Chapter 15

1.6K 23 1
                                    

" Gandang gabi kapamilya! " bati ni Vice sa studio audience na nagpapalakpakan

" Gandang gabi Vice! "

" Howkey! Ang magiging guest natin ngayong gabi ay 2 sa pinakamagagandang mukha sa showbizness! Dalawa rin sila sa mga pinakamatatalik kong kaibigan. Please welcome, Mrs. Dawn Gomez and Ms. Lea Salonga!!!! "

Sabay na umakyat si Lea at Dawn sa stage. Kasabay nito ang paghiyaw at pagwawala ng fans nila.

" Hi Vicey! " sabi niya at niyakap ito

" ang sexy oh! " sabi nito at pinaikot ikot siya

" Hoy! Mahilo yan lagot ka kay Aga! " tapos tumawa at umupo sa harap ni Vice

" Oh my gosh! I didn't know, I was just at the office then I'm already here! " excited na sabi ni Lea bago umupo

" Huy Salonga! Kalma! " Vice

" Hindi niya kasi talaga alam. Bigla ko lang siyang pinapunta dito " Dawn

" Umpisahan na nga natin to! May nag aantay pa sakin sa bahay eh! " Lea

" Atat na atat umuwi Lea? Anyways, mga kapamilya! Since love month ngayon, andito silang dalawa para ikwento ang kani kanilang love story " Vice

Tilian ang audience ng ipakita ang pictures nila Aga at Richard sa screen

" Ikaw Dawn, nasubaybayan ko love story niyo ni Richard eh, kaya si Lea muna ang tatanungin ko. " tingin sa kanya " paano kayo nagkakilala ni Aga? " Vice

" alam mo Vice, I really don't have a great memory diba? " napatingin sa screen at ngumiti " but when I met Aga? That's a day I'll never forget " Lea

" paano nga ba? " Vice

Napangiti si Lea at kwinento ang unang araw na nakita niya si Aga

Naglalaro si Lea sa swing ng bigla siyang tinulak ng isang lalaki

" ano ba?! " sigaw niya rito at pinagpag ang nadumihang damit " who do you think you are? "

" uy bata sorry " sabi nito at tinulungan siyang tumayo " babatuhin ka kasi dapat nung babae oh! " tapos tinuro nun si Charlene

" ah ok " sabi niya at naglakad palayo

Ngunit di pa siya nakakalayo, naramdaman niyang may sumusunod sa kanya, but she ignored it at lumakad lang ng lumakad

" ay kalabaw! " gulat na sabi niya ng biglang lumitaw sa harapan niya yung bata kanina " are you really trying to kill me? "

" kill agad? oa mo naman bata! " tapos tumawa

" stop calling me bata! I have a name you know! "

" ok then, ano bang pangalan mo? I'm Aga " nag alok ng kamay

" Everybody calls me Lily. But you can call me Lea " ngumiti at nakipagshakehands

" Ang cute naman ng pangalan mo Lily! Parang, parang aso!!! Hahahaha! " sumimangot bigla si Lea at naglakad palayo

" Panget! Bastos! Aargh! I hate you! " bulong niya sa sarili niya

" Uy Lea " kinalabit siya nito " uy... "

" Leave me alone! " sigaw niya

" ang sungit mo naman bespren! Sorry na... Libre na lang kita ice cream! " biglang ngumiti si Lea at hinila si Aga

" Favorite mo rin? " tanong ni Aga

Tumango si Lea " thank you, sorry rin pala kanina "

" ok na yun bespren, maganda ka naman kahit masungit " tapos kumindat

" yuuuck! " tili ni Lea " ampanget mo bespren! Hahaha" sa kakatawa niya, kumalat yung ice cream sa paligid ng bibig niya

" ayan! pareho na tayong panget! " tawa ng tawa si Aga habang pinupunasan yung bibig ni Lea

" mga batang to! Ang bata bata pa, luma lablayp na! " sabi nung katabi nilang matanda

" hindi po ah! " natatawang sagot ni Lea

" sige po lola, alis na po kami! " tapos hinatid siya ni Aga sa bahay nila

" oh diba? mga bata pa lang ang haharot na? " natatawang asar ni Vice

" harot agad? " Lea

" ewan! hahaha! ito, may box kami dito ng memories niyo ni Aga, kwento mo bawat isa ha? " Vice

" ay ako na! " tumayo si Lea at kinuha yung box pero bago pa siya makabalik sa upuan niya, sumabit yung bracelet niya sa dulo nung box at naputol

" Oh My God! " gulat na sigaw ni Lea at nabitawan yung box na hawak niya

" Lea! " natatarantang sigaw ni Dawn

Napahinto ang lahat at walang imik na pinapanood ang nangyayari

" Lea! " kinakabahan na si Vice dahil nakita niyang nabasag yung graduation picture ni Aga " Lea, wag kang mag emote dyan, di mo naman sinasadya eh " niyakap niya ito

" Hindi. Si Aga. Baka. Baka may masamang nangyari sa kanya! " naiiyak na wika ni Lea

" Hindi Lea. Walang ganun. Walang nangyaring masama sa kanya ha? " dahan dahan nila itong itinayo " Wag kang mag isip ng ganyan, tara na. Umuwi na tayo "

" Aga... " nanghihinang bulong ni Lea bago tuluyang nawalan ng malay

:'( Eto na yung umpisa ng pagdurog ko sa mga puso niyo.

@ZaneeyIsPenguin

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon