Chapter 34 -

1.3K 37 15
                                    

Nakaupo si Aga sa tabi ng kama ni Lea, just staring at her almost lifeless body. Hindi pa rin siya mapakaniwala na nakunan ito, na namatay yung anak nila dahil sa kanya. Hinaplos niya ang kamay nito sabay sabing...

" Alam mo ba kung anong masakit ngayon babes? Mas lalo ko lang napatunayan na hindi ako karapat dapat para sa iyo. Siguro nga tama yung papa mo, na kayo ni Tristan ang para sa isa't isa. " umiiyak na wika niya " Babes, hayaan mong titigan kita for the last time, kasi baka paggising mo wala na ako sa Pilipinas. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. Kung gusto mo, aattend pa ko sa kasal niyo ni Tristan. " tapos tumawa siya at hinalikan si Lea sa noo " Mahal na mahal kita Lea, pero nahihirapan na akong nakikita kang nasasaktan, palalayain na kita. Sana kahit mag-asawa na kayo ni Tristan, huwag mo kong kakalimutan... Because you are the most UNFORGETTABLE human being I have ever and forever love. I love you, i love you, i love you... "

Lumabas siya ng pinto at nilagpasan ang papa ni Lea at si Tristan na nag-aantay. Tinatawag siya ni Tristan pero hindi niya ito pinansin. Hanggang sa...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

" babes gising! " napabangon siya bigla ng batuhin siya ng unan ni Lea sa mukha. Panaginip lang ba yun? Bigla niyang niyakap si Lea sa tabi niya at hinalikan ito sa labi ng maraming beses.

" akala ko mawawala ka na sakin... "

" huh? Napanaginipan mo na naman ako? Ako lang ata pumapasok sa isip mo kaya laging ako napapanaginipan mo babes eh! " panunukso nito habang nakangiti " wag kang mag-alala Muhlach, sayo lang ako! "

Niyakap niya ito ng mas mahigpit.

" wag mo ko iiwan ha? Kahit anong sabihin ng papa mo dito ka lang ha? Tsaka yung mokong na Tristan na yun, iwas iwasan mo din babes ha? Seloso ako, ayokong may kahati. Tsaka kung buntis ka, sabihin mo agad sakin! " babala niya pa " tsaka yung kasal natin, 4 months na lang, dapat lagi kang mag-iingat ha? "

Ngumiti si Lea at pinisil yung ilong niya " ano ka ba babes? 1 buwan ka lang mawawala! Aayusin mo lang yung SM sa New York! Daig mo pa namamaalam ha? Wag ka ngang ganyan! Isipin ko pa lang na mawawala ka, nalulungkot na ko. Tsaka wag kang mambababae dun ha? Malaman ko lang Muhlach naku! Hihiwalayan talaga kita! " pagalit na sabi nito

" ay sus! Kahit ilang babaeng nakahubad pa ang iharap sakin, wala akong papatulan! Ikaw lang ang gusto kong makitang walang damit no! Pag sa iba, wag na lang! Tsaka ano ka ba babes, mahirap ng may makalusot no! Ang ganda ata ng future wife ko, baka mapikot ng iba! Tsaka papauwiin ko si Kenneth dito, para may bantay ka! "

Kumunot yung noo ni Lea pagkasabi niya nung babaeng nakahubad. Hinampas siya nito ng malakas at tumalikod. Niyakap niya naman ito agad at hinalikan sa ulo.

" wag ka ng magalit, alam ko namang hindi mo ko matitiis eh... Sorry na mahal ko, joke lang yun. Pero yung sinabi ko tungkol kay Ken, seryoso yun, uuwi na daw siya dito sa makalawa. Dali na, sorry na. Harap ka na sakin para makita ko yang maganda mong mukha! "

Kahit hindi humaharap si Lea sa kanya ay nararamdaman niyang nakangiti na ito. Maya maya ay yumakap na rin ito sa kanya. Tinitigan siya nito sa mata.

" ikaw Muhlach ha? Ang dami dami na nating pinagdaanan, kaya wag na wag mong sisirain tong relasyon natin ha? Promise? "

" Promise. " sabi niya at hinalikan ang leeg nito

" eiii! Wag ka muna manghalik! Di ka pa naliligo eh! "

" ano namang koneksyon ng paghalik ko sayo sa di paliligo? Masasarapan ka din naman kahit na hindi pa ko naliligo babes eh! " nang aakit na sabi niya " last na babes, isang buwan tayong walang ganito eh! " inumpisahan niya itong halikan sa leeg

" I love you babes... "

" mahal na mahal din kita babes.... "

And then the LOVE happened...

-after a while-

Nakayakap si Lea sa kanya habang hinihimas niya ang buhok nito.

" mami miss kita... " sabi nito habang nakatitig sa kanya

" ma mi miss din kita babes, pero hayaan mo na yun, pagbalik ko, aasikasuhin na natin yung kasal natin ha? "

" ayaw mo bang sa New York magpakasal babes? "

Kumunot yung noo niya at mabilis na umiling.

" ayoko. Dun may divorce, dito sa Pilipinas wala. Once na kinasal na tayo, wala ka ng kawala. Akin ka lang ok? "

" nagtatanong lang naman ako eh. Pero sige, sasakyan ko yang ka sweetan mo, okay... "

" always? " tanong niya

" always. Forever and forever, babes. " sagot ni Lea ng nakangiti

" sana lagi na lang tayong ganito no? light lang, walang drama, sweet lang tayo... "

" ayaw mo ba nun babes? Mas minamahal kaya kita kapag nagseselos ka, kasi dun ko nakikita how much you really care for me! "

" I really care for you, kahit hindi ko ipakita o sabihin, just remember how much I love you and I need you. Ma mi miss kita sobra babes... Araw araw kang tatawag ha? "

" okay. " tanging sagot ni Lea habang nakangiti

" okay... " sagot naman niya

Sabay silang ngumiti at natulog muna sa mga huling oras na magkasama sila. Isang buwan na walang ganito. Wala si Lea sa tabi niya. Sobrang ma mi miss niya ito. Pero kahit papaano ay panatag siya na may magbabantay sa fiancee niya kahit wala siya. She just loves this girl so so much...

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Helllooooooooo! Kaway kaway sa silent readers dyan! Hahaha! Missed me? Chos! Thank you sa comments! And again, sorry sa slow updates, but masanay na kayo, may pasok na ang ate niyo eh. Thanks babies! Love you!

Dedicated to: Nicole, Lyn, gelsoriano007 ( sa ig ata to? ), sarafiel and msjustinemc (sorry kung mali! Hahaha! )

Comment. Comment. Vote. ( 20 comments and 20 votes for the next ud :))) )

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon