Hi, guys! Heto na ang bagong chapter.
Hi, Tita," ang bati ni Kat sa mommy ni Vanessa pagpasok nila sa pintuan ng bahay.
"Hi, Kat! Dito ka ba maghahapunan?" Tanong ni Lenny sa kanya.
Napatingin naman si Kat sa kaibigan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa bahay nito. Ang alam niya ay may pag-uusapan sila.
"Hindi na, mommy? Uuwi na siya pagkatapos naming mag-review," sagot ni Vanessa at bumaling sa kanya. "Halika na."
"Oh, okay?" Nakakunot ang noo ni Lenny habang nakatingin sa dalawa na paakyat ng hagdan.
"Sabi ko naman sa'yo na huwag mong kausapin ang mommy ko," ang sabi ni Vannessa pagpasok nila sa kwarto. She immediately closed the door behind her.
Mabilis namang lumapit si Kat sa kama ni Vanessa at nahiga.
"Ang bait kasi ng mommy mo," sabi ni Kat at hinubad ang suot-suot na sapatos. Itinapon niya ang mga 'yon sa sahig.
"Hindi mabait ang mommy ko. Dapat nag-iingat tayo kapag kaharap siya. Hindi mo lang alam pero parang detective si mommy. Baka mahuli niya na nagsisinungaling tayo," sabi ni Vanessa at naupo sa kama. Hawak nito ang isang notebook.
"Lahat naman yata ng mga nanay may pagka-detective. Si mama nga alam lahat ng kilos ko," ang sabi ni Kat at naupo sa kama.
"Mabuti nga at pinayagan ka niyang mag-boyfriend. Si mommy ayaw. Gusto niya mag-aral muna ako," ang sagot ni Vanessa at sumimangot.
"Cool lang kasi si mama, eh. Malaki lang siguro ay tiwala niya sa akin."
Isang matalim na tingin ang isinagot ni Vanessa kay Kat.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako mapagkakatiwalaan?"
Napangiti si Kat. Umandar na naman ang pagka-sensitive ng kaibigan niya.
"Oy, wala akong sinabing ganyan, ah!" Tumatawang sabi ni Kat. "At bakit ba natin pinag-uusapan ang mga nanay natin? Akala ko ba pag-uusapan natin ang mga prospect ko?"
"Sige na nga!" Ang sagot ni Vanessa at binuksan ang hawak-hawak na notebook. Bagong bili 'yon ni Kat. Para lang talaga sa boyfriend project niya.
Sabay nilang binasa ang nakasulat sa notebook.
"Wilson Torres? Yung basketball player? Bakit?" Tanong ni Vanessa at kinuha ang ballpen mula sa bulsa ng uniform niya.
"Gwapo naman si Wilson. Matangkad at hot," ngumingiti niyang sagot.
"Hot? Alam mo naman siguro na kulang dito si Wilson," ang sagot ni Vanessa while pointing at her head.
"Huwag mo ng pansinin ang pagkukulang niya. Heto, si Leone Albances. Gwapo at matalino."
"Good luck! Hindi ka papansinin no'n. Napakasungit ng lalaking 'yon. At sino to?" Tanong ni Vanessa at itinuro ang nakasulat sa notebook. "Si Chi Robert? Sino siya?"
"Si Chi, 'yong drummer ng band na pinanood natin minsan."
"Ah...Yong mukhang adik?"
"Hindi naman mukhang adik si Chi, ah," sagot ni Kat sabay irap. "Gwapo din naman si Chi at saka cool."
"Gwapo ba 'yon? Ito? Sino 'to? Spencer Leopoldo? 'Yong anak ng principal?"
Iginalaw ni Kat ang kanyang mga kilay bilang sagot. Ayaw niyang magsalita dahil kokontahin lang siya ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Novela JuvenilJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...