This is raw and unedited. Please be kind. :)
"So, sasagutin mo na ba siya?" Kinikilig na tanong ni Vanessa kay Kat. Nasa hallway sila at naglalakad. Galing sila sa kanilang last subject sa umaga at papunta sila sa cafeteria para kumain ng lunch.
"Hindi naman siya nanliligaw, ah. Nagtapat lang," nahihiyang sabi ni Kat sa kaibigan.
"Ay, grabe ka naman. Ganoon na rin 'yun."
Napatingin si Kat sa kaibigan. Kanina pa niya ikinuwento dito ang mga nangyari at sinabi ni Jacques sa kanya. As usual, sobrang kiling ni Vanessa.
Magsasalita na sana si Kat nang sinalubong sila ng isang studyanteng lalaki na may dalang malaking pulang rosas. Napahinto sila sa paglalakad nang inabot ng lalaki sa kanya ang bulaklak.
"No, thank you," nagtataka niyang sabi at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Pati si Vanessa ay nagtaka rin. Hindi pa nga iilang metro ang nilakad nila ay sinalubong na naman sila ng isang studyanteng babaeng may dala ring rosas. Nakangiti ito sa kanila.
Umiling si Kat at iniwasan ang studyante.
"Ano bang meron sa araw na 'to?" Nalilitong tanong ni Vanessa.
"Wala na ba silang ibang maibenta? Dati mga cookies at brownies lang ang binibenta nila, ngayon mga rosas na," reklamo ni Kat.
Mabuti na lang at umabot sila sa cafeteria nang walang nakaaway si Kat. Agad silang pumila para bumili ng makakain. Pagkatapos ay mabilis silang naghanap ng mauupuan.
Sa di kalayuang table ay nakikita nila si Jacques at ang mga kasamahan nito sa soccer team. Mabilis na siniko ni Vanessa si Kat at itinuro ang direksyon ni Jacques. Kumaway naman ang huli sa kanila.
"Ano ka ba, Van? Nakikita ko naman siya, ah," kinakabahang sabi ni Kat. Nahihiya siya at hindi alam kung anong gagawin kaya't binilisan niya ang kanyang mga hakbang at naupo sa bakanteng upuan.
"Ang layo naman natin kay Jacques," ang sabi ni Vanessa na naupo sa harapan niya.
Napalingon si Kat at kaagad na nakita si Jacques na nakatingin pa rin sa kanilang direksyon. Kahit ang mga kasama nito ay nakatingin din sa kanila.
"Ang lapit nga niya, eh. Nakikita ko pa rin siya mula rito," ang sagot ni Kat at nag-umpisa nang kumain.
Simula ng magtapat si Jacques sa kanya ay naiilang na siya rito. Nahihiya siya kapag nakikita niya ito. Hindi naman siya dating ganito kay Jacques. Dati ay wala naman siyang pakialam sa iniisip nito. Ngayon ay nako-conscious na siya kapag nakikita niya ang binata.
"Nasa hospital pa rin ba si Curt?" Ang tanong ni Vanessa maya-maya.
"Oo. Hindi ko alam kung kailan siya makakalabas. Baka bukas o makalawa." Hindi na kasi siya pinapunta ng mama niya sa hospital. Kailangan niya raw mag-concentrate sa pag-aaral lalo na't malapit na ang exams nila.
"Talaga? Kawawa naman si Curt. May game pa naman yata sila next week."
"The game can wait. Kailangan ni Curt na magpahinga at magpagaling," ang sagot ni Kat. Nang mapatingin siya sa kaibigan ay napansin niyang nakatingin na naman ito sa direksyon ni Jacques. Hindi na niya ito pinakialaman. Ang importante ay matapos na sa kanilang lunch para makaalis na sila sa cafeteria.
"Alam mo, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa'yo," ang sabi ni Vanessa.
Kumunot ang noo ni Kat habang abala sa pagsubo ng pagkain.
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Fiksi RemajaJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...