※Monday※
※7:13 AM※
"Finally its here..." Sabi ko habang tinitignan ko ang reflection ko sa salamin. Nakita ko rin si Kryo na tulog pa at naka balot sa kanyang maputing blanket. Nagtataka rin ako kung bakit hindi pa nag ring ang alarm clock, eh kanina pa ang 6:00 AM.
Hindi ako nagtagal sa salamin at pumunta ako sa banyo. Ako ay naligo, kumain, at saka nagbihis. Ginising ko rin si Kryo na mistulang parang patay kung matulog. Kinuha ko yung blanket niya at may inilagay akong towel sa ilalim ng ulo niya.
"Ok, for the Competition..." Bulong ko habang ibinuhos ko ang maliit na amount ng warm water sa mukha ni Kryo. Luckily dahil sa towel, hindi nabasa ang bed.
"Haa!!" Sigaw ni Kryo habang tumayo siya mula sa bed.
Tumingin siya sakin na mistulang confused, nakatingin naman ako sa kanya at naghihintay ng reply sa wake-up call ko.
"Anong oras na?" Tanong niya.
Wow, I'm surprised na hindi siya ngtanong kung bakit binuhusan ko siya ng tubig. Itinago ko naman ang kabo sa likod ko at sinagot ko siya.
"Its 7:29 AM, Mr. Asne, at ngayon nga pala ang Competition na sinalihan natin" Sabi ko "wala ka bang balak na maligo?"
"Baka hindi na, eh niliguan mo na ako habang natutulog ako"
Ah, alam pala niya, akala ko hindi niya mapapansin.
"Hehe.... Oh sya, maligo ka na! 8:30 AM magsisimula ang Competition!!"
"Yes mom!" Sabi niya habang pumunta siya sa banyo.
"Wag mo akong tawaging mom!! Hindi ako babae!!"
Sya nga pala, nakalimutan kong sabihin, ang Competition nga pala ay 2v2, dalawang tao sa each team na maglalaban. Mayroong ding 38 contestants sa Competition, pero dahil sa tag teaming, in which 2 people counts as 1 so naging 16 nalang kami.
Handa na ako... handang handa na ako!! At wait, oo nga pala, mayroon ako isang alam na Advance Earth Arts Style, yung 10th Form, Nature's Command. Itong skill nato ay nagbibigay nang kakayahan sa Wielder na makontrol ang casted element ng kalaban.
Pero ito ay may limitation, pwede ka lang makakontrol ng isang single target element, but hindi dalawa pataas, so hindi ka makakontrol ng two or more, same or different element na hindi sa iyo, saka hindi rin ito gagana sa mga Advance Arts Style na Skills. And lastly, para lang ito sa mga Earth Elemental Wielders, no other known same skill for other Elements.
Anyway, back to the main topic...
Madaling natapos ng pagliligo si Kryo at mabilisang kumain. Sasabihin ko sana na "hina lang sa pag-kain" pero nagmamadali naman ako so hindi nalang. At matapos nun lumabas kami sa dorm at nagmamadaling pumunta sa Field.
Pagkarating namin roon, nakita namin ang isang mala Arena na structure, ito'y isang square open structure so wala itong roof at mayroong kulay puti na square platform sa gitna na sa understanding ko ay ang part ng Arena kung saan maglalaban ang mga contestants.
Nakapalibot nito ay ang seats para sa mga spectators, ang mga seats ay kulay asul ay may tatlong layers. Mayroon din itong isang room para sa mga announcers, isang malaking entrance para rin sa mga spectators, dalawang seperate entrances para sa mga contestants na nasa gitna ng mga seats on two sides at opposite to each other (in between nila ang entrance ng mga spectators), at apat na malalaking screens na makikita sa each side ng Arena.
"Wow!! Hindi man lang ito kasing ganda ng mga Arena na ginagamit sa International Tournaments, pero ma amaze ka talaga" Sabi ko.
"Sige na! Magsisimula na ang Competition!" Sabi ni Kryo.
BINABASA MO ANG
The Elemental Arenas
FantasySince the middle ages, humanity has been known to wield extraordinary tools, each capable of having different kinds of elements such as Fire, Water, Air, Earth, Lightning, Darkness, and Light. These weapons can only be weilded by those who are capab...