Chapter 36- Too Much for his heart

1.3K 36 17
                                    

-After 2 weeks-

Nakikipag-usap si Lea kay Tristan sa telepono kahit kakahatid lang nito sa kanya sa opisina an hour ago. Ang kulit kulit kasi, miss na daw agad siya.

" Lea... Can i go there? Please, please? I wanna see you.... " pangungulit nito

" Tristan please... I'm busy. Wala akong VP remember? Dahil nasa NY ang fiancee ko... I need to finish all this documents before he's back. "

" pwede ba? Don't mention him muna. Ako tong kausap mo pero siya pa rin ang naiisip mo... " nasa himig nito ang pagtatampo " ito na nga lang yung chance ko para makasama ka eh, tinatanggihan mo pa ako... "

Medyo na-guilty naman siya sa sinabi nito. Kahit anong pilit niyang tanggihan ito, hindi naman niya maderetso si Tristan na ayaw niya. Hindi niya nga rin alam kung bakit. Basta ang alam niya, she can't refuse Tristan.

" okay fine. Sunduin mo ko mamaya, then we'll have dinner. Okay na ba yun? " naiinis na tanong niya

" really? San mo gustong kumain? Do you wanna watch a movie? I'll make tonight special, I promise. "

Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito. Wala sa loob na nasigawan niya tuloy ito.

" ano ba Tristan? Get a life! Araw araw mo kong kinukulit! Wala ka bang ibang gagawin sa buhay mo kundi guluhin ako? "

" sorry Lea, I'll be there at 7. See you later... Bye! " sagot nito bago ibaba ang tawag

Nag focus na siya sa pag ta trabaho ng bigla na namang tumunog ang cellphone niya. Sa inis, sigaw ang isinalubong niya sa taong nasa kabilang linya, sa pag-aakalang si Tristan na naman iyon.

" ano na naman yon?! " sigaw niya

" woah. Calm down babes, what's wrong? Bakit ang init ng ulo mo? " sagot naman nung kausap niya

Natauhan naman siya at agad na kumalma.

" I'm sorry, just very, very stressed out... " sagot niya ng mahinahon

" It's fine babes, I'm sorry too, should i call you later? "

" no. No. Please, i really need you right now. "

Did she say that because of guilt? She wasn't sure. All she knows is she needs Aga now.

" Can we video call? " tanong niya pa " i really wanna see you babes... "

Narinig niyang huminga muna ito ng malalim bago siya sagutin.

" Babes... I'm really sorry, all i can do now is a call, full yung sched ko until 8 pm here, can you wait until then? "

Bigla siyang nadismaya sa sinabi nito. Pero wala naman siyang magagawa, after all, wala siyang karapatang mag demand dito

.

" sige, I'll wait until then, I miss you... "

" I miss you too babes, see you later. "

Binaba nito agad yung tawag. Wala man lang I LOVE YOU? Buti pa si Tristan. No wait! Why am I comparing them? UGH! ENOUGH! Please Aga! UMUWI KA NA NGA!

-----------------------------------------------

It was aleady after noon ng may kumatok sa office niya. Nagbabasa siya ng documents ng sabihin ni Trisha na nandyan na daw si Mr. Ballesteros at hinahanap siya. Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan man sila ng mga empleyado niya.

" Did you just miss me too much? Or do you need my expert advice? " bulong nito habang yakap siya

" Both Ken Ken. I'm really stressed right now. Let's talk inside. " yaya niya dito habang kinakaladkad ito papasok sa office niya

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon