"Ma, gusto ko ng boyfriend."Muntik ng mahulog ang panga ni Joy nang marinig ang sinabi ng bunsong anak na si Kat. Isang malakas na tawa naman ang maririnig mula kay Curt. Si Alaina naman ay masayang kumakain habango ginagalaw ang ulo kasabay ng music na pinapakinggan nito mula sa earphones. Hindi nito narinig ang kapatid.
Nasa dining table ang pamilyang Blanco. Kumakain ang mga ito ng almusal.
"Good luck with that!" Tumawa ng malakas si Curt.
Hindi naman pinansin ni Kat ang sinabi ng nakatatandang kapatid.
"I am not asking for your permission, ma. Sinasabi ko lang kung anong gusto kong gawin," sagot naman ni Kat.
"Kumain ka na nga diyan, Kat. Baka ma-late ka na naman," ang sagot ni Luisa sabay sulyap sa relos.
"Ang lapit-lapit lang ng school, ma. Hindi ako mala-late," ani Kat sabay subo ng kanin.
"Bakit? May nanligaw na ba sa'yo?" Muling tumawa si Curt.
"Ano ba, Curtis? Tigilan mo nga 'yang kapatid mo. At ikaw, Katarina, tumigil ka na diyan sa sinasabi mong boyfriend-boyfriend."
"Ma, malapit na akong mag-eighteen. Hindi pa rin ako nagka-ka-boyfriend hanggang ngayon," sagot niya.
"Problema nga 'yan, ma. I think Kat will be a spinster," wika ni Curt at inagaw ang piniritong itlog mula sa pinggan ni Kat.
Pinalo naman ni Joy ang kamay ni Curt.
"Curtis! Pagkain 'yan ng kapatid mo!" Sigaw ni Joy sa anak. Napabaling ang tingin niya sa panganay na anak na si Alaina na tila may sariling mundo na naman. Hinila nito ang isang earphone mula sa tenga ng anak.
"Ma! Ano ba?" Reklamo nito.
"Sasabay ka ba sa akin mamaya?" Tanong ni Joy.
Umiling naman si Alaina.
"10 am pa yung first class ko," sagot nito.
"Basta ang sinasabi ko lang, gusto ko ng boyfriend. Huwag na kayong magulat kung simula ngayon ay magiging busy ako."
"Busy saan? Sa paghahanap ng boyfriend? Ano na naman bang nangyayari sa'yo, Katarina?" Tanong ni Alaina sa nakababatang kapatid.
"Kagabi pa ako kinukulit nito, ma," ang sagot ni Alaina habang nakatingin sa nakasimangot na kapatid.
"Sa tulis niyang nguso mo sa kasisimangot, hindi ka talaga magkaka-boyfriend," pagbibiro ni Curt.
Isang matalim na tingin ang isinagot ni Katarina kay Curt.
"Hindi niyo kasi ako maiintindihan, eh!" Itinulak ni Katarina ang kanyang pinggan patungo sa gitna ng mesa. Sumandal siya sa upuan. She folded her arms below her chest.
"Luh! Nagdadabog," tumatawang sabi ni Curt.
"Mag-aral ka muna. Saka na 'yang boyfriend-boyfriend. Darating din 'yan," sagot ni Joy sa anak.
"Si Curt dapat ang pinagsasabihan mo ng ganyan, ma. Puro kalandian ang ginagawa, bagsak naman—"
Hindi natapos ni Kat ang sinabi. Tinakpan ni Curt ang bibig niya.
"Kasalanan ko bang ipinanganak akong guwapo? Mga babae na ang lumalapiy sa akin, aayawan ko pa?" Mayabang na sagot ni Curt.
Kahit na nagmamayabang ay tama naman si Curt. Gwapo, maputi, matangkad at physically fit ang 18 years old na kapatid ni Kat. Idagdag pa ang pagiging captain nito ng football team sa Riverside Academy, ang paaralang pinapasukan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Teen FictionJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...