Chapter 10: Truth or Lie?

189 9 7
                                    

Dedicated to imtoofabforbaekhyun and zedly_chan

Sharlotte POV

Pumara na ako ng taxi, para pumunta sa hospital kung saan dinala si bessy!

*Riiiinngggggg*

Agad kong binasa ang text message sa Cellphone ko.

From: 09xxxxxxx
Mamaya 7PM wag kang malelate.

Sa text niya palang, alam ko na kung kanino to nang galing.

Kaya pag ka rating ko sa hospital, agad kong tinanong kong anong room dinala si bessy.

"Room 137 po Ma'm"

Pag kasabi nun ng nurse, tumakbo agad ako papunta sa room na iyon.

"Tita, how's bessy?"

"She's fine, sharlotte! Tell me... Ano ba nangyari?"

Agad akong kinabahan sa tanong na iyon ni tita. Di ko alam kong anong sasabihin ko sa kanya. Nanatili parin akong tahimik, natatakot akong sabihin ang totoo kay tita.

"Pleaseee, sharlotte! Gusto ko malaman ang totoo. Di ko mapapatawad ang gumawa nito sa anak ko"

Kitang kita ko sa mga mata ni tita ang galit! Ayaw na ayaw niya, yung nasasaktan si bessy, unica hija nila ito. Kaya ganun nalang nila kamahal si bessy.

"Sorry tita, di ko niligtas si bessy! Di ko tinupad pangako ko sa inyo, na babantayan ko si bessy"

Naiyak na ako habang sinasabi ko iyon kay tita

"Pero tita... Di ko alam kung sino ang may gawa nito kay bessy. Isang laruan lang ang nakita namin"

Kita ko sa reaksyon ni tita na nagulat siya, pagkatapos kong sabihin sa kanya ang laruan.

"Tell me... Anong klaseng laruan?"

Di ko alam kong anong meron, kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni tita.

"Isang car toy po... Maraming tinik! Pero nakakilabot po ang laruan na iyon tita"

"I knew it"

Mas lalo akong naguluhan sa reaksyon ni tita.

"Tita.. May alam ka ba sa laruan na iyon?"

"Hindi ito ang tamang oras sharlotte... Sige ako nalang muna ang babantay sa kanya, baka hinahanap ka na ng mama mo"

Umalis ako sa hospital, na maraming tanong sa isipan ko.

Tita, ano ba ang alam mo? Gusto ko malaman ang lahat.

Pumara ulit ako ng taxi, papunta sa school namin. Tineks ko nalang si mama, na malelate ako ng uwi.

"6:25 pa naman! Siguraduhin lang ng lalaking yun na hindi siya malelate"

Nag lakad lakad ako sa loob ng campus namin, yung nag sisilbing ilaw ko lang ay yung flashlight ng CP ko.

Sobrang dilim ng paligid, at ang creepy pa! Ibang iba ito kapag umaga.

Bigla kong naalala ang sinabi ng lalaking yun sa akin.

"Tommorow! Sasabihin ko sayo, dun sa lugar kung saan ka unang napadpad!
Sa loob parin ng Montefalco Academy"

Bigla naman akong napaisip doon,
Saan naman ang lugar na iyon.

Ang alam ko lang, sa Library ako unang napadpad noon.

Montefalco AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon