Chapter 30 - The UNEXPECTED TWIST

1.7K 31 4
                                    

Dedicated to: LeAga_Muhlonga or Lyn, pagaling ka na bunso! Miss ko na kadaldalan mo :) And to Mikaela Keithly angeles. Thank you and I love you too anak ko!

Magkahawak kamay silang pumasok ng kwarto pero agad niya rin iyong binitawan at sumampa sa kama.

Ubos na yung energy niya. Malabo na yung paningin niya. Hilong hilo na siya.They've had a long day.

" Lea... uuwi na ko, papaalam lang ako kay Nicole " tapos humalik ito sa noo niya " bukas na tayo mag-usap ha? "

Kinabig niya ito pahiga sa kama. Kahit nabigla ay nakuha pa nitong ngumiti.

" babes... alas dos na oh... " sabi nito pero yumakap sa kanya " may pasok pa tayo bukas... "

Niyakap niya rin ito ng mahigpit. Hinatak niya ang leeg nito at sumubsob sa dibdib ni Aga.

" babes, don't go. " nanghihinang sabi niya

Hinaplos ni Aga yung buhok niya pababa sa pisngi at pinunasan yung luhang pumatak sa mata niya.

" Lea, kung saka sakali ba... " tumingin ito sa mata niya " kaya mong tanggihan ang utos ng daddy mo? "

Tinitigan niya ito ng matagal bago sumagot.

" sa dinami dami ng pinagdaanan natin babes, hindi mo ko hinayaang mag isa, hindi mo ko pinabayaan, kaya bakit ko hahayaang ilayo ka nila sa akin? " sabi niya habang nakatitig dito

Ngumiti ito at hinalikan siya. Halik na tumagal at lumalim at mas lalong nag alab.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

" Lea? Hindi ka pa ba tapos? " tanong ni Aga pagpasok sa office niya

Sinenyasan niya ito ng sandali lang dahil may kausap siya sa cellphone.

Lea: papa, nasa office pa po ako... pero tumawag na lang po kayo pag nasa airport na kayo ha? sige po.

" babes, tumawag si papa " Lea

Lumapit siya sa mesa nito pagtakapos ay hinalikan niya sa pisngi.

" oh? rinig ko nga susunduin mo siya..."

" anong susunduin ko? bakit ako lang? "

Tumawa siya at niyakap si Lea.

" uuwi na ko, kawawa naman yung anak natin, laging mag-isa sa bahay... "

Kinurot siya ng madiin ni Lea pagkasabi niya nun. Pagkatapos ay tinitigan siya ng masama.

" hahayaan mo kong mag-isa humarap kay papa? tsaka you've never met him diba? this is the perfect timing! "

" Babes... yun na nga eh, I've never met your father... "

" kaya nga! malay mo pwede mo ng sabihin kay papa yung engagement natin! "

Lalong namutla si Aga sa sinabi ni Lea.

" babes... "

Biglang tumawa si Lea sa nakikita niyang reaksyon ni Aga.

" wait... are you? are you nervous babes? "

" babes... baka ayaw sakin ng papa mo... " seryosong sabi ni Aga

Pinaupo ni Lea si Aga sa upuan niya pagkatapos ay kumandong dito.

" babes makinig ka nga sakin... " sabi niya at tumitig dito " walang makakapaghiwalay sa atin, ok? mahal kita... mahal mo ko, walang dahilan para hindi ka magustuhan ni papa, tandaan mo yan... "

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon