Leone

19.3K 546 22
                                    

Hi, lovely readers! Here's the latest chapter. Sana ay magustuhan ninyo. :)



"Bakit nakasimangot ka na naman?"

Hindi pinansin ni Kat ang tanong ng kanyang mama. Nanatili siyang nakatingin sa TV habang yakap ang isang throw pillow.

Saturday night is a movie night sa bahay ng mga Blanco. It only happens every first Saturday of the month at sinigurado ni Joy na kompleto ang pamilya niya. It's a way for them to bond as a family.

Kadalasan ay excited si Kat tuwing movie night. She likes watching movies. Pero ngayon tila wala ito sa mood na manood ng TV.

"Ayaw mo ba sa pinapanood natin? Gusto mong palitan natin?" Muling tanong ni sa anak.

"Mom! Napag-usapan na natin na ito papanoorin natin. I love Chris Pine. Your favorite actor, Benedict Cumberbatch, is also in this movie too," reklamo ni Alaina.

Naging excited si Joy sa narinig. Alam niyang paborito din 'yon ni Kat.

"Narinig mo 'yon, Kat? Kasama pala sa palabas na 'yan ang paborito natin!" Ang sabi ni sa anak. Napakunot ang noo ni Joy nang hindi nagbago ang expression ng anak. "What's wrong? May nangyari ba? May problema ka ba?"

Hindi pa rin sumagot si Kat. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa throw pillow.

"Boy problems na naman yan, sigurado ako," sagot ni Alaina at isinubo ang isang kamao ng popcorn sa bibig.

"Ano? Pagbo-boyfriend pa rin ba ang iniisip mo, Katarina?" Gulat na tanong ni Joy sa anak.

"Hindi ko alam kung bakit ang hirap maghanap ng boyfriend." Sa wakas at sumagot na rin si Kat.

"Sang-ayon ako diyan. Alam mo bang mas madali pang makahanap ng trabaho keysa boyfriend?" Ang sabi Alaina na lalong ikinasimangot ni Kat. "Ano? Totoo naman ang sinasabi ko, ah."

"Alaina, tigilan mo na 'yang kapatid mo. At ikaw naman, Katarina, hindi ka pa rin ba tumitigil diyan sa paghahanap ng boyfriend? Seryoso ka ba talaga?"

"I mean, lahat ba ng may trabaho may boyfriend? Hindi naman, di ba? Kaya ang isipin mo, hindi nga makahanap ng boyfriend ang mga may trabaho, ikaw pa kaya na high school student lang."

"Alaina!" Sigaw ni Joy sa nakatatandang anak. "Tigilan mo na sabi 'yang kapatid mo."

Alaina just rolled her eyes.

"Katarina, tingnan mo 'yang nasa TV. Titigan mo 'yang si Benedict Cumberbatch. Ganyan dapat ang bino-boyfriend mo."

"Mom, ang tanda na niyan para sa akin," naiinis na sabi ni Kat.

Napatawa si Alaina sa sinabi ng kapatid.

"Exactly my point. Hindi ka dapat nagbo-boyfriend habang high school ka pa. Magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka mag-boyfriend."

Humugot ng malalim na hininga si Kat.

"Ayokong manood. Aakyat na ako," ang sabi ni Kat sabay tayo.

Mabilis naman siyang hinila paupo ni Joy.

"Wala akong pakialam kung ayaw mong manood. Movie night ngayon kaya't wala kang choice."

"This is not fair! Wala nga rito si Curt dito. Siya lang ba ang puwedeng umalis?" Naiinis na tanong ni Kat.

"May tinawagan lang ang kapatid mo. Babalik din 'yon," ang sabi ni Joy sa anak at ibinigay dito ang isang malaking bowl ng popcorn. Tiyempo namang pagdating ni Curt. "O, heto na pala ang kuya mo. Curtis maupo ka na. Nag-uumpisa na ang palabas."

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon