"Dapat ipaglaban mo ako. Ako ang asawa mo."
"I'm sorry pero di ko na kaya ang hirap ng buhay dito. Babalik na ako sa Papa ko. Ayokong danasin ng anak mo ang buhay na ganito. "
"Paano ako? Iiwan mo na lang ako dito? Alam mo na ayaw sa akin ng Papa mo. Hindi ako matatanggap nun."
"Hintayin mo ako. Babalikan kita. Kapag nakaipon na ako, kukunin kita agad."
"Si RJ? Isasama mo siya. Iwan mo na siya sa akin. Mamatay ako kapag nawala siya."
"Rosario, hindi ko iiwan si RJ dito. Magugutom lang siya. Hayaan mong magkaroon siya ng magandang buhay sa Manila."
"Eh paano ako? Matitiis mo ba na iwan ako mag-isa dito? Di mo ba ako kayang ipaglaban?"
"Gusto ko, pero si Papa. Hindi siya papayag. Hindi niya tayo matanggap. Alam mo yan."
"Ricardo, maawa ka sa akin. Hindi mahalaga na mahirapan tayo. Kahit ako na lang ang maghirap, ako na lang magtatrabaho para sa atin, huwag lang kayong mawala."
"I'm sorry, pero nakapagdesisyon na ako, aalis na kami ni RJ. Aalagaan ko siya at ikaw, hintayin mo ako. Babalikan kita."
It was the last time I saw my Mom. Iniwan namin si Mommy sa probinsiya dahil ang gusto ni Daddy ay lumipat kami sa Maynila. Walang nangyayari sa buhay namin sa lugar na iyon. Wala na akong balita sa kanya. Nung una ay may komunikasyon pa kami ni Mommy pero pagkalipas ng ilang taon ay unti-unti na itong nabawasan. Simula kase ng ako'y mag-kolehiyo ay dumalang na lang ang pag-uwi ko sa aming bahay. Sa kabilang dako naman, nalimutan nang balikan ni Dad si Mommy simula ng makatagpo si Daddy ng bagong asawa. Si Tita Malou. Mula ito sa mayamang angkan ng Sarmiento. Inireto ito ni Lolo kay Dad para mas lalong lumaki ang aming negosyo. Nung una ay mabait ang bagong asawa ni Dad, pero habang tumatagal, lumabas din ang tunay na kulay nito. Ayaw niyang umaalis si Dad o nakikipagkita man lang sa kanyang mga kaibigan dahil nagseselos ito. Batid kase ni Tita Malou na mahal pa rin ni Dad si Mommy. At dahil sa sobrang selos ay sa akin nito ibinubunton ang lahat ng galit at sama ng loob kapag nag-aaway sila ni Dad. At simula noon ay hindi na naging maayos ang buhay naming mag-ama.
Umalis ako sa poder ni Daddy dahil ayokong makita ang palagi nilang pag-aaway. Lihim akong nagpupunta sa lugar kung saan naroon ang mommy ko pero wala na ito roon. May nakapagsabi sa akin na nagkasakit ito at baka patay na rin. Nalungkot ako sa nalaman ko dahil hindi ko man lang nakita at nakausap ang Mommy ko mula nung iwan namin siya ni Dad. Masakit na hindi ko man lang siya nadamayan nung mga panahon na naghihirap siya. Nagalit ako kay Daddy dahil doon. Ipinangako ko na kapag nakatapos na ako ng pag-aaral ay mamumuhay na ako ng mag-isa at hindi na ako babalik sa kanila ni Lolo.
Nang nakatapos ako sa pag-aaral at may konting ipon mula sa mga perang ibinibigay ni Dad ay nagtayo ako ng maliit na Construction Firm. Lumago ito at nakilala sa buong Manila. Sa edad kong 25 ay masasabing isa na akong batang milyonaryo. Maraming babae ang nais na mabigyan ko ng pansin ngunit, hanggang ngayon, ayokong magkaroon ng malalim na ugnayan sa kahit na sinong babae. Ayos na sa akin ang magkaroon ng mga one night stand at flings. Hanggang doon lang.
Ako si Richard James Reyes, tagapagmana ng kayamanan ni Don Ricardo Reyes Sr., negosyante at isang kilalang playboy.
A/N Eto na po. Huwag kayong mag-alala hindi ito parang DTBY. Kakaiba sa lahat ng aking mga fanfics kase dito ay hindi mayaman ang ating bidang si Dei. Nagkataon lang na probinsiyana siya. Malayo sa character ni Maine na Sinag dahil ang ating bidang si Dei ay mahinhin, simple at palakaibigan. Alamin ang kwentong pag-ibig ni RJ at Dei.
By the way please also read my other fanfics, Road to Forever, It Might Be You at When I Met You. Makikita po ninyo iyon sa aking profile.
Thank you in advance sa mga mag-babasa.
-ava-
BINABASA MO ANG
Kapag Ako Ay Nagmahal (Completed)
FanficA Maichard AU story. Richard James Reyes, a rich playboy meets Dei Capili, a simple girl. Find out the twist to this Love-Hate Relationship founded in the secluded paradise in the South. Disclaimer: This is an experimental project I've been workin...