Chapter 16: His Home

141 7 1
                                    

Zeus POV

Nag lakad lakad ako sa lugar, kung saan lagi kong pipuntahan.

Simula ata bata ako, dito na ako nag pupunta. I dunno naging mahalaga na din ang lugar na to saken.

Nagtungo ako sa puno, sa gilid nun nilatag ko ang dala kong mga gamit.

Papikit palang ako, ng may narinig akong nagtatakbo malapit sa swing.

Tuluyan ko ng binuksan ang mga mata ko.
O_O

Ganun nalang ang gulat ko, ng mapag kamalan kung sino ang taong yun.

"Fck this life! I hate this i hate this, gusto ko ng malaman ang lahat ng katotohanan! Feel ko napag iiwanan na ako"

Matapos mailabas ni Sharlotte ang mga hinanakit niya, nag lakas loob na akong mag salita.

Alam kong hindi niya ako napansin nung nag tatakbo siya kanina.

"Hindi mo nga siguro ako napansin"

Pag katapos kong sabihin iyon sa kaniya, lumapit na ako ng tuluyan.

"Kung pwede ko lang sana, sabihin sayo ang lahat! Sanay ginawa ko na"

Bago pa niya tuluyang ipikit ang mga mata niya, umupo ako malapit sa kaniya at kinuha ang pulang scarf na nakita ko lang din kanina.

Itinali ko ito sa buhok niya, at naramdaman ko nalang bumigat ang balikat ko.

"Tss, nangatulog na nga"

Tiningnan ko, ang kabuuan ng mukha niya.

Ngayon ko lang napansin, mahahaba pala ang mga pilikmata niya, ang ganda niya pala talaga.

Hinawakan ko ang mukha niya, hanggang napunta ang kamay ko sa leeg niya.

Dun ko napansin ang marka sa kaniyang leeg. Bakit may ganuun siyang marka? Kaya ba hindi niya tinatali ang buhok niya para walang makakita sa markang nasa leeg niya?

Hindi ko nalang pinansin, ang mga naiisip ko! Tumayo na ako habang karga karga ko siya.

Dumaan ako sa gilid ng office, wala namang makakakita sa akin.

Dahil wala namang pwedeng dumaan dito, kundi ako lang.

Pagkarating namin, sa tinutuluyan ko.

Yup! Mula bata pa ako, sa paaralan na to ako lumaki. Lumaki akong walang nag aalaga saken.

Ako lang mag isa, pero hindi ko alam! Araw araw may nag dadala ng pag kain saken. Hanggang sa nasanay na akong iyon ang lagi kong naabutan sa labas ng pintuan ko.

Lumaki akong, walang kinikilalang Pamilya! Kaya ganun nalang ang inggit ko sa, mga pamilyang masayang namumuhay.

Inilagay ko siya sa hinihigaan ko, namamaga ang mata niya. Dahil siguro sa pag iyak niya kanina.

"Pasaway ka talaga"

Matapos kong sabihin iyon sa kaniya. Naisipan kong mag luto nalang muna ng makakain.

Habang nag hihiwa naman ako ng mga gulay! May napansin akong nag mamasid sa akin.

Huh! Akala niya hindi ko siya makikita. Yeah! Nakikita ko siya sa peripheral version ko.

Dahil may nararamdan akong hindi maganda. Mabilis akong dumaan sa gilid ng kusina, may maliit kasing daanan dun papunta sa labas.

Hindi niya namamalayang papalapit na ako sa kaniya.

"Who are you?"

Halatang nagulat siya sa biglang pag sulpot ko.

Hindi ko nakikilala ang mukha niya, dahil may mask itong suot. Dahil na rin sa pangangatawan niya ang nalaman kong lalaki siya.

Pero laking gulat ko, ng hindi niya ako pansinin at parang aakto pa siyang umalis.

"Bakit ka nakasilip sa kwarto ko?"

Sa pangalawang tanong ko, ay hindi parin siya sumasagot.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, inilabas ko na ng tuluyan ang pana ko.

Inilihis ko ito sa direksyon niya, laking gulat ko nalang ng bigla niya itong nahawalan, ng hindi man lang tumitingin sa akin.

Bakit nagawa niya, ang bagay na iyon? Sino ba ang taong to?.

"Sino ka ba talaga?"

Lumapit na ako ng tuluyan sa kaniya, wala akong ibang naramdamang pangangamba ng lapitan ko siya.

"Don't hit me, father are stronger than the Son"

Nagulat naman ako sa lamig ng kaniyang bises at sa makahulugan niyang sinabi.

"Ano ibig mong sabihin"

"Hindi pa ito ang, tamang oras"

Pero tatalon na sana siya sa mataas na pader, ngunit agad kong nahawakan ang laylayan ng kaniyang damit.

Nawalan ito ng balanse, at agad nahiga sa damuhan.

Sinuntok ko siya ng malakas, sa kaniyang mukha.

"Sino ka ba talaga? Kilala mo ba kung sino ang ama ko?"

Ngunit hindi man lang ito natinag sa suntok ko.

Susuntukin ko na sana siya ulit, ng mahawakan niya na ang kamay ko

"Umalis kana bago pa kita saktan"

Nanayo ulit ang balahibo ko, dahil sa lamig ng boses na naroroon sa kaniya.

Pero bago ko ulit siya hilahin, mabilis na itong nakaalis sa paningin ko.

Sino ba ang taong iyon? Bakit, tila may alam siya tungkol sa ama ko?
Damn!

Bumalik nalang ulit ako sa kwarto ko, at doon ka nakitang nakaupo na si Sharlotte sa kaninang hinihigaan niya.

"Gising kana pala"

"Bakit, ako andito?"

Alam kong, yan agad ang sasabihin niya kaya napangiti ako doon.

"Anong meron sa ngiti mong yan? Kinidnapped mo ako noh? Ang sama mo palang tao, tinuring pa naman kitang kaibigan, ibalik mo na a---"

"Isa pang daldal mo, hahalikan na kita"

Dahil sa sinabi kong iyon, agad naman siyang natahimik. Haha ang cute niya pala!

"Una sa lahat, hindi kita kinidnapped! At pangalawa, nakita kita sa puno kanina iyak ng iyak. Hanggang nakatulog kana sa balikat ko"

Nakita ko naman, ang pamumula ng mukha niya. Ano naman ang iniisip ng babaeng to?

"So, hindi mo ako kinidnapped? Naring mo ba ang pinag sasabi ko kanina?"

"Hindi, dahil hindi ako chismoso"

Napag desisyunan ko namang, ilihim nalang ang narinig ko kanina sa kaniya.

"Okay sabi mo eh, Alis na pala ako! Mag gagabi na rin"

"Kumain ka muna, at ugali mo ba talagang hindi mag Thank You sa
Taong tumulong sayo?"

"Edi thank you!"

Dahil sa pag sabi niyang yun, bigla nalang kaming natawa at pumunta na ng kusina.

Pag katapos kong maihain ang mga pagkain, nag kwentuhan lang kami ng nag kwentuhan.

Mula nung pagkabata namin, hanggang sa lumaki kami.

At doon ko naisip, na ang saya pala kausap ni sharlotte.

Pag katapos naming kumain, nag pasya na rin itong mag paalam.

"Ah Zeus--"

"Wag mo akong tawagin sa pangalan na yan, Thirdy nalang"

Gusto kong tawagin niya akong thirdy, lahat nang mga taong malalapit sa akin ay iyon ang tawag nila.

"Sige, sabi mo eh! Thirdy salamat sa pag kain, alis naku... Nga pala ang saya mo kausap"

Pagkatapos niya itong sabihin saken, agad nalang itong tumakbo.

Napailing nalang ako, baliw talaga ang babaeng iyon.

***

Montefalco AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon