Chapter 25: Saviour

48 0 0
                                    

Someone's POV

Naimulat ko ang aking mga mata nang may marinig akong mga bakas nang paa papunta sa akin, Para bang nag dadahan dahan ito papunta sa akin.

Agad ko itong pinakiramdaman, habang nakapikit parin ang mata, nararamdaman ko ang mga bakas nang paa niya sa akin likuran.

Nilagay ko ang isa kung kamay sa aking likod.
Papalapit nang papalapit ang mga bakas na iyon nang mga paa.

"Don't come near me"

Habang nakatalikod ako sa taong di ko kilala mula sa likod ko, dahan dahan kong kinuha ang matulis na bagay mula sa aking gilid.

"Who are you?"

Ihahagis ko na sana ang patalim sa kanya, ngunit agad itong nag salita.

"Don't be afraid, I'm here to save you"

Dahan dahan akong lumingon mula sa aking likuran, at gulat na gulat sa taong nakikita ko ngayong nakatayo sa aking harapan.

"Ikaw? bakit? Bakit mo ako tutulungan?"

"Wag na maraming tanong"

Agad niya naman kinalagan ang lahat nang gapos sa aking katawan.

"May maliit na pintuan dyan sa likuran mo, dumiretso ka at may lagusan dyan papunta sa sasakyan ko! mauna kana doon mag hahanap lang ako nang pwedeng maibidensya dito."

Nakakatutok naman ako sa kamay niyang nakturo doon mula sa pinto, inihagis niya mula sa akin ang isang susi.

"Paano ka? baka may mangyaring masama sa iyo dito, di kita pwedeng iwan. Sumabay kana sa akin"

Napahilamos naman sya sa kanyang mukha, hudyat ito na naiinis na siya sa pangungulit ko sa kanya.

"Please, liten to me! ikaw ang kailangang matakas dito, may babalikan lang akong iba pang gamit. Promise susunod agad ako"

Agad naman nitong itinaas ang kaniyang kamay, kaya wala na akong gawa kundi sumunod sa kanya.

Sa huling sandali ay tumingin muna ako sa kanya, bago tinahak ang pintong iyon papunta sa labasan.

******

Sharlotte POV

"Bakit kelangan mokong lokohin?"

Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon habang umiiyak.

"I'm really sorry, I didn't mean to hurt you"

ngayon, pareho na kaming dalawang umiiyak..

"Hurt me? GINAWA MOKONG TANGA, GINAWA NIYO KONG TANGA. HOW COULD YOU DO THIS TO ME? ALL THIS TIME. PINAG LOLOKO NIYO LANG PALA AKO"

galit na sigaw ko sa kanya.
Humakbang siya papalapit saken, pero hindi ko maaninag yung mukha niya.

Hanggang, papalapit siya ng papalapit saken. Bigla siyang ngumiti, yung ngiti na may binabalak siyang masama.

Napabalikwas ako nang bangon nang mapaginipan ko na naman ang panaginip na iyon.

Bakit laging ganun ang panaginip ko? Hindi ko alam pero iba itong nararamdaman ko.

"Sobrang pamilyar ang mga boses na iyon, sa akin! Parang narinig ko na iyon"

Napagpasyahan ko namang bumangon,
Dahil sabado ngayon naisipan ko namang mag jogging muna dahil alas 5 pa naman nang umaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Montefalco AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon