Chapter 37 - Love and Lies

1.2K 24 6
                                    

Narinig ni Aga ang tunog ng paghinto ng sasakyan sa may tapat ng bahay nila. Alam niyang hindi naka kotse si Lea dahil nasa garahe ang kotse nito. Sumilip siya sa bintana at nakita si Tristan na yakap yakap si Lea habang umiiyak. Mas lalong sumidhi yung sakit na naramdaman niya kesa kanina. Isinara niya na lang ang kurtina at nagkunwaring nanonood ng tv. Saktong pagpasok ni Lea ay nakangiti na siya at kunwaring walang nakita. Masakit pero tatanggapin niya, ipaglalaban niya si Lea.

" Nics.. why are you still awake? " Lea asked

Nang hindi siya sumagot ay binuksan ni Lea ang ilaw. Tumambad sa kanya ang mugto nitong mga mata. Talaga palang iniyakan nito si Tristan. Agad siyang nilapitan nito at tinabihan sa upuan.

" Aga?! " hindi niya ito pinansin at nanood lang ng tv

" bat gabi ka na umuwi? " tanong ulit nito

" hoy! sumagot ka naman! para kong walang kausap eh! " reklamo nito

Tinignan niya lang ito at pinitik sa ilong. Tapos ngumiti siya na parang walang nangyari. Kaya siya artista eh, ang galing niya magtago ng nararamdaman.

" babes? ikaw ba talaga yan? or is it another illusion? " tanong nito habang sinusundot sundot yung tiyan niya. He can't help but laugh sa kakulitan nito.

" bakit Lea? mukha na ba kong estatwa ngayon? " nakangiting tanong niya

" Oh my god! babes! andito ka na talaga! akala ko ba 1 month? na-miss mo ba ko agad? " sabi nito habang yakap yakap siya tapos bigla itong umiyak

" huy! bipolar ka na babes? tsaka anong na-miss ka dyan? di ba obvious? " he said in his fake happy tone

" I'm sorry babes, andami... andaming nangyari and I- I'm really sorry.. "

" shhh... I already forgive you. Kung ano man yung ginawa mo, ayoko na malaman, pinapatawad na agad kita. I just love you that much. And i hate seeing you cry, remember? Smile, please. Smile for me, Lea... "

Pinunasan niya ang mga luha nito sabay halik sa noo ni Lea. Tinitigan siya nito tapos itinulak siya pahiga sa sofa. 

" I don't know what to tell you Muhlach, I'll just show it in the only way I know... " tapos hinalikan siya nito ng malalim at nangyari ang dapat na mangyari.

Ang bilis ni Lea. Everything just happened so fast. Daig pa nila yung iba na nagmamadali. Tinitigan niya ito habang natutulog. She had this pained expression on her face. Yayakapin niya sana ito ng biglang mag-ring ang cellphone nito sa bedside table. Nakita niya ang caller id, agad niya itong sinagot.

" it's freaking 3 am Tristan, ano na namang gusto mo? "

" Aga?! b-bakit nasa yo ang cellphone ni Lea? where is she? "

" Umm duh? Hasn't it occured to you na ang bahay na pinaghatiran mo sa FIANCEE ko ay bahay naming dalawa? " sagot niya rito emphasizing the word fiancee

" w-wala namang sinabi si Lea na nagli-live in kayo, I thought.. " 

" na ano? na makukuha mo pa si Lea? Tristan, she's mine now. Hindi mo ba matatanggap yun? "

" gusto ko lang iparamdam na mahal ko siya! "

" stop this crap Tristan! nakakalalaki ka na! ano ba talagang gusto mong mangyari?! " 

" meet me in tomorrow, I'll tell you what I want... " 

-------------------------

-The next morning -

Nagising si Lea sa amoy ng fried rice na agad nakapagpagutom sa kanya. Nandito na talaga si Aga. At ipinagluluto pa siya. How happy she is with the thought. If only it was that simple. 

Pumasok siya ng banyo just in time na pagpasok ni Aga sa kwarto nila.

" babes? good mor- "

Hindi na nito natapos ang sasabihin. Hinila niya ito papasok sa banyo at agad na hinalikan. Hinalikan din siya nito habang isinasandal siya sa pader.

" Good morning Mr. Muhlach, enjoying your breakfast? " nakangiting tanong niya

" you are turning into a kissing monster, ms. Salonga, I wonder why... "

" bakit? ayaw mo? " naka pout na tanong niya

" nakakapanibago lang, but anyways, change is good as long as it is a change for the better, now, can we eat? Nics is at the playground, hindi ka pa niya nakikita, remember? " 

Hinalikan nito ang noo niya and asked her to take a bath then eat breakfast with him.

" How many times do I have to thank god for giving you to me? I love you so much babes... " bulong niya ng makalabas ito " If I just didn't have to leave, to put up with Tristan, to look for our missing daughter, pero gagawin ko yun to not hurt you, but I'll be back, I swear... " 

--------------------------

Dedicated to: GirlOnCloud_9 :) 

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon