[Chapter 1] -The Academy Of Axis Part 1-

171 9 11
                                    

"Nandito na tayo" Sabi ni Kryo.

"Wow! Ganda nito! Ang rich!"

"Anong rich? Public learning institute kaya ito, saka pumasok na tayo, baka maabutan pa tayo ng flag ceremony"

Nandito kami sa entrance ng Axis Academy, isa sa mga Academies dito sa Maverick. Makikita ko ang mga estudyante na naglalakad sa loob ng campus, mistulang nagmamadali dahil busy. Ganda dito no? Feel ko mayaman na ako dahil lang sa design ng gate.

Pumasok si Kryo sa loob ng campus at hindi na nag hintay sa akin, hindi ko to napansin dahil concentrated ako sa kagandahan ng Academy.

Kulay itim, puti, at asul ang mga buildings dito, black din ang kulay ng mga uniform na suot ng mga estudyante. Mayroon rin itong maraming damo at well styled bushes. Ang mga pathway dito ay gawa sa chiseled stone.

Sumunod naman ako kay Kyro at pumunta kami sa isang malaking building na may pinta na blue, ito pala ang Assembly Hall. At doon pinuntahan namin ang TSU, kung saan makikita ang mga teachers minsan.

Pagdating namin doon, mayroong isang babae na gumagamit ng isang computer. Pumasok si Kryo at sinundan ko siya.

"Ah Mam nandito na po siya" Sabi ni Kryo.

Lumingon naman ang babae at nag smile, nag welcome siya at pinaupo kami.

"So ikaw pala si Lagarde, ang bagong transfer student. Maligayang pagdating dito sa Axis" Sabi niya.

"Salamat ho, eh first time ko palang dito sa Maverick, ang ganda pala dito no? At advance pa!" Sabi ko.

"Maganda na nagustuhan mo kahit bago ka palang dito" Sabi niya "Ah! Ako nga pala si Venice Kaiser, isang teacher"

"Ahh! Ok po, Mam Kaiser"

"Hmm! So handa ka na ba?"

"Sa ano po?"

"Sa bago mong classroom"

"Ah!! Ready na ready!"

"Yan! Sige ah, Mr. Asne"

"Mam?" Reply ni Kryo.

"Paki hatid mo si Harley sa classroom niya"

"Yes Mam! Ok! Tara Harley!"

Lumabas ng mabilis si Kryo at sumunod ako sa kanya, pero, bigla kaming pinatigil ni Mam Kaiser.

"Nakalimutan ko pala, mayroon pa palang oras, i-tour mo muna siya dito para maging familiar siya sa buong school"

"Sure po mam! Tara uli Harley!"

At finaly lumabas kami at nag tour sa buong paaralan, ipinakita niya ako sa dorms, sa field, sa training hall, sa canteen, at ang buong campus.

"At dito pala ang room mo, or classroom natin, dahil dito rin ako naka assign" Sabi ni Kryo.

"Hah! Classmates tayo!"

"Heh, sige pasok na"

Pumasok kami at napansin ko na kakaunti lamang ang mga estudyante sa loob, baka late lang yun iba.

"Dun ka muna sa likod, maghintay muna tayo sa teacher" Sabi ni Kryo.

"Ok"

So pumunta ako sa pinakalikod kung saan mayroong empty seats, umupo ako sa isa at nag hintay.

And in ten minutes the teacher finally arrived, ok ito na!

"Morning class." Sabi nang male teacher.

Tumayo ang lahat at nag reply nang "Good Morning Sir!"

"So mayroong transfer student na kadating dating lang dito Axis.." Sabi ng teacher.

The Elemental ArenasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon