Chapter 4
Ang saklap. </3 alam mo ‘yung feeling na nakita mo ‘yung best friend mo na sobrang lungkot? Masakit din ‘yun para sa’kin. Haaay.
Second day of fair = basketball games day. Puro basketball ang naka-line up sa mga puwedeng panoorin. Una ‘yung 2 schools for an invitational game. ‘Yung pangalwa, eto, kakatapos lang... Basketball team ng school namin vs. Team ng school na medyo nakainitan namin. Ang dumi kasi nila maglaro eh. This is their second game with our basketball team. Best of 2 lang, at nakaka-isa na yung kabilang school. Kaya ang ginawa ngayon, dito sa City Dome, hakot lahat ng kayang mahakot na supporters para sa basketball team ng school namin.
Cheer kung cheer! Kaso, hindi mo pala matatalo ang mga masasama maglaro. Tama ba namang manakit ng players habang naglalaro? Ang daming players namin ‘yung nasaktan. Alam mo ‘yung sobra? Lumagpak sa sahig ‘yung bestfriend ko, si Jeremy Paul Aguinaldo. Grabe, tumakbo nga ‘yung ate niya papunta sa kanya to check if he was okay. Kasi, rinig na rinig ‘yung lagapak ng ulo niya sa sahig. And guess what, the other team did not even say sorry. Hindi ba uso ang manners sa kanila?
3 quarters kaming lamang pero in the end, sila ‘yung nanalo, by three points. Sayang ‘yun oh. Marunong tumanggap ng pagkatalo ang mga taga-St. Joseph, pero ang hindi namin matanggap, ‘yung nabugbog ‘yung katawan ng players namin dahil ang duming maglaro ng kalabang team.
Napaluha pa tuloy ako ng wala sa oras, at kahit gutom na gutom ako kanina, wala na akong gana ngayon. Ang saklap lang talaga. Sobrang dilim ng mukha ni Jeremy, isa kasi siya sa captains ng team eh. I wish I could be there to comfort him. But I’ll leave that job to his girlfriend, sabi nga nung isa kong friend na mas bata sa ‘kin, “bestfriend ka LANG, ate.”
“Sis, kain na tayo,” nag-aya si Bea.
“Wala na ‘kong gana. Sasama na lang siguro ako sa pagbili,” I told her as we stood and went to buy food. Hay, I am damn depressed about the game. Nala-lighten up lang ‘yung mood ko dahil sa college students na nakaupo sa likuran namin kanina, sabi eh mga taga-Bukid daw ‘yung kabilang school. For the win!
***
Last day of school fair is boring as ever... Every year, cosplay ang event sa last day. Okay naman siya dahil nakakatuwang tingnan ‘yung costumes ng mga sumasali. Kaso, kadalasan, wala siyang dating. This year, I watched this year’s cosplay because Kambal participated. She didn’t win, though she looked really really cute J))
Now, Mcdo friends are here at Vincent’s place. We’re celebrating his birthday(which is on Tuesday) today. Non-stop ang kulitan ang kuwentuhan naming magkakaibigan. Nakakagulat pa dahil may dinatnan kaming food. Ang plano kasi namin, tatambay lang talaga kami while watching a movie.
After lots of eating and picture taking, andito na kami sa Entertainment room. Ready na akong pumikit ng matagal-tagal. Final Destination 5 ang movie. *gulp Takot ako sa sobrang daming dugo kaya hindi ako sanay manood ng ganito. But since sobrang dami naman naming magkakaibigan, this would be fun J))
Vincent bought Tanduay Ice at pinagpapasa-pasahan na siya ngayon. Hindi ako nainom, kahit pa sabihing 5% alcohol lang ‘yun, pero dahil lahat sila uminom, I took 2 sips. Then, I focused on popcorn \m/ The movie has just started. I grabbed my jacket and started watching. Once nagiging suspense ‘yung dating ng music, tinatakpan ko na agad ‘yung mata ko! Haha.
Andito pa ako, Emanuelle texted me.
Bakit? Hinihintay mo ako? Haha #Feeler I replied.
Oo nga. He replied back. *blush So iniintay niya ako? :O nakakagulat lang. Or baka, kaya niya ako hinihintay ay dahil hinintay ko siya last time.
Okay then, sabay tayo pag-uwi. Itetext na lang kita.
G
“Joy, hindi ako makakasabay sa inyo ni Enrique.”
“Kasabay mo si Carlo, ano?” tanong ni Joy. Tumango na lang ako. Nagtinginan sila ni Enrique before focusing on the bloody movie again. Tinginan pa lang, alam naaaa :D
Habang busy sila sa panonood, kain lang ako ng kasin ng popcorn while texting while watching their expressions. Si Lindsay, nagtakip na ng unan sa mukha. Sobrang gross at nakakadiri na kasi eh. Buti na lang, prepared ako. Hahaha...
After endless screams, and eating, natapos din namin ‘yung Final Destination 5. Wagas na wagas. :D Nanood pa kami ng ilang parts ng School of Rock. Ayun, super saya. Ayaw pa nga naming magsialis, kaso we needed to. Anyway, nag-enjoy naman kami ng sobra at feeling ko, mag-eenjoy din ako sa biyahe pag-uwi. Hoho. :D
Otw home...
Magkatabi na kami nitong si Carlo ngayon, nasa seats na katapat namin sidewards sina Joy at Enrique. Nasa unahan sila kanina, kaso baka daw ma-Final Destination sila. Nakaka-paranoid lang talaga ‘yung movie na ‘yun.
“Kanina ka pa naghihintay?” tanong ko kay Carlo.
“Oo. Tagal mo.” Sagot niya. Ang sarap sabihing hindi ko naman sinabing hintayin niya ako. Kaso, that is too rude. Nag-effort siya eh (:
“Sorry naman. Ikukuwento ko na lang sa’yo ‘yung sa Final Destination 5.” Tumango siya so kuwento naman agad ako. After some while of talking, sisingit siya para sabihing ‘lame’ o kaya imposible daw ‘yun. Siyempre, dinedefend ko ‘yung movie. Haha.
“’Yun na ‘yun?” he asked.
“Yup. Teka, nag-basketball ka?”
“Oo, dun ulit sa dati.”
Then, we were silent for a while. Maya-maya, inasar niya lang ako about sa height ko, etc. Lagi naman eh. Nung tumahimik ulit kami, I grabbed his phone and checked his contacts.
“Wala kang makikita diyan,” he mumbled. I didn’t mind him. May natuklasan kasi ako. What a word, haha. Sa mga kaibigan niyang babae, lahat ng names ay surname. Per ‘yung akin, Cindy ‘yung nakalagay :”> ano naman kaya ang ibig sabihin nun? Pero ayoko pa ring mag-assume..
Malapit na akong bumaba so ibabalik ko na ‘yung phone ni Emanuelle. Kaso I have a better idea, sa mukha ko ibibigay ‘yung phone. >:D
Right at the moment na nage-aim ako sa face niya, nakailag siya ang his phone fell. O_O patay ako nito.
“Em, sorry sorry...”
“Kunin mo ‘yun,” sabi niya. I froze. Iba kasi ‘yung tono niya eh. As in seryoso talaga.
“I can’t, pababa na ako eh.”
“Kunin mo ‘yun. Pag hindi, idedelete ko ‘yung number mo.”
“Em naman eh...”
And there, he got his phone, and deleted my number in front of me. </3
YOU ARE READING
Just Magical
Teen Fiction'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥