Chapter 24 - From now on, it's us

1.8K 36 11
                                    

Mag ga gabi na kaya ang lahat ay nasa bonfire na. Lahat sila ay nandun. Dawn and Richard, Vice and Karylle, Jodi and Richie, at siya at si Aga. Medyo awkward pa sila ni Aga at hindi muna sila nag uusap.

" ayaw ko muna siyang makausap, it's about time na siya ang gumawa ng paraan... " sabi niya sa isip

" kumpleto tayo, so this means... shot or dare tayo!!! " sabi ni Vice

" ikaw talaga! Napakahilig mong uminom! " sermon ni K sa kanya

" kurba naman, eto lang... andyan ka naman eh... "

" anong andyan naman siya? eh lasenggera din yang asawa mo eh! " sabi ni Jodi

Napangiti naman si Lea. She missed moments like this. She missed having her friends around.

" ok ka lang? "

Napatingin siya sa gilid niya. Tumabi si Aga sa kanya at nilagyan siya ng jacket.

" para hindi ka masyadong lamigin. "

Tumango siya pero hindi niya tinignan ito.

" galit ka ba sa akin? " tanong nito habang nakatitig kila Vice na masayang nag ke kwentuhan

" wala akong karapatan " nakangiting sabi niya kahit nasasaktan siya

" wag mong sabihin yan... you have all the rights, Maria Lea Carmen Salonga. "

Medyo napangiti si Lea sa narinig. Si Aga lang talaga ang tumatawag sa kanya sa buo niyang pangalan na di siya nagagalit. Kahit mommy niya ay hindi siya tinitawag ng ganon. Si Aga lang talaga.

" Naalala mo na? " tanong niya

" medyo... may ibang hindi pa... " seryosong sabi nito

" ahh... "

Awkward silence na naman. Aalis na sana siya ng tumapat ang bote sa kanya.

" My dear, dare or shot? " nakangiting tanong ni Dawn " if you say dare, you'd have to kiss Aga, full blown, make out session, 30 seconds. "

Napatingin siya sa iniinom nila. Tequila. Naku patay! Hindi siya pwedeng uminom dahil baka malasing siya!

" da- "

" done... " seryosong sabi ni Aga at inilapag ang ubos na baso ng tequila. Ininom na nito ang laman niyon bago pa siya makapagsalita.

" thank you " bulong niya rito

" you're welcome... " tapos ngumiti ito

Mga isang oras pa bago tuluyang nalasing ang mga kaibigan nila. Buti na lang at hindi masyadong uminom si Aga kaya may katulong siya sa paghahatid.

" inaantok ka na ba? " tanong ni Aga sa kanya

Sumulyap siya sa relo niya, it was 12 midnight. Maaga pa, not even close sa early morning snacks na ginagawa nila ni Aga dati.

" hindi pa naman, bakit? "

ngumiti ito sa kanya " tara na sa cabin, let's play... " hinila siya nito papunta sa cabin nila

" a game? at 12 midnight? seryoso ka ba Muhlach? "

" sabi mo hindi ka pa inaantok... "

" oo nga! Pero I was thinking of something romantic! " bulong niya sa isip niya

" oh ano Lea? game? "

" game! " tumatawang pag sang ayon niya

" if you answer my questions correctly, i'll kiss you, if you're wrong, then you'll kiss me... " naka ngising sabi ni Aga sa kanya

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon