Sharlotte POV
Agad kong binagsak ng malakas ang pintuan na iyon, at ganun nalang ang gulat nina mama.
"Allison, kung tungkol ito kanina! Please patawarin mo ak--"
"Ma! Pinapatawad na kita, pero gusto ko ng malaman ang katotohanan"
Nag susumamo ang mga mata kong tumingin kay mama, desperada na akong malaman ang lahat.
Nakita ko namang bumuntong hininga si mama, at saka tumingin ito kay tita.
"Go on celine! Ito na nga siguro ang tamang panahon"
Pagkatapos iyong sabihin ni tita, umalis kami ni mama at lumabas papuntang garden.
Umupo kami ni mama doon, at isang nakakabinging katahimikan ang namuo saming dalawa.
"Hindi ko alam, kung saan ako mag sisimula anak"
Agad naman akong napatingin kay mama,
"Handa akong makinig ma"
Pagkatapos kong sabihin iyon, bumuntong hiningang malakas si mama.
*FLASHBACK*
Celine POV
Hating gabi, habang malakas ang ulan tila walang pangundangan ang pakikipag away namin sa Jang-gwan group.
Sila ang matagal na mahigpit naming kaaway, simula bata kami tinetrain kami ni daddy sa mismong headquarters na ito.
Anim kaming mag kakaibigan nuon, sobrang close namin nuon.
Pero dahil sa alitan, ng mga pamilya namin. Unti unti nag laho ang pag kakaibigan na iyon, at napalitan ng galit.
"Weak ka parin, hangang ngayon Celine"
Itinutok nito sa akin ang hawak hwak niyang sword. Muntik na akong madaplisan ngunit agad ko itong nailagan.
"Ikaw ang weak, Tanya Amadeus! Wala ka paring pinagbago"
Tanya Amadeus
Isa sa mga kaibigan kong, ahas ginayuma niya si Trimo.Tatlo kaming babae,ang sobrang close sa isa't isa nuon.
Fammel Frox, Tanya Amadeus,at ako.Para na kaming mga linta, dahil mismo ang pamilya namin ay di narin kami mapag hiwalay.
Hanggang sa dumating ang tatlong, lalaking nag pabago sa mga buhay namin.
"Ako ang una niyang minahal celine, hindi ikaw! Ginamit ka lang niya"
Agad niya akong nadaplisan, nang hindi ko mailagan ang kaniyang pag atake.
Si trimo, ang unang nag patibok sa puso ko! Pero isang pag kakamali ang lahat ng iyon!
Iyon ang pinag sisihan ko sa buong buhay ko, Dahil niloko niya lang pala ako. Isa siyang manggagamit.
Buong araw akong iyak ng iyak nuon, lahat binigay ko sa kaniya Pati pag ka babae ko. Pero damn! Isa siyang manloloko.
Dahil sa pag luluksa kong iyon, si Sean lagi ang nag aalaga saken.
Isa sa mga matalik na kaibigan ni Trimo.
"Oo! Ikaw ang unang minahal, pero bumalik siya saken at Nag mahalan kaming dalawa! Pero anong ginawa mo? Ginulo mo na naman kami"
Dahil sa galit ko, hindi ko namalayang nasaksak ko na pala ng tuluyan si Tanya.
Nanlaki ng husto ang mga mata ko, nabitawan ko ang hawak hawak kong sword na puno ng dugo, galing kay tanya.
Nag kalat ang dugong iyon sa sahig, dahilan na rin sa lakas ng ulan! inaagos ang mga dugong iyon mula sa kaniya.
Parang biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko, unti unting bumabalik ang mga alaala naming tatlo nina Tanya at Fammel.
Bigla nalang akong napaluhod at doon nag iiyak malapit sa katawan ni tanya.
"TANYA!! I'M SORRY DI KO SINASADYA"
Dahil sa malakas na sigaw ko, agad nag silapitan ang apat na kanina pang nag aaway.
Agad namang tumakbo ng mabilis si Trigor sa katawang iyon ni Tanya.
"ANONG GINAWA MO SA KANYA? ISA KANG MAMAMATAY TAO"
Sumasabay ang buhos ng ulan sa mga luha ko, sa mga oras na iyon parang gusto ko na rin mawala. Kaya kukunin ko na sana ang sword na iyon ngunit agad akong napigilan ni Trimo.
"Hindi ko sinasadya, Patayin niyo nalang din ako"
"Ano ba celine, hindi mo kasalanan ang nangyari! Wag mo sisihin ang sarili mo pleasee"
Napuno ng mga luha, at pighati ang lugar na iyon.
"KASALANAN NIYONG DALAWA TO, KUNG HINDI NIYO LANG SANA SIYA SINAKTAN"
Agad namang sinuntok ni Trigor si trimo. At agad itong natumba sa may sahig.
*clap*
*clap*
*clap*
Agad kaming napalingong lima, sa pinanggalingan ng palakpak na iyon.
Dalawang tao ang naroroon.
Hindi namin makita ang mukha nila, dahil nababalutan ito ng mask na kulay pula At sa isa naman ang kulay itim.Sa pag kakataong iyon, bigla kaming nagulat dahil naka hilata na rin sa sahig, sina Trimo trigor at Sean.
Kaming dalawa nalang ni fammel, ang mulat pa ang mata ng mga oras na iyon.
"Ang ganda ng plano ko, hindi ba? Ang bilis niyong mahulog sa mga pa tibong ko"
Ang walang hiya palang ito, ang may kagagawan ng lahat?
"Isa kang demonyo! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG TO"
Isang malakas na sigaw, ang narinig ko mula kay Fammel.
Sa mga oras na iyon, kaming dalawa lang ang may alam sa mga totoong nangyari.
Planado nila ang lahat, Simula sa pag kakilala naming anim, hanggang sa digmaang ito.
Plano nila itong lahat, ginamit lang nila kami.
Hindi totoo yung sinabi ni daddy sa amin. Pati si daddy, niloko niya rin kami.
"Easy girls, clue palang to! Kung talagang matalino kayo. Try to solve this puzzle"
Iyon ang huli nilang sinabi bago ito, tuluyang nag laho.
"FUCK THIS LIFE! I SWEAR TO GOD, I.WILL KILL.YOU"
Simula nang araw na iyon, kami na ni Fammel ang namalagi sa Grupo ng Gongju. Sa mga panahon iyon, ang Gongju ang pina kinatatakutang grupo sa buong asya.
Iyon din ang unang araw, sa pag hahanap namin sa dalawang tao na iyon. Na siyang makakapag sabi samin ng buong katotohanan.
*END OF FLASHBACK*
Sharlotte POV
Gulat na gulat ako sa mga nalalaman ko kay mama. Pero isa lang talaga ang hindi maalis sa isipan ko.
Eh, sino yung taong nakaaway ko kanina? Si trigor ba yun? Si trimo? O yung taong sinasabi ni mama?
Nag pasya na akong, di muna tatanungin si mama tungkol sa nakaaway ko kanina, at pati tungkol na din sa kahoy na iyon.
"Sige anak! Yan lang muna sa ngayon, sapat na siguro yan para malaman mo ang lahat"
Pag kasabi nun ni mama, tumayo na ito saka naglakad palayo.
Pero nanatili parin ako sa kinauupuan ko.
Unti unti na ring, may namumuong mga tanong sa isipan ko. Alam kong hindi pa iyon ang buong istorya.
Posible kayang, nag kaanak si mama saka yung Trimo?
San na ngayon, ang sinasabi ni mama na Trigor?
****
BINABASA MO ANG
Montefalco Academy
Gizem / GerilimPaano kung Ang pinasukan mong paaralan Ay, maraming naka kubling sikreto? Patuloy ka parin bang papasok?.... Paano kung mag kita sila? Silang dalawa.. Isang lalaking Cold, walang sinasanto, walang kinatatakutan! Lalaking tahimik, malimit Lang mag sa...