Chapter 13

1.8K 27 5
                                    

Thanks for the votes! I appreciated them :) And I'm serious about the baby though, name, gender and quantity, thank you!

Tanghali na ng magising si Aga, napuyat talaga siya sa paghahanap ng pinaglilihian ng mag-ina niya kagabi.

" babes? nakahanap ka na? " Lea

bumuntong hininga si Aga at sumagot " wala pa babes eh, alimango ba talaga gusto mo? "

" ah.... sige, wag na babes, bili ka na lang ng fruits " Lea

" anong fruits ba gusto mo? "

" hmmm, saging, pinya, apples, pakwan, papaya, cherry, man-- "

" fruit salad ba gusto mo Lea? " pagbibiro niya

naiimagine niyang nakasimangot si Lea ngayon ^_^

" Aga naman eh! nagrereklamo na si baby eh " lalong ngumiti si Aga habang nagmamaneho

" oo na, nakakita na ko ng fruit stand, antayin mo na lang ako babes ha? "

" yehey! thanks daddy! I love you po! "

" I love you too " tapos binaba ang tawag

Tumingin siya sa gilid niya pero wala na si Lea dun

" babes? "

Pagkatayo niya may nakita siyang papel na nakadikit sa phone niya

Good morning Mr. Dimples,

            I forgot to tell you last night na may meeting ako this morning. If you want, sunod ka na lang dito when you wake up :D I love you babes, enjoy your day!

p.s. Babes, I'm craving for your buttermilk cookies, please?

Napangiti siya at agad na tinawagan si Lea

" Hello, Mrs. Muhlach? "

" How's your sleep babes? " malambing niyang tanong

" Good, pero yung paggising ko hindi masyado "

" huh? bakit naman? " nag aalalang tanong niya

" kasi " hingang malalim " wala yung mag ina ko sa tabi ko "

Mahinang tumawa si Lea sa kabilang linya " eh tulog mantika ka kasi kanina eh "

" sige, mang asar ka pa, wala kang buttermilk cookies sakin " pagbabanta ko

" edi bibili na lang ako, masarap kaya yung dito sa bakeshop sa baba "

" mas masarap yung akin no! may kasamang pagmamahal " natawa si Aga sa pinagsasabi niya, ganundin si Lea na kahit busy sa pagtatrabaho ay sinagot pa rin ang tawag niya

" oo na, bilib na bilib ka na naman sa sarili mo " natatawang sagot ni Lea

" maam, tawag po kayo ni sir Bautista sa office niya " rinig niyang sabi nung kausap ni Lea

" sige, five minutes please? " sabi ni Lea at kinausap ulit siya " babes, I gotta go, i'll see you later? "

" sige na babes, i'll be there ng lunch " pagpapaalam niya

" bye love you! " napabuntong hininga si Aga pagkababa ng tawag

" buttermilk cookies naman ngayon... " nakangiting sabi niya at nag umpisa ng magbake ng cookies

----------------------------------------

Nag o overheat na yung utak ni Lea sa kakaaral at kaka approve ng documents na nakakalat sa table niya. Lunch break na pero di siya makakain dahil sa tambak na trabaho.

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon