Fist

10.2K 402 25
                                    

Raw and unedited. Please be kind. :)


"Hay, naku! Ewan ko talaga sa'yo, Katarina. Hindi mo lang alam kung gaano ako kagalit sa'yo," ang sabi ni Vanessa.

Tahimik naman habang nakasunod sa kanya si Kat. Nasa loob sila ng isang bookstore at namimili ng gamit para sa school project niya.

"Akala ko ba kinausap mo na si Jacques? Akala ko ba hindi ka makikipagkita kay Creed?" Patuloy na sabi ni Vanessa. Napahinto ito at kumuha ng pink na cartolina at inilagay sa hila-hilang basket kung saan nakalagay ang iba nilang bibilhin.

Hinarap nito ang tahimik na kaibigan at tinanong, "Ano pa bang kulang?"

Saglit na nagulat si Kat. Tila nagising ito mula sa malalim na pag-iisip.

"Ha? Wala namang kulang kay Jacques. Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayoko na sa kanya," ang sagot nito.

Napailing si Vanessa.

"Hindi naman kasi si Jacques ang ibig kong sabihin, eh," hindi alam ni Vanessa kung matatawa siya o magagalit sa kaibigan. "Ano pa bang kulang sa bibilhin natin?"

Kaagad na napayuko si Kat. Halatang napahiya. Pagkatapos ay may kinuha ito sa bulsa ng suot na shorts. Isa itong maliit na papel.

"H-heto 'yung listahan," ang sabi nito at ibinigay kay Vanessa ang papel.

"Tsk, tsk. Kita mo 'yan? Si jacques pa rin ang iniisip mo. Bakit mo kasi ipinagpipilitan 'yang gusto mong mangyari? Ikaw din lang ang masasaktan."

Hindi sumagot si Kat. Napatingin lang ito sa malayo.

"Halika na nga. Bilhin na natin lahat 'to at nang makakain na tayo. Alam kong nagugutom ka na rin."


***

Jacques took a deep breath as he pulled over his car on the road. Kararating niya lang sa labas ng bahay nina Kat. He's so nervous. He's so excited. Gusto na niya itong makita.

The past few days have been a torture for him. He's happy that he was able to spend time with his mom pero palagi niyang naiisip si Kat. Wala yatang oras na hindi niya ito iniisip.

Nami-miss niya ang mga ngiti nito, ang tawa nito, ang boses nito at pati na ang kakulitan nito. Kung siya ang tatanungin, gusto na niyang maging girlfriend ito. He has waited a long time for her. Matagal niya ring itinago ang nararamdaman kay Kay. Ngayon ay hindi na niya ito kayang itago. He's ready to show to the world what he feels for her. Handa na siyang patunayan kung anong nararamdaman.

Nothing can stop him now. Not Curt, not the soccer team. He might have lost his friends but Kat is what he has wanted for a very long time. Handa siyang kalimutan ang mga kaibigan niya para kay Kat. Ganoon siya kung magmahal.

He took the boquet of roses from the passenger seat. He just picked them from his mom's garden. Kat will be surprised. Hindi nito alam na dumating na siya.

Lumabas siya ng sasakyan at naglakad patungo sa gate ng bahay nina Kat. Itinulak niya ito at pumasok.

Pagkapasok niya ay narinig niya ang boses ni Curt.

"So, you're back."

Napatingin siya kay Curt. He's wearing his uniform. Maybe he's on his way for practice.

"I'm not here to talk to you," ang sabi niya rito.

"She's not here," ang sagot ni Curt.

Hindi niya ito pinakinggan. Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilampasan ito.

"Sabi ko she's not here," muling sabi ni Curt.

Huminto si Jacques sa paglalakad. Lumapit naman sa kanya si Curt.

"I know you're here for Kat pero wala siya rito," ang sabi ni Curt at tinitigan si Jacques. "I think it's time for you to forget about Kat and come back to the team."

Isang sarkatiskong tawa ang isinagot ni Jacques.

"I'm not coming back to the team. Kailan mo ba matatanggap 'yun?"

"We both know how valuable you are to the team. At alam mong matatalo ang team kapag wala ka. 'Yun ba talaga ang gusto mong mangyari? This will be our last year to play for the team. Can we just leave the a championship before we graduate?"

"I told you I'm not coming back," napatiimbagang si Jacques.

"Naghihigante ka ba Jacques? Dahil ba ilang taon kitang pinigilan na manligaw kay Kat?"

Here we go again.

"I'm tired of this, Curt," ang sabi niya. "You made me choose, remember? And I choose Kat. I'll choose her over a thousand soccer championships."

"Really? Paano si Kat? Ikaw ba ang pinili niya?" Tanong ni Curt na tila may ipinahihiwatig.

Napakunot ang noo ni Jacques sa narinig.

"What are you talking about?"

"I saw Kat the other day. Kasama niya si Creed."

"What?! You're lying."

"Nagulat rin ako. I really thought it was someone else. I saw them in the cinema. Kat was wearing Creed's varsity jacket." Natatawang sabi ni Curt. "Who would've known? Creed's school versus Riverside Academy for the soccer tournament. They will win. Panalo na nga siya, eh, now that he's dating Kat."

Naningkit ang mga mata ni Jacques sa narinig.

"If you don't want to believe me, you can always ask her. At gaya ng sinabi ko, she's not here. I don't know where she is. Maybe she's with Creed and—"

Dumapo ang kamao ni Jacques sa panga ni Curt.


Please don't forget to vote, comment and share. Still writing the next chapter. Will try to update tomorrow. Thanks!

The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon