Creed 3

13.1K 446 29
                                    


"Kat, saan ka pupunta? Hindi ka ba mag-aalmusal?"

Papunta na sana ng school si Kat nang marinig niya ang boses ng mama niya mula sa kusina. Maaga pa naman pero gusto na niyang pumasok hindi dahil gusto niyang maging maaga sa school, kundi dahil iniiwasan niya si Curt.

"Kat? Halika nga rito."

Walang nagawa si Kat kundi pumunta ng kusina. Nakita niya roon ang mama niya, si Alaina at si Curt.

"Ilang araw ka ng hindi sumasabay sa amin sa almusal. Halika, kumain ka muna," ang sabi ng mama niya.

"Hindi ako gutom, ma."

"Ano? Paborito mo pa naman ang ulam natin ngayon. Sige na, kumain ka na," muling sabi ng mama niya at itinuro pa ang bakanteng upuan sa tabi ni Curt.

Sumunod naman si Kat umupo sa tabi ni Curt. Itlog at tuyo ang ulam, paborito nga niya. Nilagyan ng mama niya ng kanin at ulam ang platong nasa harapan niya.

"Kumain ka na," muling sabi nito.

Nag-umpisang kumain si Kat. Hindi niya pinapansin si Curt. Hindi rin siya pinapansin nito.

"Ano bang pinagkaka-abalahan mo lately? Pasensiya na at palagi akong busy sa trabaho kaya't hindi kita nakakausap."

Bago magsalita ay napatingin si Kat kay Curt. Tahimik itong kumakain na tila hindi siya napapansin. Si Alaina naman ay nakatingin sa kanya, mukhang inaantok pa ito.

"Okay lang ako, ma," ang sabi niya. Ayaw niyang sabihin dito ang alitan nila ni Curt. Ayaw niyang lalong ma-stress ang mama niya.

"How's school? How's Vanessa?"

"Okay lang po," maikli niyang sagot. Naisip niya ang date nila ni Creed mamaya. Dapat niya siguro itong sabihin sa mama niya. 

"May date po ako mamaya, ma."

Napatigil sa pagkain ang mama niya at napatitig sa kanya.

"Date? Anong date?" Hindi naman galit ang tono ng boses nito. Medyo nagulat lang.

"Don't mind her, ma," sa wakas ay nagsalita rin si Curt.

Kat is too happy para magalit sa sinabi ni Curt kaya't hindi na niya ito pinansin.

"Sinong ka-date mo? Yung lalaki sa party ni Eunice?" Tanong ni Alaina. Excited din ito.

"Anong lalaki? Sinong party?" Sunod-sunod na tanong ni Joy.

"May nakilala si Kat sa party ni Eunice. Ano nga ulit ang pangalan niya?" Tanong ni Alaina.

"Creed!"

"Creed."

Sabay na sumagot sina Curt at Kat.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joy. Tumayo ito at niyakap si Kat. 

"Oh my god! You're going on your first date! Ang saya-saya ko para sa'yo anak."

Napangiti si Kat sa naging reaksyon ng mama niya. Alam niyang hindi ito magagalit pero hindi niya inasahan na magiging masaya ito para sa kanya.

Nairita naman si Curt sa nasaksihan. He rolled his eyes and shook his head while looking at them.

"Don't get your hopes up. It's just a date."

Tinaasan lang ng kilay ni Kat ang kapatid. She's too happy para magpa-apekto sa  negativity ni Curt.


The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon