Sa mga gustong sumali sa Gift Giveaway, you have until December 24 to join. Just go to my FB account for more details.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Kat. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Vanessa sa kanya.
"Sige. Tumawa ka lang," ang sagot ni Vanessa at inirapan ang tumatawa pa ring kaibigan.
"Nakakatawa kasi ang pinagsasabi mo."
"Ano bang nakakatawa? Na may gusto sa'yo si Jacques?"
Muling tumawa si Kat. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga kapwa studyante sa cafeteria.
"Nababaliw ka na yata," mahinang sabi ni Vanessa.
"Ikaw kaya diyan ang nababaliw. Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Paano ba magkakagusto si Jacques sa akin? Tingnan mo nga ako." At tumayo pa si Kat para makita ng kaibigan ang hitsura niya.
"Possible naman, ah!"
Naupo si Kat at muling tumawa. Bakit naman kaya naisip ni Vanessa na may gusto sa kanya si Jacques?
"Hindi magkakagusto sa akin si Jacques. Type niya 'yung magagandang babae. Matangkad, makinis, at sosyal," ang sagot niya. Hindi niya alam kung bakit pero sumagi sa isipan niya si Margie. Ang maganda at sikat na schoolmate nila. Ang katulad ni Margie ang type ni Jacques.
"Maganda ka rin naman, ah. Hindi ka nga lang marunong mag-ayos," ang sabi ni Vanessa at pinagmasdan ang kaibigan.
Katulad ni Curt, maputi si Kat. Makinis ang balat, slim, at itim na itim ang mahabang buhok. Para nga siyang babaeng version ni Curt.
"Tunay nga kitang kaibigan, Van, " ang sabi ni Kat at inakbayan si Vanessa.
Inalis naman ni Vanessa ang kamay ni Kat mula sa kanyang balikat. Naiinis siya kapag pinagtawanan siya nito.
"Totoo ang sinasabi ko. Ayaw mo lang talagang maniwala."
"Sige nga. Sabihin mo nga sa akin kung bakit mo nasabi na may gusto sa akin si Jacques," natatawang sabi ni Kat.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi mo napapansin. Una, bakit ka niya tinutulungan sa mga prospects mo?"
"Dahil gusto niya na magkaboyfriend na rin ako?"
Mabilis na umiling si Vanessa.
"Dahil gusto niyang ipakita sa'yo na walang silbi ang mga propects mo. Na wala silang binatbat sa kanya. Na siya lang ang talaga ang nababagay sa'yo."
Muling tumawa nang malakas si Kat. Napalingon na naman sa kanya ang mga studyante sa cafeteria.
"Shhh. Ano ba?" Inis na sabi ni Vanessa sa kanya.
"I'm sorry, Van, pero nakakatawa talaga," at muling tumawa si Kat. Halos hindi na ito makahinga sa kakatawa.
Umirap lang si Vanessa.
"Bahala ka nga diyan. Basta alam ko, may gusto sa'yo si Jacques. Ayaw niya lang sabihin sa'yo dahil nahihiya siya kay Curt," ang sabi ni Vanessa and took a sip from her soda.
"At nahihiya pa siya kay Curt? Mali ka. Walang gusto sa akin si Jacques. Kaibigan lang ang turing ni Jacques sa akin," ang sagot ni Kat at ngumiti sa kaibigan.
"Pfft!"
"Teka, bakit mo ba nasabi na may gusto sa akin si Jacques?"
Napatitig si Vanessa sa kaibigan. Minsan talaga ay walang pakialam si Kat sa nangyayari sa kanyang paligid.
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Teen FictionJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...