"
"May El Fili play pa tayo next week. Ang dami kong kailangang sauluhin," sabi niya.
"Kaya mo 'yan. We're Cahills, kaya natin 'to!"
He smiled before speaking to Clarissa, 'yung isa pa naming groupmate sa Thesis.
Buti na lang pala nagsabi na agad ako na tutulong ako sa paggawa ng script. Kaya ayun, extra lang ang role ko at hindi gaanong mahahaba ang lines. Less hassle for me. But then, nag-cramming ako para matapos agad 'yung part ko sa script. Yes, cramming! Napaka-in demand nun sa klase namin. Hindi nalampas ang isang araw ng hindi kami nagca-cramming. Ewan ko sa iba, pero parang part na ng buhay ng mga senior ang mag-cramming. Pero sana, iwan na kami. Hahaha.
"Nakapag-aral ka na sa Math?" tanong nung kaklase ko.
"Ha? Bakit?"
"May quiz mamayang hapon, 'di ba?"
"Ay, oo nga pala! Mamayang lunch ko na lang siguro pag-aaralan."
"May mass tayo, teh."
"Fudge. Buti pinaalala mo. Cramming nanaman! Hahayyy."
I don’t study for Math, but I make sure to atleast go over my notes. I hope to survive this day!
***
“Cinds, mamayang gabi natin ayusin ‘yung references natin,” sabi ni Christian sa ‘kin after ng mass na inattendan ng klase namin.
“Bakit mamayang gabi pa? ‘Di ba may English time naman?” I asked him. Medyo may pagkataray ata ‘yung pagkakasabi ko. Ayoko kasi ng sa gabi pa nagca-cramming. AYOKO NG NAPUPUYAT.
“Nag-crash ‘yung laptop ni Clarissa kaya hindi natin magagawa.” Sagot niya. Umiling na lang ako.
Nakaka-BV. Fine, mababaw na kung mababaw, pero I hate it when things don’t go in your way, which happens often. Parang ngayon lang. References na lang kasi ang kulang namin for the final paper of our thesis. We have exactly one week left before our defense tapos biglang hindi pa namin ‘to tapos. Kamusta naman ‘yun, ‘di ba? Ugh |:
Kakagaling lang namin sa chapel, tapos ito, naiinis na agad ako sa mga bagay-bagay. Pasensya na po, Lord...
FAST FORWARD.
Ang tahimik na naman dito sa room... Well, aside sa nagde-defense ng IP nila. Bawal kasi umimik pag may nagdedefense sa unahan eh. Bawal ding gumawa ng kahit ano. Ang puwede lang, makinig at ma-bore sa nagsasalita sa unahan.
Habang bored kaming magkakaklase, kabadong kabado naman ‘yung mga nagde-defense sa unahan. Sino ba namang hindi, eh pamatay ang tingin at tanong ni Ms. Sarah. Grabe lang, kinakabahan na tuloy ako pag kami na mismo ‘yung nag-defense.
Pagkalipas ng ilang minuto, Q & A na. Hindi na ako makapagpigil kaya kumuha na ako ng ballpen at papel. Kahit bawal, at baka mapalabas ako ng classroom until this schoolyear ends, nagsulat ako ng kung anu-ano. Doodle, lettering, etc. Ganun ka-boring.
Lumingon bigla si Ms. Sarah sa likod. Kinabahan ako bigla. Tumigil ako sa ginagawa ko at nagseryoso ng tingin sa nagdedefense. Ms. Sarah turned around. *sigh* Buti mabilis ako kumilos!
Tinawanan ako nitong katabi kong nagdu-doodle rin, si Joyce. Siya rin kasi, natigilan pagkalingon ni Ms. Buti na lang talaga andito kami sa farthest corner ng classroom beside the door. Hindi kami masyadong kita, on my opinion. XD
“We’ll continue tomorrow. Make sure to bring those references that you mentioned to support your statements,” sabi ni Ms. Sarah sa group 3 then dinismiss niya na kami. Sandamakmak na buntung hininga ang maririnig mo sa klase namin pagkalabas ni Ms. Sarah ng classroom, mistulang Final Destination movie ang bawat defense period! XD
Pagkalagay ko ng iba kong gamit sa locker, I quickly fixed my bag para mag-ready na pag-uwi. May quiz pa kasi bukas sa Economics then we’ll have to finish our references for our Thesis. Kailangan kong makauwi kaagad para mabawasan ang cramming.
Just my luck, someone is standing outside the teachers’ faculty room, si Karl Martinez lang naman :”> Natigilan ako. Ewan ko ba, pero ang alam ko sa sarili ko, naka-move on na ako sa kanya, pero sa tuwing makikita ko siya, nakakalimutan ko agad ‘yung ginagawa ko. Para bang siya lang ‘yung nasa mundo ko. Corny, right? -.- kaso ‘yun ‘yung totoo eh..
*tapik sa braso* Umiling lang ako habang nakatitig kay Karl na kausap na ngayon ‘yung adviser niya. *tapik sa braso* Umiling lang ulit ako.
“Cindy!” sigaw ni Lindsay sa’kin. Umikot ako para tingnan siya habang narinig kong tumawa si Karl. Tumingin ako sa direction ni Karl and i saw him shake his head while smiling. :””””> I narrowed my eyes at him (para kunwari wala lang sa’kin, pero ang totoo kinikilig ako) before turning to Lindsay.
“Bakit?”
“Kanina ka pa po kasi tinatawag ni Christian, para daw sa thesis niyo. Ikaw naman eh titig na titig kay Karl mo.”
“Ssssh! Baka marinig ka niya!”
“Feeling ko hindi na, kasi pagkalingon mo sa’kin, bumaba na sila ng barkada niya.” I turned around to check if wala na nga si Karl, at ‘yun, wala na nga siya. Nag-sad face ako kay Lindsay. “Ewan ko ba sa’yo, teh. Malma ang paghanga mo sa lalaking ‘yun.”
“Hindi naman,” I smiled at her.
“Sige, sabi mo ‘yan. Uwi na ‘ko, kausapin mo na lang ka-grupo mo. Ingat, teh.”
After Lindsay left, hinanap ko na si Christian. Nakauwi na pala -.- Anyway, mago-online pa naman siya. Sana nakapag-hi man lang ako kay ‘Tol. Makauwi na nga.
***
Anak ng pitong kuba! 10pm na bago pa mai-send ni Clarissa ‘yung references niya. Seriously. Siya na nga ‘yung pinakamaagang nauwi tapos ganito -.- Nakakainis lang talaga! Wala na ‘yung kilig ko kanina kay Karl. Puyat ka na nga, na-badtrip ka pa. Ugh |: Iniiwasan ko nga ‘yung cramming tapos ganun? :/ 11pm na ngayon, at sa palagay ko, pag naulit pa ‘to, hindi na ako makakapagtimpi sa kagrupo kong ‘yun!
♥♥♥♥♥♥♥♥♥
sorry for the late upload. sorry din dahil kontin lang 'yung moment ni Cindy kay Karl sa chapter na 'to. Gusto ko lang na mas makilala niyo 'yung character ni Cindy. :))
I don't mind a feedback, wheter good or bad. Thanks for reading! :))))
![](https://img.wattpad.com/cover/1101286-288-k959631.jpg)
YOU ARE READING
Just Magical
Fiksi Remaja'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥