Wilson 2

12.4K 506 26
                                    

Merry Christmas, everyone! May nanalo na pala sa gift giveaway. Rest assured, may gift giveaway pa ako sa susunod. Just continue to read and support my stories. Thanks!


"Mukhang excited na excited ka yata."

Isang ngiti ang isinagot ni Kat kay Vanessa. Ang totoo ay mas nangingibabaw ang kaba na nararamdaman niya. Naglalakad sila sa basketball court na tinutukoy ni Wilson.

"Naisip ko lang si ate Alaina."

Natawa si Vanessa sa narinig.

"Ano? Makikipagkita ka kay Wilson, ang pinakahuli mong prospect, pero ang ate Alaina mo ang iniisip mo?"

Napakamot sa kanyang ulo si Kat. Naaalala pa niya ang galit na mukha ng ate niya kanina.

"Naalala mo 'yung libro na ipinakita ko sa'yo? 'Yung How To Find a Boyfriend?"

"Oo, bakit?"

"Eh, nakalimutan kong isauli sa kanya. Hinanap niya kanina at tinanong niya ako. Sinabi ko hindi ko nakita. Kaming dalawa lang naman daw kasi ang nasa kwarto. Wala raw ibang kukuha noon."

"Ba't hindi mo pa isinauli?"

"Nakalimutan ko nga, eh. Ayun, nagalit. Susunogin niya raw yung mga stuffed toys ko sa kwarto kapag hindi ko isinauli," nag-aalalang sabi ni Kat.

"Problema ba 'yun. Ibalik mo sa kanya mamaya para hindi niya pakialaman ang mga stuffed toys mo. Mahirap na, baka saktan niya si Pink Bear mo," natatawang sabi ni Vanessa. Ang tinutukoy niya ay ang malaking pink teddy bear na ibinigay ni Curtis noong nakaraang kaarawan niya.

"Kaya nga nag-aalala ako, eh."

"Alam mo, kalimutan mo na 'yan. Basta isbalik mo mamaya. Ang isipin mo si Wilson. Medyo iba ang dating ni Wilson para sa akin. Magkakaboy-friend ka na yata," kinikilig na sabi ni Vanessa sa kaibigan.

"Yun din ang nararamdaman ko," napangiti si Kat.

Narating nila ang basketball court at kaagad silang pumasok sa loob. Nagulat si Kat nang mapansin niyang may ibang team din doon. Ang inaakala niya kasi ay ang team lamang ni Wilson ang mag-pa-practice.

Nakita nila si Wilson at ang mga kasamahan nito. Kumaway ito sa kanila. Mabilis nila itong nilapitan.

"Hi, Kat! Hi, Vanessa!" Salubong ni Wilson sa kanila. Nakasuot na ito ng basketball uniform at tila handang-handa na sa practice game.

"Hi, Wilson!"

Sabay na nagsalita ang dalawa. Sabay din silang napatawa.

"Mabuti at nandito na kayo," nakangiting sabi ni Wilson. "Come with me. I'll show you where you can sit and watch."

Nagkatinginan sina Kat at Vanessa. Kapwa sila nakangiti. Sumunod sila kay Wilson. Laking gulat nila nang hindi sila sa bleachers papunta.

"Dito kayo sa courtside," ang sabi ni Wilson.

"Talaga? Hindi ba dapat doon kami sa bleachers gaya ng ibang nanonood?" Tanong ni Kat. She feels special already.

Tumawa si Wilson.

"Hindi. Dito kayo kasi you're now one of us. Di ba, guys?" Ang sabi ni Wilson at napatingin sa mga kasamahan nito na nakaupo sa courtside.

"Oo," sabay-sabay na sabi ng mga ito. Nakatingin ang mga ito sa kanilang dalawa. Ang iba ay nagbubulung-bulongan pa.

Napansin naman ni Vanessa na silang dalawa lang ni Kat ang babae doon. Wala ring coach na kasama sina Wilson.

"Bakit parang kayo lang? Wala kayong coach na kasama?" Tanong ni Vanessa.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon