Raw and unedited. Please be kind. :)
"Okay, papunta na ako," ang sabi ni Kat at ibinaba na ang kanyang cellphone.
Katatawag lang ni Vanessa. Ipinaalala na naman nito na dalhin 'yong kopya ng Korean drama na hiniram nito kay Alaina. Ch-in-eck niya ang kanyang backpack. Sinigurado niyang nasa loob ang portable hard drive na binigay ng ate niya kanina.
Nang makita ang hinahanap ay isinara na niya ang backpack at isinuot sa kanyang likod. Pagktapos ay muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Nakapony-tail ang mahaba niyang buhok at bagong groom ang kilay niya. Suot niya ay isang pink midriff shirt at black na sweatpants. Nang makontento sa nakita ay lumabas na siya ng kwarto.
Nang isinarado niya ang pintuan sa kwarto ay may narinig siyang naglalakad sa baba. Naisip niya kung sino kaya 'yon. Impossibleng si Alain 'yon dahil kaalis lang nito.
Nagkibit-balikat siya at bumaba na ng hagdan. Muntik na siyang mahulog nang makita niya kung sino ang nasa baba.
"Troublemaker!"
Iisang tao lang naman ang tumatawag ng ganoon sa kanya. Her heart skipped a beat. At parang hindi siya makalakad.
Nakangiti si Jacques habang nakatingala sa kanya. Ito pala ang narinig niya kanina sa taas.
Hindi siya nagpaapekto. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Nang makababa na siya ay humarang naman ito sa daraanan niya.
"Ano ba?" Inis niyang tanong.
"Where are you going?" Tanong nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ngumiti ito na parang nang-aasar.
"Umalis ka nga sa daraanan ko," ang sabi niya. Humakbang siya sa kanan ngunit hinarang pa rin siya nito. Humakbang siya pakaliwa, ganoon pa rin ang ginawa nito.
"Are you going to watch the game today?" Tanong nito.
Ang tinutukoy na game nito ay ang championship match ng Riverside Academy vs. Westlake High.
"Ano bang pakialam mo?" Inis niyang sabi dito. Naalala niya pa rin ang ginawa nito kay Peggy. Naalala niya rin ang mga babaeng madalas na kasama nito sa school. Lalo tuloy siyang nainis.
"Who do you think will win? My team or Creed's?" Nakangiting tanong nito.
Kilala si Creed bilang magaling na striker ng Westlake High. Kilala naman si Jacques bilang magaling na goalie ng Riverside Academy. Magiging interesting ang game nila pero ayaw niyang manood.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay itinulak niya ito. Tumawa naman si Jacques at pinadaan siya nito.
"Can you please call Curt for me?" Tanong nito habang nakasunod sa kanya.
Ba't ba siya inuutusan nito?
"CURT!!!!" Malakas niyang sigaw. Wala siya sa mood na bumalik sa taas at hinihintay na siya ni Vanessa.
Makalipas ang ilang segundo ay sumagot si Curt.
"Bakit?!"
"MAY NAGHAHANAP SA'YO!" Muli niyang sigaw.
"Sino?!"
Hindi siya sumagot. Kailangan na niyang umalis.
"Thanks, troublemaker!" Ang sagot naman ni Jacques na nakangiti pa rin.
Hindi na niya ito pinasin. Binuksan niya ang pintuan at tuluyan nang umalis.
***
BINABASA MO ANG
The Undateable Troublemaker (COMPLETE) (#WATTYS2018 SHORTLIST)
Teen FictionJacques Quade de Gracia - The gray-eyed son of the multi-Billionaire Enrico de Gracia and a half-Russian half-Filipino former model. He is a senior high school student in Riverside Academy, a member of the Cool Kids, a goalie in the soccer team and...