Raw and unedited. I'm so sleepy na, hindi ko pa na-e-edit. Please be kind. Thanks.
Nakita ni Kat si Jacques na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nakatingin ito sa kanya. Mabilis siyang tumalikod at muling lumapit kay Vanessa.
"Van, hihintayin ko na lang ang daddy mo," ang sabi niya kay Vanessa.
Napangiti naman si Kat nang makita si Jacques.
"Umuwi ka na nga," ang sabi ni Vanessa at mabilis na isinarado ang pinto.
Walang nagawa si Kat kundi ang lumapit kay Jacques. Kinakabahan siya ng husto. Kani-kanina lang ay sinabi pa niyang iiwasan niya ito.
"Hi, Kat," mahinang sabi nito.
"Ba't nandito ka? K-kanina ka pa ba?" Hindi niya marinig ang sarili niya sa lakas ng tibok ng puso niya.
"About 20 minutes," nakangiting sagot nito.
Kanina pa pala ito naghihintay sa kanya. Mabuti na lang at nakangiti ito. Inakala niya kasi na magagalit ito sa kanya. Ngunit mas gusto pa niya na magalit ito sa kanya. Nang sa ganoon ay hindi siya mahihirapan sa gagawin niya.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Pumunta ako sa bahay ninyo nang hindi ko makontak ang phone mo. You weren't there so I thought maybe you're here."
Pumunta ito sa bahay nila? Nagkita ba sila ni Curt? Nag-away na naman ba ang mga ito?
"I'll drive you home," ang sagot ni Jacques at pinagbuksan siya nito ng pinto.
At first Kat hesitated. Pero naisip niya na baka ito na ang huling pagkakataon na ihahatid siya ni Jacques sa kanila.
Pumasok na rin si Jacques at pinaandar ang sasakyan.
"Tungkol sa dinner—"
"It's okay," putol ni Jacques sa sasabihin niya. "I'm sorry if you feel rushed. My mom wanted to meet you. And I thought that maybe I should surprise you. I know it was not a good idea. I'm sorry."
Tinitigan ni Kat si Jacques na nagmamaneho. She will never take her eyes off of him tonight.
"Sorry din kung pabigla-bigla ang desisyon ko," sagot niya habang tinititigan ang binata.
"How did you know about my mom?" Tanong nito sa kanya. His eyes are on the road.
"Sinabi ni Curt sa akin kanina," sagot niya. Hindi na niya sasabihin dito na nag-away na naman sila ng kapatid.
"Oh, okay," tanging sagot ni Jacques.
"Kailan pa ba dumating ang mommy mo?" Curious na tanong ni Kat.
"The other day. I told Curt a few weeks ago that she'd be coming home. I'm surprised he still remembers," ang sabi ni Jacques.
Narinig niya minsan si Curt na nagkukuwento sa mama niya tungkol sa mga magulang ni Jacques. His dad is the rich playboy Enrico de Gracia and his mom is a half-Filipina, half-Russian beauty queen. Hindi raw magkasundo ang mga magulang ni Jacques.
"Saan pala nakatira ang mommy mo?" Tanong ni Kat. She knows it's useless for her to know Jacques better pero gusto pa rin niyang malaman ito.
"She lives in Taiwan with his husband and my two little sisters," nakangiting sabi ni Jacques. Nakatingin pa rin ito sa daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/102045148-288-k469206.jpg)
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Teen FictionJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...