Margarette Evangelista

12.9K 483 23
                                    


Lumipas ang ilang araw ay bumalik na rin sa pagiging masayahin si Kat. Hindi niya na rin tini-terrorize ang mga schoolmates niya.

Kumalat sa school nila ang ginawa nila ni Vanessa kay Wilson. Idagdag pa ang picture na nakuha niya noong punong-puno ng itlog at harina. They printed a copy of it at ikinalat sa buong campus. Kahit sa Facebook ay pinagtatawanan din si Wilson.

Wala namang nakakaalam kung sino ang nagtapon ng itlog at harina kay Wilson. Maraming bulong-bulongan na baka si Curt daw ang may gawa dahil hindi ito ang featured athelete.

Samantalang alam nina Kat at Vanessa na alam ni Wilson na sila ang may gawa ng lahat. Nasalubong nila ito kahapon at masamang-masama ang tingin nito sa kanila. Pinagtawanan lamang ito ni Kat. She knows Wilson won't tell. Lalo itong mapapahiya kapag nalaman ng buong campus na tinalo siya ng dalawang babae.

Tapos na si Kat sa paghihiganti kaya't tutuparin na niya ang gusto ng mama niya. Hindi na siya maghahanap ng gulo. Hindi na siya maghahanap ng away. She will finish high school like a normal teenager.

Hindi na rin siya mag-bo-boyfriend hunting. She realized na walang silbi ang mga lalaking naging prospects niya. Wala na siyang pakialam kung hindi siya magkaka-boyfriend habang nasa high school siya. Ginawa lang naman niya 'yun dahil nahamon ang pride niya.

"Anong binili mo?" Ang tanong ni Vanessa sa kanya nang makaupo siya sa table. It's lunch time at nasa cafeteria na naman sila.

"Tulad pa rin ng dati. Kanin at ulam," ang sabi niya habang nakatingin sa kanin at adobong manok na binili. "Ikaw?"

"Pareho tayo. Gusto ko sanang kumain ng pizza pero natatakot akong pumunta doon sa pizza place."

"Huwag na 'dun. Teritoryo nina Wilson 'yun. Bili na lang tayo sa mall next weekend. Ililibre kita," nakangiting sabi ni Kat at nag-umpisang kumain. Kumain na rin si Vanessa.

"Bakit kaya hindi na lumalapit sa atin si Jacques?" Maya-maya ay tanong ni Vanessa.

"Ewan ko sa kanya. Wala naman akong ginawang masama. Napakababaw niya kung ikinagalit niya 'yung pag-bomba ko ng text sa kanya."

"Nandoon siya, oh! Kasama niya ang mga ka-team niya."

Tiningnan ni Kat ang direksyonh itinuro ni Vanessa. Nasa malayong table si Jacques at ang mga kasama nito. Nakikinig ito sa sinasabi ng kanyang mga kasama.

"Hindi na siya tulad ng dati, no? Napapansin ko dati palagi siyang nakangiti kahit sino pa ang kasama niya. 'Yun nga ang best feature niya. Yung maganda niyang smile. Pero ngayon paminsan-minsan na lang siya kung ngumiti," patuloy na sabi ni Vanessa.

Gusto mang sagutin ni Kat ang kaibigan ay wala siyang maisasagot. Hindi niya rin alam kung bakit biglang nagbago si Jacques.

"Ba't di mo kasi tanungin si Curt."

"Eh, magtataka 'yun kung bakit ako magtatanong. Alam mo naman si Curt. Madaling napa-paranoid."

Ipinagpatuloy nila ang pag-kain. Paminsam-minsan ay sinusulyapan ni Vanessa ang direksyon ni Jacques.

"Kakawayan ko ba siya?"

"Ha?" Nalilitong tanong ni Kat.

"Nakatingin sa atin si Jacques."

Mabilis na tiningnan ni Kat ang table ni Jacques.

"Hindi naman, ah," ang sabi niya. Nakatingin si Jacques sa kasama nito.

"Nakatingin siya kanina," ang sagot ni Vanessa. "O, ayan! Nakatinign na naman siya dito."

Muling napatingin si Kat kay Jaqcues.

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon