Chapter 43 - Fast Forward (5 years)

1.1K 20 18
                                    

Ano na nga bang nangyari sa kanila? 

Kasalukuyan siyang nasa tapat ng room ni Nicole sa school. Pang-apat na beses na ata ito since this school year. Pasaway na bata. Lagi na lang siyang pinapatawag ng teacher nito.

" Mrs. Bernardo... pwede na po kayong pumasok sa loob. "

Mrs. Bernardo... Mrs. Bernardo....

" Lea... my baby... my love... I love you. Take care of Jhulianne will you? I love you... " 

" Tristan.... Tristan! "

" I love you... " 

Napatingin siya kay Nicole na nakaupo lang habang nakatitig sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito? " walang ganang tanong nito sa kanya

She sighed and controlled her temper. Alam niya naman kung bakit nagkakaganito ito. 

" Parent teacher conference Nicole. Mauna ka na sa labas. Antayin mo ako. "

Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto.

" I repeat Nicole Bernardo. Antayin mo ako. " 

" I repeat din po, Mrs. Bernardo. Nicole Beverly Muhlach po ang pangalan ko. " sabi nito bago tuluyang lumabas ng pinto

" Maam. Siguro naman po alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag. Hindi naman po ganyan si Nicole dati. Alam ko po wala ako sa lugar para makialam, pero kailangan po nating maayos ang ugali ni Nicole. She's one of my best students. Sayang naman po. " 

Nagpaalam na siya agad sa teacher ni Nicole at lumabas. Si Nicole nakita niyang nakasandal sa wall at naka-headphones. 

" Let's go Nicole. We need to talk. " sabi niya sabay hawak sa braso nito

Ngunit agad nitong binawi iyon at nagsalita.

" Talk?! Naririnig mo ba sinasabi mo?! TALK?! Wow! Bakit hindi na lang si Jhulianne ang kausapin mo? Tutal siya lang naman ang anak mo sa asawa mo diba?! " sigaw nito

" Pwede ba Nicole? Wag mong idamay yung mga taong wala dito. " 

" Lagi na lang si Jhulianne ang nasa isip mo. Palibhasa, totoong Bernardo siya, samantalang ako, may dugong Muhlach. Sana ibinigay mo na lang ako sa daddy ko! Sana sumama na lang ako sa kanya! " sabi nito sabay takbo palayo

" Nicole! Nicole! " habol niya rito

Sa paghabol niya rito. May nabangga siyang babae. Nalaglag ang mga gamit na dala nito. 

" naku miss sorry ha? hinahabol ko kasi yugn anak ko... " sabi niya rito habang pinupulot ang gamit nito

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon