Chapter 40 - The End of Their Forever

1.2K 24 17
                                    

“ Lea… baby… please, come out… “ pakiusap ni Tristan mula sa labas ng kwarto ni Lea

Nagtakip lang ng tenga si Lea at nagtago sa ilalim ng kumot. She wasn’t in the mood to face anyone, particularly Tristan.

It was two weeks since Aga left her. Dalawang linggo na siyang nagkukulong sa kwarto niya. Hindi siya kumakain. Pagkatapos umiyak ay matutulog lang siya. She still can’t believe na iniwan na siya ng fiancée niya. And once again, remembering him caused her to cry.

“ Baby… please… Kenneth’s here. Talk to him please… “

Tumakbo siya sa pinto at agad na tinapat ang tenga upang masiguradong andun nga si Kenneth.

“ Ken-Ken? “ she called out in a weak voice “ I won’t open this hanggang may kasama ka… “

“ Lei, honey, I’m here. Papasukin mo ko please… “ sagot nito habang kumakatok sa pinto “ Dalawang linggo ka na daw hindi lumalabas dyan, Lea! Buksan mo please. “

Binuksan niya yung pinto. Una niyang nakita si Tristan na namamayat na sa pag-aalala sa kanya. She saw him smile.

“ Baby… “ yayakapin sana siya nito pero umiwas siya

“ Tristan, please. Iwanan mo muna kami ni Kenneth dito. Hindi pa ko handang kausapin ka. Please, leave us alone. “ madiing sabi niya rito

Ngumiti ito sa kanya at naglakad palayo. Agad siyang hinatak ni Kenneth papasok ng kwarto.

“ What the hell are you doing?! Sisirain mo ba ang buhay mo?! “ mahina pero galit na sabi nito sa kanya

“ Ken… hindi ko pa kaya… Kailangan ko si Aga… “ she said while crying

Lumapit ito sa kanya and comforted her. Niyakap siya nito ng mahigpit.

“ Lea… nasabihan na kita diba? Sabi ko naman sayo eh. Walang magandang patutunguhan yang pakikipagrelasyon mo kay Tristan. Binalaan na kita. Hindi ka nakinig. Pinairal mo tigas ng ulo mo. I told you, iwasan mo na si Tristan at makuntento ka kay Aga, pero hindi ka nakinig. Ngayong iniwan ka niya, paguguhuin mo mundo mo? Kasalanan mo Lea. At ikaw lang ang taong dapat sisihin kung bakit nasira ang relasyon niyo ni Aga. Pero hindi mo dapat sirain ang buhay mo dahil iniwan ka ng taong mahal mo. You have to move on. May ibang tao pa sa paligid mo na kailangan ng atensyon mo. Si Nicole, si Tristan, yung trabaho mo, yung SM corp, si Mariella. Nawala na si Aga sayo. Hahayaan mo pa bang pati sila mawala sayo? “

“ How am I supposed to move on kung bawat dilat ng mata ko si Aga ang nakikita ko? Bawat luha ko naaalala ko kung gaano ako katanga. Bawat araw na wala siya sa tabi ko tsaka ko lang nare realize kung gaano ako kawalang kwentang tao. Sinayang ko yung pagmamahal ni Aga dahil sa nakaraan namin ni Tristan. Nasaktan ko yung taong mahal ko, yung magiging asawa ko dapat, yung kasama ko mula nung ten years old ako, yung tatay ng mga anak ko. Sabihin mo sakin Kenneth, how am I supposed to continue life kung lagi kong maaalala na nasaktan ko si Aga? Paano ako magpapakasaya kung alam kong someone is hurt sa pagmamahal ko kay Tristan? Oo, siguro malaya na kami ni Tristan, at inaamin kong mahal ko talaga siya, pero paano ko makakayanan na habang magkasama kami ni Tristan ay may isang taong patuloy na nasasaktan? I can’t live with that Kenneth. Mahal ko si Aga, totoong mahal ko siya, pero hindi ko pinaglaban yun. Dahil naduwag ako, nabulag ako sa pagmamahal ni Tristan sa akin. Akala ko nung una, matatag na yung relasyon namin ni Aga. Akala ko wala ng makakasira. Pero hindi ko inakala, na ako pa, ako pa mismo, ang manggagago. Ang tanga tanga ko Kenneth. Ang tanga tanga ko. Sana hindi ko na pinaabot dito. Sana hindi ko na pinaasa si Aga. Sana hindi ko siya nasaktan… “

UnforgettableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon