Chapter 28 - Chances and Choices

1.5K 33 5
                                    

Nagising si Aga kinabukasan ng may nakapatong na binti sa katawan niya. Nakita niyang mahimbing na natutulog si Lea sa tabi niya habang nakayakap sa kanya. Hinalikan niya ang noo nito at hinawi ang manipis na buhok na nasa mukha ni Lea. Napangiti siya ng makita ang mapula pulang bakas ng kagat niya sa leeg nito.

" hmmm... " ungol nito at lalong yumakap sa kanya

" psssst... gising na... " malambing na paggising niya rito

Kumunot ang noo ng babaeng tinititigan niya " ten minutes babes "

Dahan dahan niyang inalis ang binti nito na nakadagan sa kanya. Tatayo na sana siya ng bigla siyang hilahin nito.

" saan ka na naman pupunta babes? " nakapikit pero nakangiting sabi nito

" magluluto, baka magising si Nics. Syempre gu- "

Napatigil si Aga sa pagsasalita ng bigla siyang halikan ni Lea. Masyado itong nanggigigil dahil kinakagat pa nito ang labi niya.

" sorry na... " mahinang sabi nito habang nakatitig sa kanya " sorry for what I've said kagabi... "

He sighed and pulled her closer. " Si Nicole? "

Sinubsob ni Lea ang mukha niya sa leeg ni Aga bago magsalita " at school. Summer workshops, remember? "

" bat mo pinasok ng summer workshop yung anak natin? eh hindi naman dito mag aaral yung bata? " tanong niya habang hinihimas ang pisngi nito

" I was thinking of settling in the Philippines -

" for how long? baka mahirapan yung bata na mag adjust... "

" - forever. "

Napatingin si Aga kay Lea. Lea was smiling sheepishly at him. He knew she was trying to convince him.

" no. " sagot niya

Tinitigan siya ni Lea " babes, gusto kang makasama ni Nicole. Gusto kitang makasama. Don't you want us to be a complete family? "

" if that's the case, it's not possible unless... "

Nginitian siya ni Lea " unless I become Mrs. Muhlach? "

He sighed at tinanggal ang pagkakayakap niya rito " we better move, we have a guesting in... " *tingin sa relos* " 2 hours. "

Tumayo siya pero hinatak ni Lea yung kamay niya " are you avoiding it? "

" what? "

" Funny. Coz' last night you were the one insisting that we get married. Pa luhod luhod ka pa nga eh. "

The creases on his forehead moved. " sino bang nagsasabing we shouldn't be rushing things like this? "

She sighed " are we really going to fight over this? "

Hinatak ni Aga yung kamay niya " kung magpapakasal ka sakin, desisyon mo yan. And you're decision is based on how much you love me. Hindi dahil na gu guilty ka. " he looked at her in the eye " hindi kita pinipilit. Hindi kita minamadali Lea. Even though it pains me, I understand. "

She stared at him " I-i dont know what to say... "

" I'm not asking you to say anything. " paakyat na siya ng lingonin niya si Lea " well? aren't you going to get ready? "

Lea sported a sad smile " you're looking at me like I should be saying something. "

Aga smiled " well, I'm not. So let's stop this drama and get moving. "

Naiinis na umirap si Lea sa kanya    " hindi ba pwedeng ceasefire muna tayo dyan? I'm not saying na hindi ako magpapakasal sayo but- "

" but not any time soon. " naglakad siya palayo " I told you to stop talking because you have nothing to say. Hindi ka na naman nakinig. "

" Aga! Bumalik ka nga dito! "

He glanced at her " You should have listened to me, Lea. "

" ano ba talagang problema mo? " she asked, gritting her teeth in anger

Hindi na sumagot si Aga at pumasok na lang sa kwarto nila. He could only sigh. Paano sila haharap sa taping ng ganito?

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Lea was inside her dressing room preparing for their to-be taping. It was her first guesting with Aga since they've gotten back together. She was nearly frustrated with their arguments plus her company's status in New York. She is really needed there, but she can't fly there yet because she promised her little daughter that the next time she would go to New York would be with Aga and Nicole.

" Ms. Lea, pinapasabi po ni Sir Aga na lumabas na daw po kayo "

Tumango lang siya rito at nagpatuloy sa pag aayos.

" Lea... " tawag nung taong kumakatok sa pinto niya. Sino pa ba? Edi ang mokong na seloso na bipolar na boyfriend niya. " pupunta na kong backstage "

Tumayo siya at binuksan ang pinto  " pinasabi mo na yan kanina. Paulit ulit lang? " mataray na sabi niya

Tinitigan lang siya ni Aga " yan ang isusuot mo? "

Napatingin siya sa suot niya.             " bakit? may problema sa suot ko? "

(yung dress na may slit pero hindi pa siya naka leather jacket)

" bahala ka... " sabi nito sa kanya bago siya talikuran " bilisan mo na, I'll go ahead... "

Inis na bumalik naman si Lea sa pag aayos niya ng sarili. Tinotopak na naman yung boyfriend niya. Eh teka, diba siya yung nag umpisa ng away?

" why do you have to be so freaking impossible Aga! "

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

" Gandang gabi kapamilya! Ngayong gabi, makakasama natin ang mag jowang hayup sa kulit, sobrang sobra sa talent at nag uumapaw ang kagandahan, kaguwapuhan at kaseksihan! Please welcome, Ms. Lea Salonga and Mr. Aga Muhlach! "

Napangiti si Lea sa intro ni Vice, well sino ba namang hindi diba?

" ang ganda mo kahit masungit ka "

sabi ni Aga sa kanya habang nakalahad ang kamay

Napangiti naman siya " psssh! Pasalamat ka, gwapo ka kahit bipolar ka! "

" oo na, let's go? "

Tinanggap niya ang kamay nito at sabay silang umakyat sa stage.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Short short ud. Sobrang busy si ate eh. Enjoooooy!

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon