Chapter 5
I am in trouble. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Eh kasi naman. Bakit pa ba ako nag-inarte na i-tap sa mukha niya ‘yung phone niya? Nalaglag pa tuloy. Anyway, bakit naman siya umilag, di ba? Pero, ako talaga ‘yung may kasalanan eh. After taking some more deep breaths, I texted him, Sorry talaga. Idinouble send ko na.
Error 213: Your message was not sent. Error 214: You have been deleted. He replied. Siyempre, alam kong gawa-gawa niya lang ‘yan. Kasalanan ko naman kasi eh. His phone is not that expensive, but it’s not that cheap either.v Mayaman naman sila, kaso lagi siyang nakakawala ng cellphone at pera. May karapatan talaga siyang magalit sa ‘kin.
Joy, pasabi naman kay ano, sorry talaga. Thanks. I texted Joy. Inhale.. Exhale.
Para hindi ako masyadong mag-alala, I quickly turned on the computer. Ok daw... reply ‘yan ni Joy. I was a little relieved. Pero, I still feel uneasy. Kanina, kinikilig ako tapos biglang poof. Galit na siya sa ‘kin.
Right after I logged in my facebook account, he messaged me.
Error 54758712684: You are forgiven. Carlo told me. Bigla akong napangiti. Joy flooded my entire body. My dad is at home, and I hope hindi niya nakita kung gaano kalaki ang ngiti ko. Hindi agad ako naka-reply dahil sa tuwa. GRABE. Ang saya ko lang talaga. Thank You, Lord!
Whew! Thanks!
:))))))))
How’s your phone?
Ayos lang. Kaso nakakaawa yung sa bus. Natamaan ng extra strong na cp
HAHA, good to hear. Salamat uli, ah?
:)
There, end of econversation. But still, i’m really grateful :> Fine, mababaw ‘yung pinag-awayan namin, but still. Iba kasi ‘yung feeling na nagkakaayos kayo ng kaibigan mo. Masarap talaga siya sa pakiramdam.
Good Afternoon c:
GM niya ‘yan, napangiti ulit ako. Nag-GM siya right after magkabati kami. Was that supposed to mean something? Okay, nagiging assuming na ako Itetext ko na lang siya. Haha.
Hey. :) I texted him
Nagrerestart ng kanya tong cp ko o.0
Oh my, sorry talaga Emanuelle :(((
Nah. :) Magiging ok rn to he replied. Napangiti naman ako dun. Sana nga maging okay ‘yung phone niya. We talked about lots of random stuff, and that went on for three days.
Today is a Monday evening. We had no classes since rest day namin from fair. Bukas kami papasok, Single Awareness Day pa man din.
Anong meron bukas? Haha, I texted Carlo, bka sakaling bigyan ako ng chocolate. #Feeler
***
Ngayon lang ako na-bitter ng ganito. February 14 = Vincent’s birthday (which isn’t a bad thing) = Valentines Day = SINGLE AWARENESS DAY
Umaga pa lang, puro flowers and sweet gifts ang mga nakikita kong ibinibigay ng mga lalaki sa mga girls. Nakaka-bitter </3 Ngayon lang kasi ‘yung Valentines na affected ako. The past 2 years kasi, walang pasok, so walang nagi-imply na ma-bitter ako. Nung first year naman, my crush gave me a rose, a sign of appreciation. No more no less, but that made me happy.
Pero ngayon, T.T Nagparinig nga ako kay Karl at Carlo eh. Kaso, tinatawanan lang nila ako. Hay naku </3
Nakatambay kami nitong classmate kong si Charisse sa may waiting area sa parking lot. Ako, nagpapalipas lang ng oras habang siya, naghihintay ng service. Medyo tumambay muna ako kasi baka pati mga makasabay ko sa jeep, puro may dalang gifts |:
“’Yung feeling na ang dami-daming roses na hawak nung iba, samantalang tayo, eto, walang kahit ano,” sabi ni Charisse.
“Oo nga eh, ang masaklap pa, kahit ‘yung grade school, amay natanggap, tapos tayo?” sumimangot ako slight bago kami tumawa pareho. Then I remembered something. “Buti na lang nakahingi at binigyan kami ni Ms. Tan ng Ferrero Rocher kanina. At least may nakuha ako.”
“At least... Teka, eh sino ‘yung lagi mong nakakasabay sa bus?”
“Ah, si Carlo. Kaibigan ko lang ‘yun... na medyo nakikipag-flirt ako,” tumawa ako, then si Charisse din.
Pagkatapos naming magkuwentuhan at maging bitter sa araw na ‘to, I decided to go home. But before that, I texted some of my closest friends, including Karl and Carlo, about my bitterness. Guess what? Silang dalawa ‘yung katangi-tanging nag-comfort sa’kin. Note: baka magtaka ka kung bakit hindi nag-reply ‘yung bestfriend kong si Jeremy. Hindi ko na siya sinendan, masaya siguro ‘yun ngayon, may girlfriend eh.
**Coversation with Carlo:
Nasan ka?
Nasa may parking lot.
Umuwi ka na...
Ito nga nga ho. Chocolates koooooooo. Haha.
Wla akong pera.
Oh.. asan na ‘yung pinakita mo sa’king 500 mo? :P
Ubos n.haha.
Nako naman. Paano na ‘yung chocolates ko? HAHAHA.
Bakit, ano bang meron ngayon? ‘Di ba February 14 lang naman?
Valentines ngayon eh. Bitter </3
Lilipas din ‘yan. Bukas naman, hindi na Valentines eh, sabi ni Carlo. Napangiti naman daw ako. Sa totoo lang, nag-expect ako na aayain niya akong sasabayan niya akong umuwi dahil nga malungkot ako. But he gave me a better one, simple words to make me feel better :>
**Conversation with Karl:
Hehe, bakit nmn?xd
Eh kasi naman halos lahat ng nakakasalubong ko, may dalang flowers </3
Sus!!!xd
Hay nako, asan ka ba?
Nandito sa Rob, kasama mga kaklase ko.
Ahh. Magpapalibre sana ako. Haha :P
Ah. xd
Nakaka-bitter lang talaga. Haaaayyy.
Mga babae talaga.hehe.
Mahalaga kasi talaga ang Valentines eh, alam mo ‘yun?
Eh ano ba kasing meron? Feb 14 ngayon, eh ano?
Lalaki ka kasi, kaya hindi mo alam eh :(
Basta, hayaan mo na. Wala namang mahalaga ngayon eh. :)
Aw :’> thanks ‘Tol :D
And that ends my convo about Valentines day with him. Yup, I have been calling him ‘Tol since second year ata ;) Anyway, tama naman siya, wala nga sigurong mahalaga ngayon. Nadala lang siguro ako ng emosyon.
Wala mang nagbigay sa’kin ngayon ng special material thins, I’m glad to have those two boys as my friends. Naku, kung hindi dahil sa kanila, baka lamunin na ako ng pagiging bitter ko ngayon. Haha. Yeah right, I am single, no suitors, but I have these guys who never fail to make me smile.Thank You, God for letting me have them as friends :))))
YOU ARE READING
Just Magical
Teen Fiction'Yung feeling na parang lahat ng nangyayari sa paligid mo ay naaayon sa gusto mo, parang nasa Fairytale ka. Parang ganito 'yun. Ang pagkakaiba lang, nangyayari 'to sa totoong buhay. ♥